CREEPY SA JAPAN
Hi Admin, sana maipost po ito.
Hi I'm Bella, gusto ko Lang Sana ishare naexperience ko when I was in Japan way back 2016. Actually, ayoko talaga sana magpunta sa Japan that time kasi ayoko iwan jowa ko plus may work ako. But since need talaga Ng kapatid ko na may makakasama mga anak niya sa bahay kapag nasa work sila Ng bayaw ko ay pumayag ako. In less than 3 weeks nasa Japan na ako 3 days Lang kasi binaba yung visa ko.
Unang tapak ko sa bahay ng ate ko sa Japan iba agad nafeel ko. Ang bigat sa pakiramdam na parang pati pakiramdam ko nadadala sa lungkot. Hindi ko agad sinabi sa kanya. So ayun tamang kwentuhan, kamustahan hanggang inabot kami ng madaling araw. Sa sobrang antok ko na nga ata nun natulugan ko ate ko. Pero yung panaginip ko tumatak sakin hanggang paggising ko. Sa panaginip ko kasi may nakita akong haponesa na bata na sa tingin ko kaedaran ng pamangkin ko 4 years old at isang babae na hapon din na nakaputing bestida, hanggang lagpas balikat ang buhok, singkit at matalim ang mata at pakiwari ko putlang putla siya. Parang galit na galit sa akin yung babae , kahit saan ako tumingin andun siya matalim ang titig hanggang sa nagulat ako papalapit siya sakin at pakiwari ko di ako makahinga. Naramdaman ko may humawak sa ibabang damit ko pagtingin ko yung batang babe nakatingala siya sa akin. Bigla akong nagising.
Lumipas yung ilang araw saka nagkwento ate ko sa mga kababalaghang nararanasan nilang mag anak sa bahay na yun. Noong una natakot ako kasi unang gabi ko niwelcome na agad ako nung dalawa pero naisip ko din hindi ako dapat matakot kasi buhay ako sila ay mga kaluluwa na lang. Mas makapangyarihan ang pananampalataya. Ikinuwento ko din sa ate ko panaginip ko at dinescribe yung nakita ko, sobrang natakot ate ko kasi pareho pala kami ng nakita ng kaibigan niya ang pinagkaiba lang, ako sa panaginip pinasok yung kaibigan niya sa mismong kusina ng ate ko nagpakita, nakadungaw daw sa pintuan nila na may salaming transparent kita likod.
• May experience din mga pamangkin ko na sobrang nakakatakot. Katulad ng pamangkin kong si "Ana". Naglalaro Lang daw silang magkakapatid ng biglang may humawak sa binti niya kaya siya bumagsak sa sahig. Nung chineck daw ng ate ko binti niya may bakas ng daliri silang nakita.
• Meron ding scenario na tumunog ng kusa yung laruan ng pamangkin ko na jeep jeepan na nakatago sa genkan. Nagpalipat lipat ng tunog, ang pinagtataka ng ate ko kung nasanggi lang hindi dapat maglipat lipat ang tunog unless iniikot yung manibela ng jeep jeepan ng pamangkin ko.
• Pinakaworst na nangyari sakin. Pinapatulog ko bunso kong pamangkin sa sala. E mejo nagwawagamama pinalo ko ng mahina yung paa kasi nagwawala, nang biglang sumara yung sliding door sa harap ko ng pagkalakas lakas. Sa sobrang lakas yung pamangkin ko biglang tumigil sa pagwawala sabay yakap sakin at kita Kong takot na takot siya. Ang ginawa ko binuksan ko ulit yung pinto kahit nanginginig mga tuhod ko pati kurtina sabay nagpatugtog ako ng worship songs. Nung dumating yung bayaw ko tska ate ko sinabi ko agad nangyari. Kinausap nila pamangkin ko tinanong nila kung sino gumawa nun, Ang sagot niya "mama" niya daw. Kaya natakot kaming lahat. Kasi napakaimposibleng sumara ng malakas yung pinto dahil may magnet yun sa ilalim proteksyon sa mga bata para walang maipit.
Marami pang kababalaghan akong naranasan dun JUSMEEEE!
Next time na lang ulit mejo nanlalamig na batok ko eh.PS. Wag kayo tatalikod sa lugar na kinatatakutan niyo kung ayaw niyong makakita ng multo.
📜Spookify
▪︎2019▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.