"Bangungot sa Motmot"
😂😂😂**Na share ko na ito sa isang group, pero naaliw ako kasi recently dami posts dito about haunted or creepy hotels / motels, so share ko experience ko. **
This story na isshare ko is simply about nightmare or sleep paralysis(?) Hindi ko alam, pero I think kayo nalang sana ang mag interpret. I believe and respect all stories na nababasa ko dito pero hindi ako nakakakita at hindi ko po gusto, dahil matatakutin ako. ☺️
So, January 2021, may naka date ako.
Eto yung medyo nag luwag sa restrictions coming from lockdown. Lahat parang nakawala sa hawla ika nga, including myself. So, ayun we had dinner then nag two buckets of beer sa isa sa mga hilera ng restobars sa Eastwood. Masaya naman, madaming kwento.Gumabi na, pahinga na somewhere in Pasig. 😜
Garage, then sa taas yung room. We settled na. Okay naman yung room, spacious.
I believe we ordered beer pa din para mas ok na kwentuhan kasi tahimik na.
Then there was a loud sound.
Yung cover ng AC, na hulog pala.
Gulat ako dahil ang lakas ng sound nya when it hit the floor. It sounded like parang hinambalos sa floor, ganun!Medyo nag isip ako na parang ang sama ng pa welcome sa amin, pero dahil nga ayaw kong mag entertain ng takutan , I just said to myself, yeah, medyo mataas yung pwesto nung AC so malakas ang impact. We called the staff to fix it and nag apologize naman dahil "loose" na daw yun.
So walang paranormal dun kaya ayun tuloy ang gabi hanggang mag "lights off" na kami hehe. 😉
Eto na. I don't know what time it was na, but definitely the wee hours..
I know I'm having a dream, parang province ang setting.
I can see people gathered at the side of a narrow dirt road na may mga bahay sa gilid gawa sa kahoy and sawali.May mga halaman sa loob ng bakuran nila at ang mga bakod at hakbangan ay kawayan. Nagkakagulo yung mga tao. Malakas yung mga boses pero ang words lang na malinaw na narinig ko ay "bata", "balon" at "p4t@Y".
Gets ko na kung anong nangyari, syempre.It felt real, I mean the whole scenario parang nandun talaga ako, ramdam ko yung dampi ng init ng morning sun, dinig ko yung usapan ng mga tao na pupuntahan na nila yung balon hangang humina ng humina yung ingay.
Nawala yung mga tao, tahimik na.
Biglang nasa room na ako!
Sabi ko, ok gising na ako. Ramdam ko na lamig ng room.
Yung kasama ko nasa kanan ko.
Nakikita ko yung paa ko at tanaw ko yung tv.Pero shit...
May bata!
Batang babae!
Bigla nalang nasa dulo sya ng kama na halos mahahawakan na nya ang paa ko!
Gustong gusto ko na tumayo.
Panaginip pa din ito.
Sya yung bata sa balon!
Hindi ko Naman nakita sa unang panaginip ko pero basta alam ko na sya yung bata.Eh p4t@Y na sya di ba??!!
Naka dress sya, basta white na may colar and ruffles, parang sa mga bata sa horror movies. Maayos ang itsura nya. Ang buhok nya maayos na naka pigtails.
Nagsimula akong kabahan nung pa lipat lipat na sya sa paanan ko at ng kasama ko. It was as if she's just playing and teasing but for some reason it's becoming scary and I was struggling to get up but I can't, I can't move!
I know I'm shouting pero walang sounds na lumalabas!
Nakikita ko pa rin yung bata and nakakatakot na yung tawa nya.
Naninigas ako!
Ramdam ko yung tension sa leeg ko dahil pinipilit kong lumingon sa kanan ko para sana makita or magising yung katabi ko.Pagod na pagod ako katatry gumalaw. Naiiyak na ako sa takot.
Mata ko lang ang gumagalaw. Sinusundan ko kung saan pupunta yung bata. Huminto sya saglit, tapos tumakbo ng mabilis papunta na sa side ng katabi ko! Nung palapit na ng palapit, bigla syang naging matandang nurse! Nakakatakot! Madungis yung itsura nung nurse, parang baliw, madumi yung uniform nya at ang bilis ng kilos nya na sasaksakin nya yung katabi ko!
Sigaw na ako ng sigaw!Biglang parang uminit yung kanang braso ko.
Inaalog na pala ako ng katabi ko.
Ginigising nya ako dahil palag daw ako ng palag at ungol na nahihirapan.Nakahinga na ako ng maluwag! Gising na ako! Jusme kumapit ako sa braso nya ng takot na takot pero I felt relieved na. May hingal pa ako pero tumayo na ako at nag yosi. Hahaha. Kinuwento ko sa kanya yung napanaginipan ko at nag ayos na para umuwi ng alanganing oras.
Pinagusapan namin kung bakit kaya ako nakapanaginip ng ganon, e never naman namin na banggit ang bata or nurse the whole time na magkasama kami kasi diba subconscious ang panaginip? So, kung may iba pang explanation hindi ko alam pero kung may input kayo, maganda ding marinig kung ano.
Salamat sa pagbabasa, hindi naman nakakatakot para sa inyo pero ito ang pinaka nakakatakot para sa akin.
a. i
📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
AcakAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.