Duyan sa ilalim ng bahaykubo

13 1 0
                                    

“Duyan  sa ilalim ng bahaykubo”

Hello pooo! Silent reader and kailan lang po ako sumali ulit dito.
Share ko lang po itong experience ko na sobrang wierd and kinda scary po.
(LONG POST ⚠️)

Simula tumuntong ako ng 7 yrs old, madami na napapansin saakin yung mga tita,titos,lolo,lola ate and kuya.
Nakatira kami malapit sa palayan (bukid)
Bata pa ako noon nung unang maranasan ko yung nakakatakot na pangyayari sa buhay ko.

Ang bahay namin noon ay kubo, at merong groundfloor style (gaya ng nasa pic sa ibaba)  kung saan doon ako naglalaro at nagduduyan ,doon din ako nagtatago tuwing tumatakas ako sa school namin.

Kapag tumutuntong na ng hating gabi, Nakasanayan na ng akin nanay na patayin ang ilaw sa ilalim ng bahay.  kapag pinapatay na ng aking nanay yung ilaw ay nagugulat nalang ako at mgakapatid ko dahil tila parang may naglalaro sa ilalim ng bahay. Masisilip namin sa butas na nakabukas yung ilaw at tumutunog pa yung switch nito.  Yung mga kapatid ko ay nagtatawanan pa at sinaway sila ng nanay ko, ang sabi ng nanay ko ay “sige maglaro kayo, bahala kayo may mumu sa baba” yan lang panakot ni mama saamin sa tuwing ayaw pa namin matulog.. naging noraml na saamin yung ganong senaryo na patay sindi ang ilaw. At kapag naman pinatay na ni mama, maya maya nakabukas nanamn..

Isang araw, umuwi ang papa ko na lasing. Gabi na iyon at mga kapatid ko ay tulog na, si mama at ako nalang ang gising.. lumabas si mama para kumuha ng tubig na maligamgam para pampunas sa tatay ko, ako naman ay binabantayan ang tatay kong lasing na lasing at baka sumuka sa higaan namin. Habang si mama ay nasa kusina, (labas ng bahay) may narinig akong sumitsit sa may ilalim ng bahay. Akala ko si mama lang at kumukuha lang sya ng panggatong doon.  Yung sitsit pala nya ay parang may binubugaw na hayop ganon (parang shhhht shhht) kapag tumitingin ako kung saan banda yung ingay na yon, biglang humihinto. Kapag naman umaalis na yung paningin ko doon ayun nanaman nag iingay nanaman. Sa sobrang curious ko, nagsalita ako na “mama di ka pa po tapos?” Walang sumasagot kaya nung narinig ko ulit yung ingay, out of curiosity, sumilip ako sa may butas kung saan nanggagaling yung ingay, laking gulat ko kasi may nakita akong parang anino na nakaupo sa duyan ko at nagduduyan doon. Malakas yung galaw ng duyan na parang may nagduduyan na tao. di ako natakot nun kasi sa isip ko si mama yun baka inaantay nya lang uminit yung pinakukulong tubig. (Nagpakulo sya para ilagay sa tubig na pangpupunas kay papa,mahilig din aksi magkape si papa pag lasing) . Kaya naman nung nakita ko yon, nagsalita ako na “mama di ka pa ba tapos? Inaantok na po ako” tapos sa sobrang titig ko doon sa way na yon, biglang bukas ng kurtina sa pinto ng kwarto at sabay nakita ko si mama doon nakatayo ang sabi ni mama “anong ginagawa mo riyan. Sabi ko bantayan mo ang tatay mo” Nagulat ako at natakot nung nakita ko si mama roon tapos binalikan ko ng tingin yung sa duyan, umaandar parin yon at parang gusto ng lumapit saakin yung anino. Pero nagsalita si mama ulit na “halika na, tulungan mo ako dito” kaya naman umalis na ako doon.

Nung matutulog na kami ni mama, biglang nagsalita si mama saakin na “anak, tuwing makarinig ka or may makikitang kang mga bagay bagay na di napapaliwanag huwag mong lalapitan ha? Magdasal ka lang mawawala yun”
Kaya naman pagkatapos ng gabing iyon, kinabukasan ay nilalagnat ako. Dinala ako sa ospital ng magulang ko ang sabi ng doctor ay lagnat lang. Tuwing hapon na mag gagabi na umiinit yung pakiramdam ko. Pagkatapos ng pangyayari na yon, hanggang sa di makatiis yung lola ko na “ipatawas na kaya natin” kaya naman nagpunta kami a albularyo, unang kita saakin ng manggagamot ay kinikilabutan daw sya sakin. naalala ko pa habang nagkukwentuhN sila ng magulang ko narinig ko yung sinabi sa magulang ko  ng manggagamot “yung anak nyo lapitin ng mga maiitim na espirito, mga elemento. Kapag sya ay lumaki na at may isip na, madalas nya ng makikita ang mga ito sa panaginip nya. Kaya naman habang bata pa, turuan at sanayin nyo na syang maging malapit sa Ama (panginoon).” Habang nagtatawas sa kandila yung manggagamot, nagsabay din sya ng itlog na binasag sa baso na may tubig. Kasabay ng dasal nya pakiramdam ko umiinit ng sobra yung batok ko, Bumibilis yung tibok ng puso ko at parang napapaso yung noo ko..
Wala akong magwa nung araw na yon kundi umiyak ng umiyak. hanggang sa matapos na magdasal yung manggagamot sakin.

Madami pa akong experience now. At sinasabi ko na parang nagkakatotoo ang sinasabi ng manggagamot saakin.

Comment nalang po if want nyo pa mabasa yung ibang stories ko ngayong nasa 20’s na ako.



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon