My ex-girlfriend
Hi. I just want to share some ghost stories na naexperience ko nung kami pa nung ex ko. Magkaklase kami nung college pero naging kami nung unexpectedly, naging magkatrabaho kami sa isang BPO. 2015 kami grumaduate, and nung 2017 ( nung lumipat ako sa isang BPO sa Shaw ) andon pala sya nagwowork and ayun nga, niligawan ko sya and naging kami. Let me hide her name sa pangalang "AJ". Maganda si AJ, kalog, pero hindi naman OA. Tipikal na probinsyana vibes, simple, pero nakaka attract sya magsalita at ngumiti. Siguro kaya nag apply sya sa BPO, kasi maganda talaga ung speaking voice nya. Nung college, aaminin ko hindi ko sya type, pano kasi, hindi pa sya marunong mag ayos non. Pero ngayon, ang ganda na nya, simple lang, pero marunong ng mag-ayos, hehe. Feeling ko kung mababasa nya to, kilala na agad nya ako hehe.
So eto na nga, nung naging kami na, tinanong ko sya kung totoo ba ung sabe sabe dati na may 3rd eye sya, which is sinabe naman nya na oo. Naexcite ako, kasi mahilig talaga ko sa mga horror stuffs, kaya lang wala pa kong naeexperience. Siguro dahil malakas ang loob ko at hindi ako matatakutin, kaya walang nagpaparamdam sa akin ( bukod sa palagi akong gino-ghost, lols. )
Sinabe nya na meron daw syang ganon, pero hindi nalang nya masyadong ineentertain, kasi nga ayaw naman nyang matakot sa kanya ang iba. Sabe ko panong matatakot, eh cool nga iyon. Sabe nya basta, hindi sya cool, lalo na kung ikaw yung nakakaexperience. Since elementary daw sya, nakakakita na sya ng ganon, nung una daw ineexplore pa nya, parang kinakausap, ineentertain ganon. Kaso the more na inentertain mo, the more na mas lalo pa silang magpapakita. Kaya dinedma nalang nya, lalo na't hindi naman nanggugulo. Alam daw kasi ng spirits kapag nakikita sila, parang mas lalong nagpapansin, ganon.
Nung college, parang mas lalo pa daw naging open ung Aura nya. Hindi lang kasi nya basta nakikita, naririnig pa nya. Kaya mas lalo syang nadidisturb. So para hindi sya mas lalo guluhin, talagang deadma to the max nalang daw talaga if kaya nya. Pero merong iba daw talaga, na hindi nya kaya.
One time, nagkaroon kami ng team building sa Tanay, Rizal. Hindi ko nalang sasabihin kung saan, pero private pool resort sya. Sabe ko kay AJ, sabihan nya ko if may makikita syang something, tapos ituro nya saken. Mga 2018 na siguro to, after ng mahal ng araw. Natawa nalang sya, sabe nya kahit naman daw ituro nya, kung hindi ko naman makikita, wala rin. Sabe ko basta ituro mo nalang, if meron, edi meron. Kung wala, edi wala. Umoo nalang sya.
Okay naman yung resort na narentahan namin. Bale 22 hrs stay lang kami don, bukas before lunch, uuwi na din. Madaming tao as in, siguro dahil kakatapos lang ng mahal na araw. Sa isip ko non, meron kaya dito? Ang daming tao eh. So ayun nga, swimming kami, then boodle fight, then nung kinagabihan, inuman na. Hanggang 10pm lang yung pool, so after 10pm, lahat kami aahon na, inuman nalang sa benches malapit sa room namin. Meron kaming kasama, habang nagiinom, siguro dahil lasing na, around 11:30 ata iyon, bumalik uli sa pool para lumangoy. Sumisigaw pa sya na samahan namin sya, karera daw ng langoy paunahan from unahan hanggang dulo ng pool. Sinisigawan na namin sya na bumalik sa upuan, at baka mamaya makita sya ng rumorondang staff ng pool, pagsabihan pa sya. Marami pang taong gising at nag iinuman sa tapat ng mga room nila, pero ung kawork nalang namin ung nag iisang lumalangoy sa pool. Nagpapapansin siguro.
Mayamaya, nakita kong tumayo si AJ. Parang may sinisipat sipat sya. Tapos naglakad sya ng konti, tapos parang may tinitignan sya sa kabilang dulo ng pool. Maya maya, sumigaw sya. Sinabihan nya yung kasama namin na umahon daw, bilis. Hindi naman sya pinakinggan nito. Sumigaw pa uli si AJ, pero parang walang paki yung kasamahan namin. Tinawag nya ko, nakita ko na parang kinakabahan sya. Sabe nya meron daw syang nakita na tumalon din sa pool, at lumalangoy papunta sa kasamahan namin. Kaso may hawak itong kadena. Pagtingin ko sa pool, wala namang ibang tao don, bukod sa katrabaho naming mag isang lumalangoy.
Sure ka? Tanong ko sa kanya. Oo nga, at hindi raw maganda yung vibes nya doon sa multo o kung anong creature na nakita nya, para kasing halimaw daw sa texas chainsaw massacre, parang deformed yung mukha. Kaya nya sinisipat sipat kanina, para makita nya kung tao ba talaga o hindi. Pero alam nya, na sya lang yung nakakakita doon.Then nagulat nalang kami ng biglang sumigaw yung kasama namin na mag isa sa pool, humihingi ng tulong. Nung una, walang lumapit kasi baka mamaya, nangtitrip lang. Sabe pa ng isa naming kawork, hayaan nyo ng matuto sya ng leksyon. Lalangoy langoy pa daw kahit alam ng bawal. Sagipin nya sarili nya. Pero nung may iba ng mga taong nagpuntahan, which is yung ibang mga nagiinuman din sa room nila, lumapit na rin kami. Baka mamaya sabihin pinabayaan namin yung kasama namin. Nung pinuntahan namin sya, nagkakawag kawag sya sa gitna ng pool. Parang may nangluloblob sa kanya, humihila sa ulo nya pailalim sa pool. Tumalon yung dalawa naming kasamahan para sagipin sya, pero parang bigat na bigat sila. Meron na ring isang lalaking tumalon at tumulong, so 3 na silang sumasagip sa katrabaho namin. Nakita ko yung katrabaho namin na parang may tinatanggal sa leeg nya, akala ko nga nabuhol yung kwintas nya sa kanya.
Nakita kong nanlalaki yung mata ni AJ. Tinanong ko sya kung bakit? Sabe nya nilagyan daw ng kadena nung multo sa leeg yung kasamahan namin, at yun ang ginagamit nya panghila dito pailalim sa pool. Hindi na nakatiis si AJ, lumapit sya sa gilid ng pool at nagmura.
"P*tang*na mo nakikita kita ha! Alisin mo yan tanggalin mo yan sa leeg nya!" Sigaw nya. Basta parang ganyan yung sinabe nya.Tapos dinuduro duro pa nya yung nasa pool. Akala tuloy ng mga tao, isa doon sa 3 sumasagip yung minumura nya. Pero nakita ko after that, tumigil sa pagkakawag ung kasamahan namin at parang gumaan sya at mabilis na naihon nung tatlo, paangat sa pool. Habol hininga at parang hinihimas himas nya yung leeg nya ng maiahon sya sa pool. Hindi sya makapgsalita. I-CPR daw sya sabe nung isang kasama namin, kaso wala namang marunong. Sabay may dumating na mga staff at chineck kung anong nangyari.
Tinanong ko si AJ kung anong nangyari, sabe nya tinapangan nalang nya yung loob nya, need daw madestruct nung kung sino mang nilalang na yon para bitawan yung kadena na tinali sa leeg ng kasama namin. Sabe ko sure ka? Talagang merong multo na nanglunod kay ano? Sabe nya nakikita pa rin na andon pa rin daw sa pool yung mukhang halimaw na multo, nakatingin samen, kung di daw ako naniniwala, try ko daw magswimming para ako naman daw yung hilahin. Sabe ko syempre hindi, pagkatapos kong masaksihan yung nangyari. Sabe ko andyan paba? Hindi pa rin umaalis? Pero umiling sya.
Sabay baling ng tingin namin sa kasamahan na kinakausap ng ilang staff.Sabe nya meron daw humila sa kanya kanina, though lahat ng tao doon, pati yung mga staff, iniisip lang na baka lasing sya at pinulikat kaya nahirapan lumangoy. Pero sabe ng 3 sumasagip sa kanya kanina, ang bigat daw talaga ng kasamahan namin. Parang pag hinihila nila paangat ng pool, merong nakasabit dito na humihila naman pababa. Pero ang mahalaga daw, ligtas na sya. Nagsilbing aral na rin to sa kasamahan namin na sumunod sa rules, na kapag sinabeng wag ng lumangoy, wag na talagang lumangoy. Pero nagdadahilan daw sya, sabe nya mababaw lang naman yun at kaya nya ang 6ft, talagang meron lang humihila at sumasakal sa kanya.
Pagbalik uli ni AJ ng tingin sa pool, wala na yung multo na mukhang halimaw. Luminga linga sya kung saan, pero hindi na nya makita ito.
Sabe nya saken, delikado sa lugar na to. Ramdam daw nya na hindi ito ang unang beses na may sinubukang lunurin yung multo na yun, mukhang maraming beses na. At hindi sya sure kung panglulunod lang ang ginagawa nito, baka meron pang iba. Mejo nakaramdam ako ng kaba sa sinabe nya.Nung gabeng iyon, kahit lasing ako, hindi ako makatulog ng maayos. Naiisip ko kasi, what if hindi lang talaga sa pool pumupunta yung multo na yon, what if pati sa kwarto pumapasok yun at nangmumulto. Nakita kong mahimbing lang ang tulog ni AJ. Pinilit ko nalang uli na matulog at yumakap sa kanya. Nagulat ako ng magsalita sya. Huwag daw akong mag alala, malakas daw yung vibes nya sa ganon, kahit tulog sya, pag may naramdaman syang something, nagigising daw agad sya. Dahil komportable naman sya sa pagkakatulog sa room namin, alam daw nya na walang kung ano man ang meron doon. Kaya matulog na rin daw akong mahimbing. Sinunod ko nalang sya.
Nagkahiwalay kami nung pandemic, pinagpalit nya kasi ko sa multo. De joke lang. Basta, it was a mutual decision for both of us. Next time, kapag may time uli ako, magkukwento pa ko ng iba. Konti lang naman yun, at sa tingin ko naman, kahit mabasa mo to AJ ( alam mo kung bakit AJ ang ginamit kong pangalan dito hehe ) hindi ka naman siguro magagalit, as long na hindi ko babanggitin ung personal details mo at kung bakit tayo nauwi sa hiwalayan. Til next time...
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
De TodoAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.