Aswang Damo

20 1 0
                                    

Kwento ko lang yung experience namin sa probinsya di ko sigurado kung ano to, comment nalang kayo kung nakaexp rin kayo ng ganito.

Quezon province Year 2010:

Nag simula to mga around 6:00 pm, mejo maliwanag pa nag simula sa pag ubo yung tatay ko dahil nga sa ubo nagpalala na rin yung pag inom niya ng lagundi.

nakatira kami sa kubo na ang kasya e 3 tao lang at ang kusina ay nasa labas lang, kasama ko lang ay nanay at tatay ko.

around 6:30 pm madilim na naghahanda na kami para kumain at dinadalahik na ng ubo si tatay.

hanggang sa around 7:00 pm may naririnig na kami na humahalikhik o tumatawa ng sobra sa malayo hanggang sa pag lipas ng mga minuto palapit ng palapit yung humahalikhik kung pag babasehan yung lakas e parang nasa tapat lang ng bahay namin. (di ko maexplain yung tunog ng sobra pero ang kaparehas na tunog e yung halikhik na tawa) para tignan kung ano yung naririnig namin lumabas kami ng nanay ko para ilawan yun paligid tignan mga itaas ng puno, pero wala kaming nakita walang kahit ano pero tuloy tuloy parin yung pag tawa na tunog.

humina lang yung tunog nung hindi na inuubo yung tatay ko.

pero madalas parin namin naririnig yung tunog na yun kaso sa sobrang malayo na.

sa kwento kwento samin ang tawag raw dun ay aswang damo.

ano sa tingin niyo ?



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon