GAYUMA?
Long post ahead.
Hello, peeps. Kwento ko lang tong nangyayari ngayon sa bahay namin. May kapatid kasi akong lalaki na mas bata sakin. Nung graduation day niya kasi this month lng din, nameet niya yung girl na former classmate ko nung junior high school kasi itong si girl daw ay nilapitan siya during the ceremony at nagpakilalang former classmate ko nga, tapos nag-usap daw sila for a while. Dito na nakaramdam ng kakaiba yung kapatid ko. Yung sudden feeling of attraction daw. And then itong si girl, bigla raw nag-ask sa kapatid ko kung pwedeng dun muna siya samin makitulog THAT VERY SAME DAY na first time nila magkita at magkakilala. For some reason pumayag naman yung kapatid ko without hesitation. Tapos ayun hindi na umuwi si girl sa kanila ever since that day. Nung una oks naman siya sa bahay kasi maaasahan mo talaga siya kasi palakilos si girl kahit di mo inuutusan. Parang hindi siya napapagod hahaha grabe. Kami pa nga mismo pumipigil sa kanya kasi para sa amin nasosobrahan na siya sa paglilinis na minsan wala nang natirira sa aming mga nakatira talaga ron sa bahay. Magaling din siyang makisama, nagustuhan nga agad siya ng parents namin. Kahit ako, nag-iba yung tingin ko sa kanya na dating cautious ako sa kanya kasi may history siya nung high school days namin, tapos ngayon gumagaan na yung loob ko sa kanya. Masasabi mo talagang gustong-gusto siya ng mga tao sa bahay. Pero....
Here comes the exciting part...
Nangyari lang itong lahat in a span of two weeks simula nung dumating siya sa bahay. Una, naging mailap na ang tingin ng parents ko saming magkakapatid. Dati pag umuuwi sila galing work, sa akin sila nagtatanong ng mga kaganapan sa bahay since ako ang panganay sa aming magkakapatid, and therefore responsible sa lahat ng bagay sa bahay. Ngayon halos hindi na ako kausapin. Lagi na rin silang galit sa akin. Hindi ko mapaliwanag pero bigla na lang naging masama tingin nila sa akin. Pag may tanong tungkol sa bahay, derecho na agad kay girl. Hanggang ngayon hindi kami okay ng parents ko kasi hindi naman nila ako kinakamusta na.
Then ito na nga. May involved na money. I had a large sum of money sa wallet ko that time (thousand bills) kasi pambayad ko sana siya ng tuition ko. Sa maniwala man kayo't sa hindi, never pa may nawalan ng pera sa bahay dahil may kanya-kanya kaming allowance. Pag manghihiram yung isa sa amin, magpapaalam. Even then, hindi naman ganon kalaki yung hinihiram namin sa isa't-isa. Yep, I woke up na wala na yung money ko sa wallet ko, which was inside my bag lang. Confident ako that time na hindi yun mawawala kasi yung bag ko kung saan nakalagay yung money was in my room and katabi kong matulog. Never na lang din ako nag question kasi nung nag consult ako kay mama about sa nawawalang money, sabi niya papalitan niya na lang daw. After that incident, nasundan pa ulit yung mga nawawalang pera. Malalaking pera rin yung nawawala. It's either sa kapatid ko, sa boyfriend ko, or pera ng tita ko yung nawawala sa bahay. Lahat ng yon nangyari simula nung dumating yung girl. Basta masyadong maraming incident kaya hindi ko makwento lahat, pero laging may money na involved. And what's odd is pag may nawawalan, laging nakapatay yung CCTV namin.
Ngayon, wag nyo akong ijudge. Ayoko rin naman kasi mambintang, but according to her friends na acquaintances ko rin, every time na may nawawalan ng pera sa bahay, si ate girl daw ay nanlilibre sa friends niya. And they don't mean libreng tusok sa tabi-tabi. I mean libreng eat-all-you-can ang levels daw. Hindi rin naman kasi siya umuuwi na sa kanila kasi ayaw niya raw and hindi na rin siya lumalabas ng bahay ever since nagkakilala sila ng kapatid ko para makakuha ng money outside. Sobrang coincidence lang na pag may nawawalan sa bahay, lagi siyang generous.
Now this brings me to my conclusions:
1. Hindi ko alam kung dala lang ba ito ng inggit na hindi na ako yung authority sa bahay at wala na ang tiwala sakin ng parents namin kaya iniisip kong pumapapel siya.
2. Ginayuma yung kapatid ko dahil may gustong makuha si girl sa amin and that is gusto niyang makuha yung trust ngahat ng tao so she can rob us blind in front of our very own eyes. Or...
3. Magaling lang talaga mag-manipulate si girl gaya nung ginagawa niya dati pa nung high school days namin... but that's for another story. Sobrang questionable talaga ng character niya ever since.
Also, any advice na rin sa kung anong pwedeng gawin sa ganitong situation?
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.