PTPA ~
I heard stories like this sa bahay namin sa Bulacan. Sub-urban na siya pero madami padin bukid. IDK if accurate siya pero eto yung narinig ko na experiences nila and how I remember it
We experienced that sa bahay namin dati sa Bulacan which is ang bahay namin malapit kami sa parang opening or gate na papuntang bukid so baka connected yun sa mga nangyayari sa bahay and corner lot pa, nothing creepy about sa house namin in fact ang jolly pa ng ambiance ng bahay maaliwalas kumbaga except sa dirty kitchen at sa kwarto ng kapatid ko na malapit sa kusina. Anyways, lagi may nagsasabi samin na kapitbahay na may nakikita silang family na nakatayo sa bintana namin na shadow lang ng pamilya and pagka gabi naririnig ko laging may nagluluto. One time, may bisita kami na sobrang ingay kala mo nasa ibang bahay kausap nya, habang naghuhugas siya ng kamay niya sa may kusina eh yung water jug namin sa kusina na malapit sa lababo is parang nabuhos sa kanya like basang basa siya. Di namin alam pano nabuhos sa kanya since nasa tabi niya lang naman and mabigat pa so pano mabubuhos sa kanya then nakita namin yung water jug nakalagay ulit sa gilid ng maayos at ubos na yung tubig. so sabi ng mama ko mag sorry daw siya at umuwi nalang muna. Plus yung CR namin is may butas sa kisame na kita yung bubong, ayaw ko tumambay dun sa CR kasi feel ko laging may nakatingin.
and IDK if related ba itong story ko kay bantay pero meron pang isang happening sa bahay na yon is madaling araw na like around 12mn to 3am. may narinig sila mama na kumakaluskos sa bubong namin like hindi siya pusa kasi pag pusa mabilis lang at parang magaan at maririnig mo if may kaaway, so ayun alam namin hindi talaga yun pusa. ang yapak ng nasa bubong is parang footsteps na napaka lakas na naglakad malapit sa kwarto ko and pabalik sa kusina and vice versa, parang iniikutan niya yung bahay namin. so ayun since taga Mindanao talaga si Mama, binuksan niya lahat ng ilaw at kumuha siya ng kutsilyo na malaki then pang sharp ng kutsilyo, ang ginawa niya is parang pinapatunog niya both kutsilyo na parang nag clash yung mga kutsilyo tas sumigaw siya na umalis daw kundi parang papatayin nya daw yun and other words in bisaya. so ayun kinaumagahan wala na daw kumakaluskos pero nung kinwento ni Mama sa mga kapitbahay eh nakita daw ng mga kapitbahay na parang amy tumatakbo daw sa mga bubong ng bahay namin na tao pero sobrang bilis.
Let me know if may ganito din kayong stories hehe I want to read your experiences. ~~~~~
PS. The picture is most recent then kita diyan na corner lot kami and bungad sa opening papuntang bukid and may simbahan dyan na tinayo sa may bukid. Idk if related pero parang lagusan daw bahay namin ng mge entities and spirits.
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.