The Game

17 1 0
                                    

“The Game”

I’ve learned this game way back when I was 12 years old siguro ako. Taga Cavite ako. Merong nagmamanicure sa mga tita ko na may kasamang anak madalas pag napunta sya sa compound namin, mga 1-2 years older lang siguro.

Tinuruan nya ako ng laro na to, magic daw. Di nya sakin muna sinabe kung ano mangyayare basta sundin ko lang daw sasabihin nya and mag concentrate lang. Syempre, as a kid, uto-uto sa ganto basta magic 🤣

“Pikit ka. Magconcentrate ka sa sasabihin ko. Wag ka mag isip ng iba.”

Sya: *Pumalakpak ng 3 times left side ng muka ko, then right side, then bandang baba ko sa may chest area. (Imagine parang inverted na triangle).

Kada palakpak nya sinasabihan nya ako ng huminga ako ng 3 then after nung pigilan ko daw hininga ko.

Then pumalakpak ulit sya ng tig-2 (same, painverted triangle). Then on third clap. Hinga 2, then pigil hininga.

Then last na. Tag isang clap na. Then hinga isa, pigil hininga.

Tapos may slight pause nun. After a while ng pagpigil hininga, pinamulat nya na ako.
Nagulat ako kasi nakataas kamay ko.

Sabi ko wow magic. Syempre naamaze ako. Edi tinuruan nya na ako kung paano.

After ng 3rd na tag isang clap, ang ginagawa nya is parang hinihigit nya ung kamay ko. Imagine may invisible na thread na nakaattach sa kamay, higitin lang un until mapataas kamay ng ginagawan mo.

Trust me, I swear ang dami kong nagawan nito. Nagugulat sila ang taas ng kamay ng iba after nila dumilat.

Tinigil ko lang to kasi nalaman ko masama pala sya. Parang naoopen yung body mo, and if may ligaw na kaluluwa, pwede ka pasukan.

*Alam nyo rin ba to? Super curious lang ako kaya ako nagpost. Pwede ako magpost ng sample hahaha pero sympre nakakatakot gawen.

Thanks po!


📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon