Valentine's Day

13 1 0
                                    

VALENTINES DAY
(Trigger Warning)

I’m a new member here, and avid fan ako ng mga horror stories. Hindi po talaga ako magaling mga story telling pero allow me na ishare itong story ko which happened wayback 2003.

I was just 5 years old turning 6 pero matandain na talaga ako sa mga events. Caretaker si Papa non sa isang malaking bahay sa isang exclusive subdivision sa Pasig di ko na papangalanan pero along Ortigas Ave. siya.

Konting back story and description ng bahay for your own imagination. Malaki yung bahay 7 rooms siya parang may ballroom area sa sala and may malaking garden sa likod and spacious pa yung harap and parking lot. Luma na siya and di tinitirhan, minsan bumibisita lang yung kamag anak ng owner. Tatlo lang kaming madalas nandon Mama Papa and Ako.

I remember an this one time naliligo ako sa baba syempre bata ka pupunoin mo ng tubig yung bath tub, habang nakalubog ako feeling ko may naka titig sakin sa gilid ng cr. Nung kinukwento ko kay mama pinagalitan lang ako and sinabihan lang ako na tinatakot ko daw yung sarili ko.

Minsan pag bumibisita mga kamag anak namin or even mga family friend, after nila mag overnight lagi sila nag kukwento sa parents ko na parang may maingay daw sa taas and kung may kasama daw ba kami.

So fast forward February 14, 2003 around 6pm or 7pm nasa room kami sa baba ng parents ko. Tandang tanda ko pa until today how it sounded. Yung tunong ng takong ng sapatos na nag aakyat panaog sa hagdanan. Siguro mga 5 minutes na ganon mawawala and babalik. After ilang minutes may nag bukas ng pinto sa room sa taas and inopen ang shower sabay tapon ng mga gamit na parang nag wawala. Take note wala pong mga gamit sa taas tanging higaan at unan lang then bakanteng built in cabinets. After ilang minutes bigla kaming nagulat ng sumunod may nag iiiyak at sumisigaw. Babaeng iyak ng iyak at nag wawala. It lasted for more than 30 minutes. Mawawala at babalik lang. Halos di kami makatulog.

Then the morning after kinausap ni papa yung kilala niya na may connection sa may ari ng bahay and only to find out na haunted pala yung bahay kaya iniwan ng owner. Influencial daw yung owner ng bahay and they decided na abandonahin yung bahay due to some personal reasons. Nalaman ni Papa na yung reason is nabuntis daw ng boyfriend yung anak ng may ari ng bahay, and di daw matanggap ng parents. Sa sobrang depressed daw nung anak sadly nag $u!/c!d3 daw ito.

After namin malaman yung story we still stayed there for some months pero nag decide na din ang parents ko umalis kasi di namin matagalan yung mas napapadalas niyang pag paparamdam.

I’m 27 years old now that was 2 decades ago. Hoping na sana tahimik na siya.



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon