6th Dimension
I have 6th dimension according sa tinatawag na "Faith healer". Mas malala siya sa ordinary na may 3rd eye lang. Sinabi saken ng faith healer na kaya 6th dimension dahil unang una, meron akong third eye. Bumabangon ako sa bangungot ko. Not just ordinaryong pagbangon. Nabangon ako na naiiwan ko yung katawan ko na nakahiga sa kama and everytime na ganun ang mangyayare nakikita ko ang body ko na lifeless.
Madalas din ako binabangungot sa ibang bahay na natutulugan ko. Na kahit wala akong idea kung sinong namatay sa bahay na yun, nakakausap at nagpapakita saken sa bangungot. Hanggang sa kinukwento ko lang sa mga tao dun yung nakita ko at bigla silang matatakot kasi kilala nila yung tinutukoy ko. Imagine, nakikita mo sila ng wala kang kalaban laban. Hindi ka makasigaw or makagalaw manlang.
Meron ding pagkakataon na akala ko nagising na ako sa bangungot ko. Tumakbo ako sa salas namin and nakita ko bukas yung tv, may movie intro na nagpplay, umupo ako sa sofa kung san may nakahiga na friend namin na bisita na nag overnight. Ang sabe ko habang tinatapik ko siya "ate binangungot ako" then all of a sudden pagmulat ng mata niya, bumalik ako sa bed na nakahiga, binabangungot paden pala ako. Again, bumangon na naman ako, tumakbo sa salas for the second time, nakita ko yung intro ng movie na nagpplay. Sabay upo sa sofa then tinatapik si ateng bisita ko at nagising siya. "Ate binangungot ako". Bumalik na naman ako bigla sa bed, binabangungot ako. At paulit ulit yun nangyare hanggang 7 times. Parang naka loop lang yung nangyayare. ( Btw may isa pang tao sa salas, yung partner niya. Siya yung nanunuod ng movie nakaupo siya sa single sofa). Hanggang ending nag pray ako kay God sa mind ko lang " Lord, please gusto ko na po magising, sana magising ako" (habang di makagalaw at makasigaw) yung maid namin pumasok ng room, Binangon ako at nagising naman ako. Binabangungot nga daw ako. Sobrang pawis ako pag gising ko.
At that moment, gising na talaga ako. Lumabas ako ng kwarto, kagaya sa bangungot ko, nag pplay yung intro ng movie. Sabe ni kuya na partner ni ate " Uy nood tayo movie". Di ako nakasagot. Nakatingin lang ako sa tv kase same na same sa bangungot ko yung nagpplay na intro ng movie. Umupo ako sa sofa, tinapik ko si ate, nagulat ako kase dumilat siya ng gulat na gulat. As in nanlaki mata niya. Bigla niyang sinabe saken "Kanina pa ko pagising gising kase may natapik saken ilang beses na wala namang tao pag tinitignan ko, parang 7 times na ata". Iniisip niya yung partner niya pinagttripan siya. Pero natakot nadin partner niya kase nga di naman daw niya tinatapik si ate para gisingin. Weird right?
6th dimesion according sa nakausap ko na faith healer is yung kaya ko mag travel. Which is na eexperience ko madalas kapag binabangungot ako. Ang dami ko pang gustong i share dito na as in creepy sobra. Di ko lang mai type ng maayos kase nga nalilito ako sa dami ng na experienced ko. Yung unang beses na tumayo ako sa bangungot ko na nakita ko lifeless katawan ko sa kama. Di ko alam pano bumalik. Pero may nagsasalita na natulong saken. Ginaguide niya ako anong dapat kong gawin. Na kalaunan dahil din sa bangungot ko nakilala ko siya. Saka ko na ikkwento dito kung sino siya.
7th dimension is ma ppredict mo kung mamamatay na yung tao. Sabe niya. Sa case ko hindi pa ako sure. Pero nasa 5 tao na yung namatay na nung una may pakiramdam ako. Minsan may mga tao na nakakaramdam ako ng something negative sa pakiramdam. Ang hirap iexplain kung gaano ka weird yung pakiramdam pero bigla bigla lang ako nakakaramdam ng bigat. I did and always pray kay Lord na gabayan niya yung tao na yun. Pero days, weeks, months ang pinakamatagal. Magugulat nalang ako na deads na yung tao na yun. Sorry kung di ko ma explain ng maayos sa inyo yung pakiramdam ko kase ang hirap talaga.
I will try to share more of my experience about bangungot and travel ng soul ko and paano ko naibabalik yung sarili ko sa body ko. Sa ngayon pinag iisipan ko kung ipapa close ko nalang yung third eye ko or hayaan ko nalang magtuloy tuloy. Kase ang alam ko lang nung last week dapat patay nako. Yes, sure na sure ako dapat deads nako dahil sa bangungot ko last week lang.
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.