Kwento ko lang yung na experience ng mother ko sa kapitbahay nilang lalaki.
Sa Silang cavite ito nangyari. 1994 pinagbubuntis ako ng mother ko. Gabi daw nung time na yun at nag brown out. Yung father ko nasa work. Si mama ko pumunta kapitbahay para mag ask ng help at samahan siya sa bahay habang naghihintay sa father ko. Itong kapitbahay na lalaki matagal na nilang friend as in kababata ng father ko.
Sinamahan sa loob ng sala nagkikwentuhan daw sila. Habang nagkukwentuhan daw sila bigla daw unti unti nagbukas yung pintuan ng entrance ng bahay. Malapit lang kasi pintuan sa sala. Nagulat mother ko syempre natakot. Yung friend nila lalaki di man daw natakot. Sabi ng lalaki wag daw matakot baka hangin lang daw yun. Yung kwento ng mother ko yung bukas ng pintuan talagang dahan dahan siya. Alam ninyo yung mga pintuan noon may wire sa taas na pag binuksan mo magkusang magsara tapos see through na makikita mo tao sa loob at labas screen door ba yun. Di ko alam kung ano tawag dun haha steel door ba or metal door basta. Then bigla sumara din yung pintuan nang dahan dahan. Then bigla humangin daw sa loob ng bahay ng malakas at sobrang lamig. Then yung friend ng mother ko nag yaya na dun sa bahay nalang nila maghintay sa father ko so ayun na nga pumunta nalang sila sa bahay nung lalaki.
Then nung nasa bahay na nung lalaki at mother ko. Nagkwento yung lalaki na may nakita daw siya pumasok sa bahay namin. Dahan dahan binuksan ang pintuan. At papalapit sakanila kaya niyaya na ng lalaki sa bahay nalang nila maghintay. Hindi sinabi nung lalaki sa mother ko kaagad kasi nga magpapanic mother ko at baka mapaanak. Kaya daw naramdaman din ng mother ko yung naramdaman at nakikta nyng lalaki kasi nauna daw siya maglakad dun sa may third eye. Dapat magpapahuli ka daw sa paglalakad sa taong may third eye para di mo makita kung ano man nakikita nila.
Ang kwento daw dun sa lalaki nung mother niya. Nung 3 years old daw yung lalaki. Nakatingala daw sa taas ng kisame at nakikipag usap at may tinuturo. Then nagtanong daw mother nung lalaki ano daw nakikita. Sabi may tatlong daw na baby na lumilipad na may buntot pakpak at sungay.Question ko totoo kaya yun? Dapat magpahuli sa paglalakad or wag mauna sa taong may third eye kasi makikita mo makikita nila di pangakaraniwan? Kasi yung uncle ko sa pampanga may kainuman siya na may third eye. Nagkayayaan umuwi na. Nagkataon naglakad siya una kesa dun sa kainuman may third eye. Ang nangyari may bigla nalang sumusunod sa uncle ko nung oras na yun na matandang naka itim na may belo. Never pa niya na experience yun until sabhin din nung kainuman na may third eye siya at nakita niya rin yung nakita nung uncle ko. Yun lang 😊 Marami pa ako kwento na totoong na experience ng mga kakilala ko 😁 Baka next time nalang oag na approved ito kwento yun lang thank you. 😁
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.