Malakas ba pakiramdam mo?

22 1 0
                                    

Malakas ba pakiramdam mo?

Hindi naman 'to horror pero I am weirded out lang sometimes and baka may maka share din ng aking same experience.

Nakakaramdam kasi ako through energy either sa tao o bagay. Sensitive masyado yung energy ko just like cats. Yung kahit di ko pa sila kilala personally, nasesense ko na yung energy na binibigay nila sakin kung negative or positive man. Sensitive din ako kahit sa subtle changes saking paligid or nararamdaman ko yung energy ng room. I'll give you some scenarios nung mga experiences ko.

Noong college ako, nag invite yung kaclose kong kaklase samin na sa house nila kami mag lunch kasi malapit lang naman bahay nila sa school. Nung pumunta na kami dun, pumasok na lahat, ako na lang naiwan sa labas ng bahay nila. Nakatayo lang ako sa entrance ng pinto nila kasi di ko mapasok sarili ko sa loob dahil sa bigat ng energy sa loob. Yung alam mong kahit wala pang ibang pumapasok pero ramdam mong may iba kayong kasama sa loob (wala iba tao pati parents nasa work and all sibs may mga pasok) Buti nag aya yung isa kong kaklase na sa labas kami mag lunch (may dirty kitchen na kubo kasi sila sa labas). Later on nakwento na nga ng kaklase ko na may nagpaparamdam sa bahay nila.

Normally late ako natutulog, normal na gabi lang, pero nung oras na yun madaling araw na, may naramdaman ako bigla sa paligid ng bahay namin. Tahimik na, tulog na lahat, mag aalas tres na din, nanonood lang ako sa tiktok bigla may sumagi sa mind ko na "may tao", "may magnanakaw" na nagpa hinto sa ginagawa ko. Pinakiramdaman ko paligid, tahimik pero nararamdaman kong may nangyayari. Binalewala ko lang kasi baka tinatakot ko lang sarili ko. Kinabukasan late ako nagsising (kasi late din naman ako natulog wahaha), nasabi ng papa ko na nawawala daw yung manok namin, ninakaw daw kasi nasira yung kulongan ng manok pero thankfully yun lang nawala samin.

Ito sa tao naman, young pastor siya, mabait sa lahat, talks about Jesus and always introduces christianity pero may nararamdaman akong kakaiba sa kanyang negative. Nasabi ko 'to sa kaibigan ko pero di ako pinaniwalaan kasi sino ba naman mag iisip ng masama sa isang pastor dba? Plus, hindi ko kaclose yung pastor na yun. Tinanong din ako ng isa kong kaibigan kung bat ayaw ko sa kanya. But it's not the "hindi ko siya gusto as a person", sadyang may nararamdaman lang akong negative energy sa kanya na hindi niya pinapakita at hindi pa na uunleash sakin, di ko lang ma pinpoint kung ano. Until naging sila nung isa kong friend but later on nalaman ko grabe siya manakit physically & verbally at ang bastos niya din. Mapapa "I knew it" moments ka na lang talaga.

Nung una palagi ako may nararamdaman sa city namin. Sabi ko ano kaya 'to kasi it's very odd. Super tagal na nito pero naalala ko pa din yung message na 'to sakin. May pumasok sa mind kong "sisikat din  city namin sa buong mundo". At first na weirded out ako sa thought na yun and naisip ko lang na baka nasosobrahan lang ako sa pagiging daydreamer ko. Eh sa liit ba naman ng city namin tas hindi siya ganun ka dinadayo ng mga tourists so binalewala ko lang yung thought na yun pero never ko na nakalimutan. 2-3 years later, humagupit ang pinaka malakas na bagyong "Yolanda" sa maliit na city namin na nag dulot ng malaking destruso sa buhay at kabuhayan ng marami. Dahil din dito binalita ito sa buong mundo. Although, hindi naman talaga siya sumikat as sikat positively, pero nakilala yung city namin ng ibang lugar dahil nga lang sa mapagpinsalang bagyo.

Madami ko pa gusto ikwento pero it's one of the things na I experience being a highly intuitive person. Sabi nung nabasa kong article, there are four types of intuition: Clairvoyance, Clairaudience, Clairsentience, and Claircognizance. If you're (1) Clairvoyant, you'll likely see visions or colors or pictures others can't see. If you're (2) Clairaudient, you'll hear sounds or voices or even music that other people can't hear. If you're (3) Clairsentient, you'll feel things in your body. But if you're (4) Claircognizant, you'll just know things you shouldn't know, which can make this the hardest form of intuition to recognize because you'll think it's just a thought.

Ayon, share ko lang. Baka may makapag share din ng thoughts nila jan either naniniwala man or hindi. Please share the same experience para d ko isipin nabubuwang lang ako. Thankssss!



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon