Haunted House in Antipolo
share ko lang etong house ng lolo & lola ko dati. as of now na foreclosed na sa bank.
Year 2001/2002 po ginawa ang house ng grandparents ko na ito, nabenta na po kasi ang unang bahay sa may pelengke kaya bumili sila sa isang subdivision around Antipolo.
During construction, naalala ko ang kwento dito na marami daw nahukay na malalaking bilog na bato na hindi kaya buhatin kahit hilahin ng heavy equipment, kaya pinatiktik daw ito sa mga Aeta na kakilala ng mga construction workers.
So eto na nga, tapos na po yung bahay. Madalas dito kami nag summer vacation ng mga kapatid ko, kasama ang mga pinsan ko. Marami kaming nararamdaman sa bahay na kakaiba, yung feeling na mabigat sa pakiramdam. Yung mga kamag-anak ko madalas po nagkakasakit. Hanggang ung lolo ko nastroke, yung tita ko nagkaroon din ng malalang sakit sa goiter.
Dumating din sa point na talagang may nagpaparamdam na entity like; pag gabi at magisa ka sa kama umuuga ang kama, may umiiyak sa 3rd floor pero pag umakyat ka wala naman tao, may mga tumatakbo sa hagdan paakyat/pababa pero wala ka naman kasama sa bahay (take note ung tumatakbo marami sila parang naghahabulan) , may nakitang black na babae sa loob ng CR ( sa point na to muntik na talaga atakihin yung ate ko kasi madaling araw ito nangyari pagpasok nia sa cr may babae sa loob pitch black), nung nagising ung auntie ko ng madaling araw may nakatayo naman sa may terrace na babaeng nakaputi, sa totoo lang marami pa po.
Then after ilan months or a year, namayapa na po yung lolo ko, habang burol nia sa bahay, may umiiyak madalas sa 3rd floor na babae, kahit wala pong tao.
after libing dito na nag decide ang lola ko, mama ko and tita ko to sell the house nga. then balita namin ung bumili ng bahay hindi daw natuloy ang pag bayad sa bank. eto na sya ngayon walang nakatira. sabi samin ng kapitbahay kahit wala daw nakatira madalas daw may nag hahampas ng tubo sa gabi, maingay.Photo was taken 2018 ung night shot, 2019 ung daytime before pandemic po.
baka may mga nakakakita ng bahay na to at may dagdag kau na kwento share nio lang :)
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.