The Old Traditional Japanese House
Hi guys! Yung ibabahagi kong story sa inyo is hindi sya sa Pilipinas nangyari, but dito sa Japan. If ever na ma-approve, I will continue to share my creepy experiences here in Japan. So I hope na ma-approve ng admins. Thank you!
It happened 2 years ago. Autumn season na that time, so malamig na. I stayed at Tochigi Prefecture for 1 month bago ako pumunta ng Kanagawa Prefecture to stay there for good. Sa loob ng isang buwan ko sa Tochigi, a lot of things happened. Tingin ko pa-welcome sa'kin yun. Hahaha. Nag stay ako sa traditional old house, sa pinaka malaking room ako nag decide mag kwarto since nandoon ang "Oshiire" or " Large Closet" kung saan nilalagay ang "Futon" or "Bed" para sa umaga pagkagising mo eh diretso impis na ng higaan. Isang galawan na lang sa loob ng kwarto dahil nakakatamad kumilos lalo pa't malamig. Challenge rin ang maligo. Hahaha.
1 week simula nang mag stay ako, normal naman ang lahat. Hanggang sa habang tumatagal ako doon, paiba na ng paiba ang nararamdaman ko. May isang gabi na naalimpungatan ako dahil may narinig akong malakas na yabag sa labas ng kwarto ko, so sinilip ko baka may nakapasok na stray cat or what. Pero wala naman. There's also one time na nag titiklop ako ng damit ko ng biglang nag on ang faucet. I knew that someone's with me that time. Kahit malamig, lumabas ako kaagad at hindi ko na tinapos ang pagtitiklop ko. Kumain na lang ako ng ramen para pakalmahin ang sarili ko. May isa pa, nasa loob ako ng kwarto ko then may biglang nag flush sa toilet. Sobrang tahimik ng lugar kaya kahit pag flush or pag lakad ay maririnig talaga. Nag sound trip ako ng malakas that time kasi takot na takot na talaga ako. Tuwing umaga kapag gigising ako, pag open ko ng kurtina ng kwarto ko, may makikita akong bakas ng hand prints sa salamin. Nagtataka ako kung paano magkakaroon ng hand prints, eh nasa 2nd floor ang kwarto ko. Ayaw kong takutin ang sarili ko kahit yun na ang nararamdaman ko.
Eto yung worse, 1 week bago ako umalis sa Tochigi, hindi ako nakatulog ng maayos dahil may humihila ng buhok ko at exactly 2am. Nasa uluhan ko ang large closet, sinasara ko yun before matulog pero magigising ako sa umaga na bukas yun. Sa totoo lang, sobrang natatakot na ako pero nilalakasan ko ang loob ko. Finally, last night ko na sa Old House. As usual, hindi ako nakatulog dahil naririnig ko yung mga yabag sa labas ng kwarto ko, may nag slide ng door sa other room, may nag bukas ng shower, at yung pinaka worse... yung large closet sa uluhan ko, unti unti kong naririnig na bumubukas sya. I was crying all night sa sobrang takot, wishing na gusto ko na umuwi sa Pinas. Kakaiyak ko, nakatulog na ako. Then pag gising ko, pag dilat ng mga mata ko, I saw Hand Prints... on the ceiling. Dali dali ko na talagang inimpis ang higaan ko at ang mga gamit ko at tuluyan ng nilisan ang lumang bahay na yon. Sinend ko yung actual photo para makita nyo rin.
It was indeed one of the scariest thing na nangyari sa'kin dito sa Japan. Kadarating ko pa lang that time pero grabe ang pa-welcome nila. Nandito na ako ngayon sa Kanagawa Prefecture and hindi na ulit ako bumalik pa sa Tochigi dahil sa sobrang takot.
-Aki from Japan
📜Spookify
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.