Celebrity Kid

84 4 0
                                    

This happened nung ginanap yung grand finals ng Your Face Sounds Familiar Kids sa RWM. One of the celebrity kids ang inalalayan ko kasama mga fans niya and his family throughout the event. I'm actually living with them as a Yaya of the eldest son ng kilalang child star celebrity nung panahon. Nakilala ko sila at nakasalamuha dahil sa mama ko na PA dati ni child star celebrity. Nung nagresigned kasi ko sa work ko before eh nagkataon naman na naghahanap sila ng Yaya noon para dun sa eldest na anak ni child star celebrity na studyante pa ng panahon na Yun.
So ayun medyo punong abala ako that time kasi ako Yung inasahan ng mother ni celebrity kid sa foods, wardrobes, rooms for accomodations namin sa M hotel na nasa RWM din. Dapat katulong ko dito yung bff ko na Tito ni celebrity kid Kaso working sya as QA dati sa Makati kaya haggardo versosa ang Lola niyo🤧😂 idadagdag mo pa Yung alaga ko na clingy at puro Ate Ann Ang bukam-bibig whenever he needs something kahit na sobrang lapit lang sa kanya🤦😂
So ito na nga from N.Domingo bumyahe na kami papunta RWM, pagdating dun naghiwa-hiwalay na kami kasi medyo sinugod ng fans Yung mag-amang celebrity. Ako naman pumunta na sa front desk ng hotel na pagsstayan namin. I forgot the floor na assigned pero napaka sosyal ng room. Matapos macheck na okay na yung room ,tinawagan ko na sila para makapagprep na sa kwarto. Nauna kaming umakyat nung Road Manager ni celebrity kid, Kasama yung staff ng hotel to assist us sa mga damit na Dala ko at props. Gabi pa naman yung program kaya nakapagikot-ikot pa kami sa place.
Mga 3pm ata yun ng nakatanggap ako ng tawag galing sa president ng fans club ng mag-amang celebrity na nasa venue na daw sila, dahil nga kailangan ko sa kanilang ibigay yung mga t-shirts at banners na gagamitin eh bumalik akong mag-isa sa room para kunin lahat yun. Napakabusy ng hallway nung place na yun Kasi may casino, band na nagpeperform tsaka apakadaming tao. Habang waiting ako by the elevator may nakasabay akong Pinay caregiver kasama alaga niyang foreigner. Nagngitian pa kami ni Pinay tapos pagtingin ko sa left side niya may batang I guess eh 7years old na nakasilip sakin. I smiled at her too but tinitigan niya lang ako. When the elevator opened sumakay na kami, dahil busy ko kakareply sa mga messages sakin eh di ko namalayan na nakababa na pala Yung kasabay ko, nagulat na lang ako na bumakas ulit Yung elevator tapos may 5people na naghihintay, nagtanong Yung operator if they're going up too, no daw sa gf daw sila kaya sinara na ng operator. Nung sinabi ng operator na "dito na po kayo mam" I just said thank you tapos naglakad na ko while busy texting pa din, eh from the elevator left side 3rooms lang dadaanan bago makarating sa room na kinuha namin. Tuloy-tuloy lang ako hanggang makapasok sa room. Pagpasok mo sa room eh may parang mini hallway dun na both dingding eh may salamin tapos sunod nun Cr na, lakad na ko while texting pa din, Nung makalampas ako sa salamin eh parang may nahagip ako sa peripheral view na may kasunod ako 😬
Mega lingon ako mga Ante, que horor! Yung batang babae na katabi ng kasabay ko sa elevator eh Kasama ko. Ako na di ko naiisip na something eh nilapitan ko sya at tinatanong kung bat sakin sya sumama at Hindi dun sa kasabay ko kanina?. Deadma mga Ante di Niya ko kinausap, pinanindigan Niya Yung don't talk to the strangers eme 😅 dahil ayaw magsalita nagdecide ako tawagan Ang fd para mainform na ayun nga may Bata. Mukhang anak mayaman sya kasi malinis at maayos suot. Sabi ko sa kanya upo na lang sya sa may sofa at busy ako. Pagkatapos ko ayusin mga dadalhin ko tinawagan ko na Yung driver na akyat na Sila at Kunin na mga gamit. Tsaka ko naalala Yung bata at natampal ko pa noo ko Kasi naisip ko na baka spokening dollars si bagets kaya di Niya ko maintindihan sa tanong ko kanina. Paglingon ko Wala na si bagets, nilibot ko na buong room Wala talaga Siya, kako baka lumabas na since bukas Naman Yung pinto, kabado ko baka kako mapano Yung Bata Kaso di ko Naman pwedeng iwanan yung ginagawa ko, edi tawag ulit ako sa fd kako umalis na Yung Bata, Sabi ng receptionist na describe ko daw Bata tapos sya na magforward sa security para magalert at matingnan kung may lost child report.
After makuha mga gamit eh sumabay na ko pababa kila kuya driver at pinuntahan namin Yung mga fans, after distributing everything pumunta na ko sa backstage. Dun ko ulit Nakita Yung Bata kaya nilapitan ko Yung Isang security then sinabi ko Yung tungkol sa Bata, pinuntahan ni kuya Yung tinuro kong side kung asan si bebe girl. Pagbalik ni kuya wala naman daw doon, stock room daw Yung tinuro ko. Kahit nagugulamihan ako eh hinayaan ko na kasi magstart na Yung show kailangan nakapwesto na lahat. Nawala na sa isip ko Yung about sa bata all throughout the show Kasi nagenjoy na kami sa mga performance nila. Nung nagcommercial nagdecide kaming magcr ng Yaya ni celebrity kid, nauna natapos si ate kaya hinintay niya na ko sa labas, habang naghuhugas ako ng kamay nagmamadaling pumasok si ate sabay lapit sakin at hawak, tinawanan ko pa sya nun kako napano sya. May batang babae daw na duguan at nakalutang na papunta doon kaya daw sya napapasok sa loob (walang 3rdeye si ate pero ng banggitin Niya Yung itsura Ng Bata, alam Kong iisang Bata lang Yung Nakita Namin pero sa kanya eh nakakatakot ang itsura, besides Wala pa Kong ibang pinagkwentuhan nun liban sa fd at security)🥶 edi tinginan kami at sabay na naghintay kung may tatagos nga sa pinto, kumakabog dibdib ko ,suspense potek! Ewan ko ba din samin na imbes umalis na dun eh naghihintay pa talaga kami 😅 Kasi Sabi ni ate baka daw naghihintay Pala samin sa pintuan🥶.
Walang tumagos sa pinto pero nung marinig namin Yung ingay sa labas na naguumpisa na ulit Yung show eh sabay -sabay nagflush Yung mga flush sa banyo! Kaya nagtakbuhan na kami palabas. Saktong paakyat na kami sa pwesto namin nung bigla ako tinawag ni kuyang security na pinagturuan ko ki bebe girl, Sabi Niya Wala daw missing child report . Edi goosebumps Malala ako dun palang nagsink in sakin na di tao si bebe girl 🥶. Hanggang natapos Yung show, pack up na kaya busy na Naman ako, after namin makapagligpit Kasama ko na nito Yung Tito ni celebrity kid, humabol Sila ng workmates niya kaya madami na kaming magkakasama. Pinauna na ipauwi Yung mga props at ibang gamit Kasi manlilibre si celebrity sa shrimp bucket, dun daw magdidiner. While waiting kami sa sasakyan nila eh ,nagpaalam na din Yung mga fans sa mga boss ko tapos nagpamigay  ako ng product na frabell to them dahil yun Ang iniendorse ni celebrity kid ng panahon na yun.
Pasakay na ko ng lapitan ako Ng Isang babae, naalala ko sya Yung elevator operator, Sabi sakin "Mam Yung batang Kasama niyo po naiwan sa elevator "🥶
Dali-dali na ko sumakay nun sabay sabing Hindi po Namin sya Kasama at Hindi ko sya isasama. Wala Kong alam na history about M hotel  na may paganun Sila, kaya naisip ko na baka omom lang sya na sumasama sa kung kani-kanino kaya napadpad sya dun, may nabasa ako na may mga ganun talaga na pagpinansin mo daw Sila eh bet sumama, Wala naman Kasi ko idea na omom sya, kung nasense ko agad eh di Hindi ko na sya nginitian Ng una palang😅

Nagtanungan pa mga Kasama namin sa sasakyan pero nanahimik na ko sabay tingin ki ate na Yaya ni celebrity kid, sya nagkwento . Tinawanan nila kaming lahat pero natahimik din ng magsabi si Sir actor (father ni celebrity kid) ng "Mas madami Kong experienced na ganyan kesa sa sainyo, di ba babe? (Tanong Niya sa mother ni celebrity kid) . Sinang-ayunan ni madam yun . Kaya buong byahe tuloy namin nagkwento sya ng nagkwento tungkol sa mga creepy experienced niya Mula sa mga shootings Niya sa kung saan-saan pati Yung mga abroad vacations nila.

Di po ako magbibigay ng names nila😊 respect ko for them since Sila Yung celebrity fam na mababait at talaga namang family member ka once na nasa poder ka nila. Although feeling ko may makakahula dahil sa clue na nabanggit ko, if ever po wag niyo na lang po I comment Yung name nila, thank you Po sa pagbabasa ❤️.



📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon