Not related to travel.
Pero ako ay probinsyanang pinalad na makapag-aral sa Maynila dahil naging iskolar ng mga madre. Ang dorm namin nun ay nasa likod ng UST. Malapit sa Geliños Street pag sa likod ka dadaan at Gov. Forbes naman pag sa harapan.
Ang dorm namin ay maraming dormitorians from iba't-ibang school. Pero mas maraming taga Uste. Merong Bldg. A at Bldg. B. Yung building A ito ang lumang building at madalas may kababalaghang nangyayari. Dun din matatagpuan ang 3 kwartong okupado ng mga girl scholars at kwarto ng tagapangasiwang Madre. May lights out sa dorm na ito. Kaya sinisikap namin makapag banyo, shower, hilamos toothbrush bago sumapit ang alas 9 ng gabi dahil kahit may ginagawa ka pa pagpatak ng oras na yan dapat nasa kama ka na at nakahiga dahil nag i-inspeksiyon ang madre kung kumpleto ba kau. Isa ako sa mga 15 na batang babaeng paaral nila. In return, kami ang naglilinis ng dorm, tumutulong sa mga madre sa kanilang mga gawain.
Isang gabi, nakahiga na kami sa aming mga kama. Bale 5 single beds tapos may nakapagitan na side tables sa bawat bed nakahilera yun tspos pang 4 ako mula sa pintuan.
Mga 20 mins before 9pm si Sister Meldz (Sister Imelda) assigned sa mga girls kc Nurse sya bago naging madre kaya sya nangangasiwa sa mga bata. Sumilip sa room namin at binilang kami. Sabi nya Girls itabi nyo na ang mga books nyo kasi magla lights-out na. Sinagot naman namin 5 na opo.
Kaya nung 9pm na nakahiga na kami at namatay na ang ilaw. Bandang mga 11pm may kumakalabit sakin, muntikan na akong sumigaw pagtingin ko si Malou, yung girl sa katabi kong kama. Sabi nya, samahan ko daw sya kasi naiihi na sya. Sabi ko, hala, ayoko, takot ako. Sabi nya, kaya nga ako nagpapasama kasi takot din ako. Kaya naawa naman ako. Sinamahan ko sya. Pumasok na sya sa cubicle. Ako naman nakasandal sa pintuan ng cubicle na pinasukan nya. Nang biglang may nahagip ang mata ko sa tagiliran, dumaan sa harap ng cr, bukas lang kasi ang pinto ng banyo. May Madre, nakaputi papunta sa direksyon ng kwarto kung saan kami nanggaling pero sabi ko imposible mag a-alas dose na at tulog na si Sister. Kinatok ko yung kasama ko. Sabi ko, "oist Lou, bilisan mo. Kasi, si Sister, alam yata na may gising, papunta na sa kwarto natin."
Takot kami mapagalitan kaya dali-dali kaming bumalik sa kwarto. Pero wala naman si Sister dun. Binalewala na lang namin. Natulog na kami uIit. Maya-maya, mga 3am yun kasi yun ang nakita kong oras sa alarm clock sa side table ko. Alam ko, kasi half awake ako. May nakaputing habit sa tabi ng kama ko. Pero natatakot akong tingnan kung sino. Ang ginawa ko nag talukbong ako ng kumot pero para bang kay lamig ng paligid eh di naman naka aircon yung silid. Mga after 5 mins. Narinig kong may yabag na papalayo, pero walang nagbukas ng pinto. Lakas loob akong sumilip ng bahagya sa kumot. Pero tahimik at walang tao. Pagtingin ko sa higaan ni Malou, may hawak siyang rosaryo. Nanginginig sa takot. Sabi ko, "Bakit?!" Kasi nanaginip ako, may Madre na parang panahon ng kastila ang suot, walang ulo. Pero maririnig mo na parang may sinasabi sya, wag daw lumabas.
Pagdating ng alas 5 ng umaga morning prayer namin. Kailangan mo bumangon kahit antok ka. Kami ni Malou, tulala. Di ako nakatiis. Sabi namin kay Sister Meldz, "Sister, binisita nyo po kami kagabi?" Sabi ng Madre, hindi daw sya yun, kasi nahuli sya sa morning prayer medyo napasarap ang tulog nya.
Ang mga balahibo namin ni Malou, nagtayuan. Simula noon, tinitiis namin Ng pagsi-cr nang alanganing oras. Napag alaman din namin na di lang kami ang dinadalaw at pinapakitaan ng "Madre" na yun.
Pasensya na at naging busy ako sa pagiging Nanay at freelancer. Matagal bago ko nasundan ang kwento ko tungkol sa dorm namin sa Sampaloc dati.
Ayun na nga, palagi may nagpaparamdam sa dormitory na yan. Bilang paaral ka ng madre may mga assigned task kau every semester at ikaw ang gagawa nun hanggang magpalit ulit ng sem at new task na naman ang naka toka sau. Gagawin mo to bago pumasok sa eskwela sa tanghali.
Bagong semester at 2nd year ko sa kolehiyo. Naka toka akong maglinis ng banyo sa 4th floor building B. New Bldg. Ako lahat maglilinis ng CR, mop, pulot ng mga basura o mga buhok-buhok at punas ng mga salamin.
Noon araw na yun nagma-mop ako ng sahig. Pakanta-kanta pa ako. Kasi sobrang tahimik kaya sabi ko para lang masaya. Uumpisahan ko sa dulong cubicle kasi may apat o limang cubicle na di ko na eksaktong tanda ilan yun sa tagal na. Ngayon nagma-mop ako sa sahig at padadaanan ko ang mga cubicle pero may narinig akong sumisitsit, akala ko kasamahan kong iskolar din. Pero lumabas ako sinilip ko ang pasilyo, wala naman. Tapos sabi ko guni-guni ko lang. Tuloy ang trabaho. Sige mop, pang huling cubicle na. May nakita akong paa pagtingin ko sa ilalim ng pinto ng huling cubicle. Naka tsinelas na parang leather na kadalasan suot ng madre pero parang luma na tapos kita ko ang dulo ng laylayan ng habit ng madre. Kinabahan ako. Akala ko si Sister kasi baka pagalitan ako kasi dapat 10 am tapos na work dahil maghahanda na pagpasok. Sabi ko, Sister malapit na po akong matapos. Sori po. Ito na lang last tapos papunta ng pinto tapos na po. Ayaw kasi nila na pag may tumitingin ng dorm na magulang at mga bata nasa loob pa kami ng banyo naglilinis. Gusto nila maayos na lahat.
Naghihintay akong lumabas sya, pero mga 10 mins na wala pa din. Eh kelangan ko mag mop sa cubicle na yun. Sinilip ko ulit andun pa din yung paa. Kinatok ko na, Sister. Sister, okay lang po kayo? Hindi tumitinag. Tapos dahil curious ako kung ano ang nangyayari sinilip ko na sa taas. Umakyat ako sa bowl ng kabilang cubicle pero pag tingin ko ulit wala na sya. Grabe ang takot ko! Nag tayuan mga balahibo ko at nanginginig ako. Di ko na tinapos ang pagma-mop. Sa pagmamadali ko naiwanan ko pa ang tsinelas ko sa labas. Binalikan ko na lang kasama ang kaibigan kong si Malou. Isa sa mga paaral din ng madre. Wala akong pinag sabihan kung ano ang nangyari. Ganon kalala ang naramdaman kong takot.
Marami pang kababalaghan ang mga nangyari sa akin dun. Sa susunod ulit.
📜Travel Horror Stories
▪︎2022▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.