M@M@T@Y NA Y@N

27 1 0
                                    

M@M@M@T@Y NA Y@N

Ilan lang to sa mga na experience ko nung bata pa ako na hindi ko talaga makalimutan till now and Hindi ko talaga alam kung nagkataon lang ba o sadyang negative lang ako mag isip.

Nalulungkot naman ako sa mga nangyayari yun nga lang kasi madalas hindi ko talaga mapigilan mag isip ng mga ganyan.

Minsan nga kahit nasa biyahe kami ng asawa ko bigla nalang ako mag iisip ng paano kaya kung maaksidente kami? Hays.

So eto na nga, 12 years ago
May kapatid ako na may sakit hydrocepalus,
One year old palang ata sya that time nung napa stay ako sa mama ko kasama sya.
Nakikita ko hirap ng mama ko sa kanya, buntis pa si mama that time and may maliit pa din na alagain. Hindi ko alam basta bigla ko nalang nasambit sa isip ko na "m@m@m@t@y na y@n".

Gabi na nung nakatulog kami nung kapatid ko pang isa, tas kinaumagahan madaling araw nun nung magising ako na iyak ng iyak mama ko
Nakita ko sya yakap yakap kapatid ko na may sakit habang pinupunas punasan.
Pag tingin ko nag hahabol hininga na pala, Nalungkot ako ng slight nun na parang baliwala lang, yun yung pakiramdam ko nun.

--

Year 2016 ata to.
Yung kapatid ng boyfriend ko that time, mag one year old palang nung nagkasakit pnuemonia.
Sinugod sya sa ospital, days palang sya naka confine nun nung bigla nalang pumasok sa isip ko na "m@m@m@t@y na sy@" and then ilang days lang nawala na sya.

--

May pamangkin ako na nagkasakit, anak sya ng pinsan ko. Months palang ata sya nun nung dinala sa ospital, hindi ko na masyado matandaan nangyari basta nung time na yun may nakita ako sa balat nya na parang kagat kagat ng langgam.
Bigla nalang din pumasok sa isip ko nun na "m@m@m@t@y sy@" then ilang days lang sya sa  ospital namatay na nga.

--

May kapit bahay naman kami na nagkasakit diabetes, naputulan ng isang binti. Simula nung nakauwi galing ospital hindi na lumabas ng bahay, palagi nalang sya nasa pinto nila nakatanaw sa labas.
Bigla nalang din pumasok sa isip ko nun na "m@m@m@t@y sya" ilang weeks lang din nabalitaan ko na wala na nga sya.

--

May tito ako na nagkasakit.
Nung una nakakapag lakad pa naman paunti unti, lumipas ilang buwan na bed ridden na.
Hindi na makalabas ng bahay, hindi na makaligo mag isa, hinahatiran nalang din ng pagkain sa tinutuluyan nya.
Ilang buwan din lumipas nung hindi na kami nagkita kasi napatira na kami sa malayo.

Bigla nalang sya nun pumasok sa isip ko sabi ko pa nga kamusta na kaya si tito? Tapos bigla nalang din pumasok sa isip ko na paano kung "M@m@m@t@y si tito?" Then ilang araw lang tumawag papa ko sakin na wala na nga raw tito namin.

--

Yung lola ko naman napa stay samin, ilang buwan din nung huling kita namin new year pa this year lang. Ilang buwan lang din nung bigla ko nalang din sya naisip na kesyo "kamusta na kaya si lola?"
Kaya kinamusta ko sya sa kay papa. Sabi naman ayos naman daw yun nga lang mahina na, hirap na lumakad.

Pumasok din sa isip ko nun na "m@m@m@t@y sya" ilang weeks lang din nun nung nabalita sakin na wala na nga raw lola namin.

--

Sa tingin nyo po ba?




📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon