Creepy abandoned hotel in Subic Bay Freeport Zone

19 1 0
                                    

REAL STORY
Creepy abandoned hotel in Subic Bay Freeport Zone

Medyo mahaba tong kwento pero grabe connected lahat to.

It happened around 2014 or 2015, week before holyweek.

We are networkers ng Olongapo City. Usually after office nagbobonding kami ng team (madalas hanggang madaling araw)

Part 1.
After namin sa office around 5pm. Tumambay muna kami ni "M" (may third eye) sa bahay ng business partner namin. Yung structure ng bahay nila is pagpasok mo sala tapos may parang eskinita type sa gilid going to 2 kwarto and yung dulo is kusina and cr.

M: may bata dito sa bahay na to. Andyan sya sayo ngayon. Kapain mo to malamig.
Me: oo nga malamig (pero pinagttripan ko lang sya nyan di ko talaga nararamdaman)
M: Papunta sa nyan ng kwarto.
(Biglang sumara yung pinto ng kwarto. mahina lang rinig namin)
M: Kita mo na?
Me: speechless (nagtayuan mga balahibo ko)

___________________________________________
Part 2.
Same day. 6pm
Tumawag sakin si "A"
A: Bro, san ka? Tara punta tayo sa SBMA kasama ko si "Y". Labas ka na daanan kita. (Subic bay metropolitan authority)

So eto na nga nasa sbma na kaming apat. Umabot kami ng 9pm nagpapaikot ikot lang habang hinihintay namin si "J" magout sa SM kasi employee sya dun.

Tumambay muna kami sa Malawaan Park nagpalipas ng oras. Tapos nagdecide kami lumipat malapit sa Lighthouse.

Bale lima na kami sa kotse,

Habang nasa byahe kami. Nadaanan namin itong abandoned hotel. At naalala ko ang nangyari kaninang 5pm. Out of curiosity.

Me: Bro may thirdeye to si "M". Daan natin dito sa gilid na kalsada ng hotel.

So dumaan kami sa kalsada na yun (walang ilaw kahit isa. Sa left side namin andun yung abandoned hotel. Mahaba sya siguro nasa 200m.

Me: "M" may nakikita ka?
M: wala naman.

Maya maya mga bandang kalagitnaan ng kalsada.

M: ay may sumabay satin. babae nakagown.

I was creeped out. Sobrang takot ko nun. Lahat kami nagseatbelt, huminto kami sa lighthouse banda and nagpray pinapaalis namin pero di sila umaalis. Sabi ni "M" ibalik natin sya. Cheneck ko yung time , its 12:05am that time. Binalik namin sa mismong street, nagpray ulit kami and sinabi naman ni mae umalis na daw. So kampante na kami, pero takot padin.

Nagpahatid na pauwi si j.

Hinatid na namin si "j" sa wesley, pero tagacabalan sya. Ng pagbaba ni "j" sabi ni "m" wag daw muna kami aalis.

After 5 seconds sumigaw si "M", as in para syang nagwawala.
M: si "J"! Si "j" . May nakahawak na kamay sa paa nya! "Y" habulin mo pasakayin mo dito sa kotse!

Hinabol ni "Y" si "J" , pinasakay sa kotse at nagdecide kami na ihatid nalang sya sakanila. Dun nya sinabi samin na may susundo sana sakanya na nanliligaw sakanya at ihahatid sya ng motor. Dito ko naisip na premonition yun at possible maaksidente sila habang nagmomotor.

Safe nakauwi si "Y", apat nalang kami. Nagdecide kami kumain. And after nun, tumambay kami sa ministop aura. Time check its 3:00am.

M: gusto nyo puntahan natin yung tito ko na marunong maglatin? Magpatulong tayo?

Nagpagdecide namin pumunta. Nagtravel kami ng gordon heights.

Pagpasok palang namin sa compound, nasa balcony kami ng labas ng bahay.
Tito: may kasama kayong babae saka bata.
A: pano nyo po alam?
Tito: andun sila o sa labas ng gate. Hindi sila pwede pumasok dito. Gusto mo sila maramdaman?

Merong sinulat sa papel si tito. Binigay kay "A"
Tito: basahin mo to, ikaw lang dapat makakabasa nyan wag mo papabasa sa iba. Pikit ka.

Hinawakan sa ulo si "A". Tapos nun nakita ko kung pano sya nanginig at nagluha yung mata nya pagmulat. Alam mo yung kinilabutan talaga. Ganun.

Sabi ni tito possible daw na nakita si "a" na father figure na dating nobyo ng ghost at yung kotse pwede din daw na magkaparehas yung itsura. Sa intersection daw ng street possible dun din namatay because of accident. Yun yung mga theory ni tito. Sabi din nya ilagay sa kotse yung sinulat nya sa papel pangontra. Hindi na daw makakapasok sa kotse yung ghost. Pero inadvise na wag muna gagamitin yung kotse mga 5 days kasi aalis din naman daw ng kusa.

4am na, na nang nakauwi kami. Una hinatid si "y" tapos si "m" tapos ako and umuwi na si "a".

______________________________________
Part 3
Kinabukasan lang din eto. I mean same date lang kasi 4am na halos kami nakauwi.

Around 3pm nagpunta sa office si mother ni "a". Kinausap ako. (Wala doon si "a", nasa pampanga.)

Mother: tapatin mo nga ako. Nagddrugs ba yung anak ko?
Me: hindi po, sigarilyo at alak lang po bisyo nya. Bakit po.

Pinakita sakin yung text msg ni "a" around 4am.
"Ma buksan mo pinto, takot na takot nako" at madaming missed calls.

Tapos kwento sakin ni mother nya, 6am naghatid daw si "a" ng kapatid nya sa school kasama asawa at 2 anak nya grabe ang nangyari ikkwento ko sa part 4.

Di ko muna sinabi kay mother ang nangyari kagabi. Si mother ay seryosong babae, malaprincipal ang aura ganun. Hindi pwede biruin. Kaya alam kong hindi to nagsisinungaling.

_________________________________________
Part 4
7pm same date dumating na si "A" mula pampanga.

Kwenento ko sakanya na galing sa office si mama nya. At tinanong ko na din sya anong nangyari.

Pinakita nya sakin call history nya ng 4am, paguwi nya.
May tumawag daw sakanya pero nung sinagot nya weird sound lang, puro "oowoooo" lang daw. Hangin na may konteng boses ganun. Kaya daw sya tumawag ng tumawag kay mama nya at nagtext.

Nung hinatid nya ng 6am kapatid nya eto na ang nangyari.
Kasama nya 2 kids nya and asawa. Pagkadrop nya sa kapatid nya, kinausap sya ng asawa nya.
Asawa: "a" umamin ka nga, may ginawa ka bang kalokohan sa babae?
A: wala. Bakit?
Asawa: (umiyak) tapos turo sa side window sa driver side.

Meron nakita yung asawa na babaeng nakasilip mula sa labas ng kotse. Kahit habang umaandar andun padin. Sobrang lungkot daw ng mukha pag nakatingin kay "a" pero pag hinahawakan sya ng mga bata nagagalit sya.

Tinawagan nila si mama nya at sinabi tumapat kayo sa simbahan magdasal kayo, tumapat sila at ayon nawala naman.

_________________________________
Part 5
Sa bahay nila nagstart na din mga di maexplain na panyayari.

Yung anak nyang lalaki (2 yrs old ata that time) gusto makipaglaro sa bata daw na nasa labas na "dekdek" ang name. Ang bata lang sa compound nila ay 3 at walang dekdek dun kasi babae na yung iba.

Yung kapatid nya paglabas ng cr may nakitang batang tumatakbo at lumusot sa ilalim ng sofa.

Isang gabi din nandun kami sakanila. Sumakit dibdib ng asawa nya at sinugod sa ospital. Naging ok naman. Pero nung tinanong namin kung bakit, nakita daw nya si "a" sa likod ng bahay may kausap na babae. In fact puro lalaki lang po kami magkakasama doon.

TOTOO PALA TALAGA MGA SPIRITS NA SUMASABAY. AT MAS MALALAKAS SILA BEFORE HOLY WEEK. NAGING LESSON NA DIN PARA SAKIN TO NA WAG PAGTRIPAN MGA ELEMENTS NA NANANAHIMIK NA. MASYADO KASI AKONG CURIOUS NADADAMAY PA SILA.


📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon