Tikbalang sa Eskinita
Nagpatayo ako ng bahay sa province namin sa Abra sa San Juan. Bale 2018 nung natapos ung bahay at pag umuuwi ako dun lagi akong naka work from home para di na kelangan magleave. By the way ulilang lubos na po ako kaya wala akong magulang na nakatira dun sa bagong bahay. Modern house po ito. Ung kapatid ko naman nandito rin sa Manila nakatira at may sarili ng pamilya.
So ayun nga, before pandemic, lagi naman ako nauwi siguro nga 3 times a year tapos 1 week lng ang stay ko sa bahay mag isa. Ayaw naman ako samahan ng mga pinsan ko hahaha mga takot din. Bale ung street nayon ay makakatabi lng kaming magkaka anak ang nakatira, tapos ung bahay ko ay na sa likod na street hindi sa main road na tapat ng plaza kung saan lahat ng kamag anak ko dun nakaharap ung mga bahay nila kaya tahimik sa parteng akin na un at ung mga kapitbahay ko ay tahimik din kasi wala naman nadaan halos na sasakyan o motor kasi hindi siya main road. May katabi rin akong eskinita na kasya lng ay tao o motor papunta shortcut sa mainroad at tumbok ung plaza.
Graveyard shift ako noon kasi US ang client. So ayun nga sa tagal ko ng ginagawa ung pag work from home dun at ilang beses na, isang gabi lang naman ako nakaranas ng kababalaghan. Hindi ako matatakuting tao. Mag isa nga lng ako nag stay at matulog sa bahay ko. Hindi ako takot kasi bahay ko naman un. Then nung gabing yon naka meeting pako sa teams nung maya maya may naglalakad na kabayo sa eskinita! Rinig na rinig mo yung lagapak nung paa, hindi siya mabilis, dahan dahan lng siya naglalakad. tiningnan ko ung oras and tada 1:30am ng madaling araw. Feeling ko lumaki ung ulo ko, nag iba narin pakiramdan ko, kinikilabutan nako. Pinapakinggan ko lng siya makadaan hanggang dulo ng eskinita habang hawak hawak ko ung rosary na nakasabit sa kama ko.
Imposibleng magsasaka un kasi disoras na. ganung oras galing bukid o pupunta ng bukid? At wala rin akong narinig na yapak ng tao if ever man or baka nakasakay siya sa kabayo niya di ko sure pero napakaimposible tlga. Freeze moment tlga ako nun hanggang sa nawala na ung yapak ng kabayo. Tapos nag ok na pakiramdam ko.
Kinabukasan nung tapos na shift ko, pumunta ako dun sa tita ko mga dalawang bahay mula sa bahay ko kasi dun ako nag aalmusal. Kinwento ko ung nangyari, niloko pako ng tita ko na bakit daw di ko sinilip sa bintana. Sagot ko naman mamaya nakatitig din pala sakin kapag ni try kong silipin niya. So aun na nga naalala namin na bago matayuhan ng bahay ko noon un, bakanteng lupa un na babuyan at may malaking puno ng salamagi (sampalok) at saka matagal ng usap usapan sa amin na meron daw tlgang mga engkanto sa parteng ung ng eskinita at marami narin nakakita ng kapre, tikbalang at kung ano pa. ung mga sumunod na gabi wala naman ng paramdam. Kahit nga nung nag black out pa nun at mag isa ako, wala rin. Naabutan ko rin pala ung salamaging puno nung kabataan ko nung buhay pa si mama kasi dun rin akong lumaki hanggang 10yrs old bago ako kinuha ng tita ko na kumupkop sakin nung namatay si mama.,
Then nagkapandemic, di ko na nauwian yng bahay ko kaya natengga siya ng mga dalawang taon na walang tumira. Then nung nagkacovid ung kapatid ko sabi ko uwi na sila sa probinsiya at dun na mag stay sa bahay pansamantala. Wala naman silang ibang nararamdaman na kung ano nung dun na sila nakatira pero nung lumindol last year June 2022, yung sobrang lakas na lindol at tlgang sumayaw ung bahay, dun nakakaranas na siya ng sleep paralysis at may babae daw na nakahubad na nakatingin sa kanya.
Napaisip tuloy ako ba baka nagambala ng lindol ung mga elemento/engkanto dun sa amin kaya may nararamdaman sila sa ngaun.
📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.