"DOPPELGANGER"
I have a lots of stories to share, but this one is just so traumatizing. Highschool si ate non, at ako elementary pa lang. Yung school ko is sa tapat lang ng bahay namin, paglabas mo ng gate, tawid ka lang, nasa gate ka na ng school. Pero kahit ganon, nagbabaon na ako ng kanin at ulam sa school para hindi na ako umuwi para mag lunch. Kaya naman nagulat ako nang bigla akong sinundo ni mama sa school, at inexcuse ako sa teacher ko. Nagtataka ako, at mga classmates ko bakit uuwi na ako. Tinanong ko si mama pero sabi niya "Basta umuwi na tayo"
Pag-uwi namin sa bahay nakita ko si ate sa sala namin iyak nang iyak, andoon din mga tita ko at si lola ko na may hawak na langis na pinapahid kay ate at may kandila sa tapat niya. PInapadaan niya kamay niyang may langis sa apoy ng kandila bago ipahid kay ate.
Nang nakita ako ng tita ko tinanong agad ako kung umuwi ba ako nung lunch, pero umiling ako. Sabi pa ni mama "Hindi umuuwi 'to kasi lagi nagbabaon ng kanin at ulam" at talagang hindi ako umuwi sa bahay non kahit nung recess, at lunch break. Si ate humikbi tapos sabi "Nakita ko siya" tapos lumakas na namn yung iyak. Pati si lola sinabi na nakita niya rin daw ako at tinawag pa ako pero bigla raw ako tumakbo. Sabi ko hindi talaga ako umuwi kahit tanungin pa mga kaklase kong kasama sa school. Bigla akong tinignan ng ate ko tapos sinabi "Nakita kita! Tinatakot mo ako, bigla mo pa ako nilakihan ng mata!" Sigaw niya. Umiyak ako kasi talagang hindi ako umuwi non, tinanong ko sila bakit pinipilit nilang umuwi ako eh hindi nga. Sabi ng tita ko sinundo nga raw si ate sa school niya kasi may lagnat. Pag uwi niya raw sa bahay pinatulog siya ni mama sa kwarto para makapagpahinga, tapos lumabas ng bahay si mama para makipag kwentuhan kay tita pero bigla raw nila narinig si ate na sumigaw ng "Mama" kaya chineck nila, tinanong si ate kung anong nangyari, ang sagot niya raw ginising ko raw siya tapos bigla akong tumakbo palabas, tapos bigla ko raw ulit binuksan yung pintuan at nilakihan siya ng mata. Inirapan lang daw ako ni ate at hindi na ako pinansin. Matutulog na raw sana ulit si ate pero bigla ko raw siya tinawag pero nung binuksan niya raw mata niya wala naman daw ako at sarado na yung pinto, sabi pa raw ni ate "Pumasok ka na late ka na" pero wala sumagot kaya pinikit niya raw ulit mata niya. Pero ilanv segundo daw nung pumikit siya Naramdaman niya raw na may nakatingin sa kaniya, akala niya raw ay gugulatin ko ulit siya kaya bigla niya minulat mata niya para gulatin din ako pero nagulat raw siya kasi lumulutang raw ako sa harap niya mismo at sobrang lapit raw ng mukha ko sa kaniya, at nakangiti ako at lumaki raw mata ko kaya bigla siya napasigaw sa takot.
Sabi ng mama ko baka raw binabangungot si ate. Pero bigla raw dumating si lola na hinihingal kasi narinig niya si ate sumigaw, tinanong niya ano nangyari kaya kinwento nila kay lola nangyari. Nagulat daw si lola kasi pati siya ay nakita rin ako,pero tinakbuhan ko raw siya, kaya baka raw tinatakot ko lang si ate para inisin siya dahil lagi kong sinusutil si ate. Pero nang sinundo ako ni mama at sinabi ko sa kanila na hindi ako umuwi, lahat sila hindi nakasagot. Bigla na lang sinabi ni lola na hubarin ko lahat ng suot ko. Sinunog lahat yon at pinasuot ako ng rosary, halos isang buwan din akong hatid sundo sa school, kahit malapit lang school ko. Si ate naman ay ganon rin hatid sundo rin siya. Yung bahay rin namin ay pinabless ulit, at pati yung dream catcher na binili namin ni ate bago nangyari yon ay sinunog din kasi baka raw dinasalan yon.
Until now kinikilabutan parin ako kapag naaalala ko 'to kasi sobrang traumatazing siya sa aming lahat, lalo na sa ate ko. May time pa non na kapag nakikita ako ni ate tinatanong niya ako ng "Ikaw ba yan?" May time na gusto ko siya lokohin pero hindi ko ginawa kasi pati ako natatakot.
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.