Wag ka nang tumingin

33 1 0
                                    

Wag ka nang tumingin

We are interns and we were assigned in a private hospital in Antipolo for one month. Ang quarters namin ay nasa isang vacant ward which is dating covid ward noong pandemic but after hindi na nagamit kaya duon nalang nilagay ang aming quarters. So basically, buong floor na yun kaming interns lang ang tao doon and makakapunta ka lang sa floor na yun via elevator or fire exit. Hindi naman ako matatakotin eh but on this particular floor of the hospital iba talaga eh na para bang mabigat sa pakiramdam.

One night, tatlo kaming duty pero nasa quarters lang kami nag aantay kung may ipapagawa. Around 2AM naalimpungatan ako kasi may narinig akong nag uusap, ang dami nilang nag uusap pero di ko maintindihan mga sinasabi nila. May nakita akong dumaan pero di ko kita ang kanilang mga mukha (yung pinto kasi ay may maliit na glass na makikita mo yung labas) na para bang nagtatakbohan. Una kong inisip na baka may nag co-code, tatayo sana ako para gisingin mga kasama ko pero na realize kong 3 lang pala kami sa floor na yun. Kinilabutan ako at napatitig sa pinto baka talagang tao ang nasa labas pero wala na ulit dumaan at wala na rin ang ingay ng mga nag uusap-usap pero biglang may kumatok. Tatlong katok. Walang salita o anuman. Umiwas ako ng tingin sa pinto, humarap ako sa kasama ko (nakaharap siya sa pinto) at nakita ko siyang gising din at bigla niyang sinabi “Wag ka nang tumingin sa pinto, may nakangising babae”. Pareho kaming nagtakip ng mata at hindi dumilat hanggat hindi nagigising isa naming kasama. Nagising isa naming kasama bandang alas 4 at umihi pa nga mag isa 😅. Meron pa kami experience sa elevator naman pero sa susunod na.





📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon