Room 206

20 0 0
                                    

“ROOM 206”

Nag stay kami ng boyfriend ko sa isang hotel dito sa amin sa Olongapo. It was really a normal night. Favorite nga pala namin yung hotel na yun. Describe ko muna ichura ng room. Pagpasok ng door, nasa left side agad yung bed tapos may konting space sa right side ng bed. Yung left side naman, may lamp then table and mirror. Kasunod ng mirror is yung cr. Tapos sa harap ng bed andun yung tv.

So ayun na nga. Nag dinner kami dun then movie trip tapos nung naumay na kami manood, nag soundtrip kami. Lagi kasi ako nagdadala ng speaker pag mag oovernight kami. So habang nag sasoundtrip kami, may naririnig kaming parang banging sound sa pader sa kabilang room. Hindi naman kumakatok pero parang may ingay. Not sure kung may tao sa kabila. Tapos yung shower sa cr nalaglag. Yung suklay ko na nasa table, nalaglag pero di naman sha nakalagay sa corner. Pero dedma parin ako.

Saya namin nun. Soundtrip tas kanta kanta kami. Hanggang sa pinatay na namin at nag phone na partner ko. Nainis ako kasi panay phone niya. Eh bebe time nga dapat hahaha. Ako yung nakahiga sa left side nung una. Nakipag switch sha sakin ng pwesto (may kwento yang pakikipagpalitan niya. Wait lang.) So ayun nag talo kami. Hanggang lumala at nag decide ako na uuwi na ko. I packed my things and left pero shempre di ko natiis at bumalik ako paglabas ko ng pinto. Pagpasok ko umiiyak sha. Iniiwan ko raw sha. Niyakap ko sha and nag sorry ako. Umupo ako sa bed at tinitigan ko sha. Wala lang trip ko lang. Hanggang sinabi niya sakin na gusto na niyang umuwi. Pero wala ako naisip na dahilan kung bakit. Yung moment nga pala na nakatitig ako sa kanya yung ilaw sa taas ng mirror nagbiblink. Tapos ayun na nga super madali sha sakin na umalis na raw kami at gusto na niya umuwi. Sobrang takang taka ako kasi para shang tarantang taranta at para shang bata na umiiyak na nagyaya na umuwi. Sabi ko, “bakit? Mag stay na tayo.” Sabi niya sakin habang umiiyak sha at parang takot na takot, “ayoko na dito”. As in madaling madali sha na makaalis na kami dun sa hotel. Nag decide kami na umuwi na lang. Mga around 4am na yun. Hanggang sa makalabas kami ng hotel, umiiyak at parang takot na takot pa rin yung boyfriend ko at paulit ulit niyang sinasabi sakin na “ayoko na diyan”.

Nag decide kami na umupo muna sa labas ng tindahan ng lola ko. Tinanong ko sha kung anong nangyari sa kanya dahil nag alala ako sa reaction niya nung andun kami. Nag kwento sha. Na kaya sha nakipagpalit sakin ng pwesto sa bed kasi may naaninag shang nakatayo na lalaki na nakasuot na pang pari and nakasuot ng rosary na malaki sa harap ng pinto sa paanan niya. Gusto raw niya makita mabuti kaya sha nakipagpalit. Hindi niya sinabi sakin dahil alam niyang matatakutin ako. Open kasi ang third eye ng boyfriend ko. Bukod dun may nakita din sha sa harap ng bed namin na matandang lalake na naka barong pero walang mukha. Nung nakatitig ako sa kanya natatakot din pala sha nun kasi akala niya sinapian na ako dahil di raw ako kumukurap. After nun never na uli kami bumalik sa hotel na yun. Yung hotel nga pala is kinda old na ang interior, madilim yung ilaw pero pag nandun naman kami, wala naman something eerie na feels. Sa ilang beses namin pumupunta dun, first time nangyari samin yun.



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon