Wakwak

15 1 0
                                    

WAKWAK

Isa to sa pinaka nakakatakot na na experience ko. Pagpasensyahan niyo na di ako ganun kagaling mag kwento pero lahat ng ikekwento ko ay walang bahid na kasinungalingan at purong karanasan lamang.

Nangyari to nung nakatira paako sa Probinsya.

Madaling araw na nun di ko matandaan anong oras kasi di ako nakakatulog pag bukas ang ilaw so di ko nakita anong oras na sa orasan nung time din na yun wala pa akong CP (This was way back 2006-2007) Basta madaling araw sya. Nagising ako para umihi uso sa probinsya ang arinola kaya di kona kailangan pumunta sa CR. Pagkabalik ko sa higaan ko ilang hakbang lang naman biglang may narinig ako na sobrang lakas na parang may pumapaypay sa labas ng bahay as in rinig na rinig ko. Sa sobrang takot ko kinurot ko ang sarili ko baka nanaginip ako or ano pero legit grabe nanginginig ako sa takot kasi rinig na rinig ko na ang lakas ng hampas ng hangin. Hindi po ito normal na hangin lang kasi ibang iba ang tunog sa normal na hangin kumpara dun sa parang may lumilipad talaga na mabigat. (Wala din pong paparating na bagyo kasi summer po yun naalala ko kasi naka bakasyon kame)sumabay pa ang tahol ng mga  aso na parang nagwawala grabe nakakatakot pag naallala ko  tumatayo balahibo ko. Nagkumot ako tapos nasa loob lang ako ng kumot pawis na pawis ako at grabe ang takot ko nung mga oras na un. Btw, dalawa kameng natutulog sa kwarto pala ung isa kong kasama pinsan ng papa ko tita kona siya pero nasa 20’s lang siya non. Di ko siya ginising kasi kako baka pag gumalaw ako malaman ng wakwak baka mas lalo akong takutin ganon. Kaya ayun puyat na puyat ako nung gabing yon. Kwinento ko sknya anong nangyari sabi niya saakin next time daw gisingin ko siya kahit di na daw ako mag salita alam na daw nya ibig sabhin.

Pangalawang pagpaparamdam.

Ganun padin madaling araw. Sa sobrang trauma ko nag pipigil naako ng ihi kahit halos katabi kolang ang arinola ko baka kasi magparamdam nanaman kaya sabi ko titiisin ko hanggat kaya kasi baka pag umihi ako masaktuhan kong nasa labas nanaman ang wakwak naiimagine ko palang anong ichura niya at ung tunog ng hampas ng pakpak niya sobrang takot na takot naako PERO talagang nagising padin ako at saktong saktong pag gising ko narinig ko nanaman ang hampas ng pakpak niya SOBRANG LAKAS na this time like halos nasa tenga mo na. (Btw, ung bahay pala namin is kahoy lang tapos may 2nd floor nasa taas ung kwarto ko) Sinipa ko ung tita ko. Sa sobrang takot ko napalakas ung sipa ko sakanya and yes! Nagising si tita. Sobrang dilim ng kwarto namin kasi di kame nakakatulog pag walang ilaw kaya hinawakan niya ang kamay ko tapos nag type siya sa CP niyang Nokia pa un naalala ko sabi niya “NARIRINIG KO SIYA. ANG LAKAS NGA” Mas natakot ako kasi ibig sabihin nun di ko siya gunu-guni TOTOONG nangyayari siya. Di na kme nakatulog kasi takot na takot kame hanggang sa umaga na at maliwanag na pinag usapan namin.

Naikwento namin sa lola ko ang pangyayari sabi niya saamin pag malakas daw ang hampas ibig sabihin malayo daw ang wakwak pag naman daw malapit na mahina daw ang hampas ng pakpak nila at sabi niya pag ganun daw may buntis sa lugar namin. Mejo weird kasi wala namang buntis saamin.

After ilang months, nabalitaan ko na ang pinsan ko pala sa kabilang bahay ay buntis. Nalaman lang namin ung araw na ng manganganak na siya  YES! Tinago niyang buntis siya kaya pala di siya lumalabas ng bahay pero kahit di pa siya buntis eh talagang di sya mahilig makipag usap saamin taong bahay talaga siya kaya di din kme nag taka bat di siya lumalabas ng bahay.

Ayun lang naman. Di ako naniniwala dati sa mga kwento na pag may buntis daw may wakwak na dadalaw sayo pero since dahil na exp. ko naniniwala naako. By the way, dalawa na anak ko pero hindi ko na exp. makarinig ng ganun sa pinagbubuntis ko.  or nakaramdam ng kahit na ano. Kayo ba naniniwala ba kayo na pag buntis lapitin ng wakwak? Sa tingin niyo bakit?



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon