Tupperware Party sa New Manila

28 1 0
                                    

May sales lady daw ng Tupperware company nung 70s na nagaalok ng products. If familiar kayo sa Avon, ganun din siya, direct selling. New pa lang to' sa market that time kaya naman effort talaga sa pagpapakilala ng plastic wares na main products ng company. Alam niyo naman nung 70s puro porselana, metals or crystals lang mga gamit na kitchenwares diba hehe

One day the sales lady got a chance na magpitch ng products nila sa isang bahay sa New Manila dahil ininvite siya ng isang lalake na nameet niya sa event or pitching session siguro nila sa Laguna.  Parang kamag-anak daw ng mga Zobel de Ayala, kastila looking kasi and halata sa aura na mataas sa lipunan bukod pa doon matikas rin ito para sa edad nito na siguro nasa mid50s or early 60s na daw. She gladly accepted the warm offer and proceeded to pitch her products sa New Manila kung saan ito nakatira talaga na kung icocompare sa modern times, mala-Ayala Alabang po or Forbes Park ganyan. It's a great way para makabenta nga naman kung mapi-pitch niya ang products niya sa mga 'alta.'
More benta, more commision sa part niya ika nga.

She went there nga po with positive outlook na makakabenta, as someone na laking Laguna nagulat siya sa ganda ng New Manila dahil halatang mga nasa socielite daw nakatira. Puro gawa sa bato ang mga bahay. May mga ruins na ilang bahay, well-preserved naman ang iba at ang iba naman halatang nirenovate na. Lahat malalaki and gated din, ang iba may emblem and crest pa nga ang gate na siguro symbolizes the family na nakatira doon.

Pinagbuksan siya ng caretaker na nakita niyang nagwawalis sa bakuran. Super ganda ng bahay, luma na yung bahay oo pero kita daw na alagang alaga. Pinapasok siya sa main house mismo and doon niya hinintay yung lalake na na-meet niya sa Laguna. While waiting nagbrowse sya sa mga magazines na nasa paligid lang, nagulat siya because it was all dated 1930s pa.

Biglang bumaba mula sa grand staircase yung lalake na na-meet niya with his friends na tulad nito ng porma, ang iba mestiza at mestizo at ang iba Pinoy ang itsura pero ramdam na alta daw talaga, the way mga kumilos at magsalita. Ang ginagamit pa nga daw sa conversations ng mga ito habang nababa ng hagdan is magkahalong Spanish and English language. Ang iba nakabarong, ang iba nakatuxedo at ang mga babae nakasuot ng damit na uso pa noong panahon ng Amerikano kung pagbabasehan (parang Great Gatsby feels like dyan sa GIF). Ang iba nakasaya pa rin. Tulad ng nakita niya sa magazine na binasa niya. Medyo nagtataka siya dahil gray ang damit nilang lahat. She thought it was just another kind of customed kind party. So dedma si ateng. Importante makabenta hehe.

They welcomed her naman at naging interesado sa mga produkto na binibenta niya, they all promised her na kukuha sila ng products niya kaya naman the saleslady  scribbled down their addresses and tel. phones together with their orders. After nun, they invited her sa party nila sa ballroom area habang may tumutugtog na old song from 30s era. Gusto sana ng sales lady magtagal pa kaso nagdidilim na so after makainom ng konti, umalis na siya.

May tyahin siya na inuwian parteng Malate ata yun or Paco area basta somewhere sa Maynila para magpalipas ng gabi then paggising niya nung umaga, super excited siya magkwento. Kaw ba naman makajackpot ng possible sales! 
She even narrated their names ganyan kasi nga diba nailista niya pa mga infos nila together with their orders.

Kaso yung Tiyahin niya namutla na takang taka...

Totoo naman daw na mga prominenteng tao nameet niya. Ang ilan aktres daw, kilalang Kundiman singers at ang iba politicians pa nga kaso........matagal na daw mga patay yung mga taong yun. Mostly hindi nakaligtas sa gyera nung WWII. Ang iba naman nawala na lang at di na nakita pa. So paano? 😅🥲😬

Alam ko may continuation pa yan kaso yan na lang naaalala ko sa kwento ni Father noon hehe its like an open ended story na kumiliti talaga sa curiosity ko, sa inyo din ba?



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon