KAIN NA

13 0 0
                                    

“KAIN NA”

Naki-sleep over ako sa bahay nung friend ko dahil may pinuntahan kaming party. Kuya niya lang andun at yung kasambahay nila. Patay na rin halos lahat ng ilaw. Yung friend ko naman pumunta sa CR nila para daw maglinis ng katawan para makatulog na kami. Kaya hinintay ko siya dun sa sofa nila sa sala, nakaupo lang ako nun, nagche-check ng mga pictures na kuha namin nang marinig ko si Ate Maril, yung kasambahay nila.

“Kain na,” yan yung sabi niya sa kin.

Di ko kita mukha niya nun kasi galing siya sa kusina at late na ako tumingin sa kanya kaya likod na lang nakita ko. Nakasuot siya ng all white at wagwag ang buhok na pinagtaka ko kasi lagi siyang nakapusod pag nakikitulog ako dun. Pumunta ako kusina nila para i-check yung pagkain na hinanda niya pero wala sa mesa so baka sa ref nila, kaya hinintay ko na lang yung kaibigan ko kasi ayaw ko makialam sa bahay nila.

Nung nadaan kaibigan ko sa kusina, inaya ko siya kumain kasi naghanda si Ate Maril kako, m*nura niya ako nun at wag raw ako magbiro. Kaya nagtaka ako at tinanong siya, pero hinila lang niya ako sa kwarto niya at natulog kaming sindi yung ilaw.

Kinabukasan, tinanong ko siya, nakahiga pa kami nun at nakatulala. Pero, di niya ako sinagot, sabi niya lang, "Buti pinatay mo ilaw."

Nagtaka ulit ako kasi hindi pa naman ako nakakabangon nun, sabi ko sa kanya, di ko naman yan pinatay tsaka bakit mo pa sinindi, e di ka naman sanay na maliwanag? Bigla niya ako pinauwi nun kaya umuwi na ako na nanghihinayang dahil di ko natikman meryenda na hinanda ng kasambahay nila.

Last week, nag-aya ako ulit sa kaibigan ko na yun na pumunta kami sa concert ng local band, kasi paiilawan na yung Christmas Tree sa lugar namin. Hanggang sa nagbiruan kami na ayaw ko na pumunta sa kanila kasi hindi nila ako pinag-umagahan dun, nagulat ako sa sinabi niya.

“Nam*tay na si Ate Maril ilang buwan na bago ka nakitulog sa min, kaya di ko alam sino nag-aya sa yong kumain, e wala naman nun sila mama, di ba? Yung ilaw rin bukas, hindi naman natin binuksan yun, hindi rin si kuya yun kasi tulog pa rin yun. Si Ate Maril lang naman nagpapatay ng mga kuryente pag may liwanag na.”





📜FEU Secret Files Community
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon