My neighbor named John

105 2 0
                                    

My neighbor named John   

Hello spookify! Just wanna share my weird and not so scary story of mine. This happened last 2014 in bicol sa nirerentahan kong apartment. Yung apartment na yun is parang condo yung style. Pero unlike sa condo, boring at old style yung building na nirerentahan ko. 4 storey building sya at 6 rooms sa kada floor. Ang room ko ay sa 2nd floor, door number 9 sa dulo katabi ng malaking boring na bintana sa hallway. Malaki ang bintana, parang human size ito at natatakpan ng puting kurtina. Lahat ng rooms ay may nakatira except dun sa katapat kong room, sa door number 12. Kaaalis lang kasi ng nagrerent dun, naghanap ng ibang apartment na mas malapit daw sa trabaho nya. Sa katabi ng room ko, room number 8 ay isang pamilya ang nakatira. Sa tapat naman nito, room number 11 mag-asawang matanda ang nakatira. Wala namang something sa building na yun or wala lang talagang nagpaparamdam sakin. Ewan ko ba kahit gustong gusto kong makakita, wala talaga eh. Until one night...

Nakahiga na ako sa kama ko. Nakatingin ako sa boring na bintana sa paanan ko. Malakas ang ulan kasi nakikita ko ito sa liwanag ng ilaw ng poste. Naka off na ang ilaw sa kwarto so tanging ilaw na lang ng poste ang nagpapaliiwanag sa room. Naisipan kong patugtugin yung ""when it rains"" ng paramore para mas damang dama ko yung ulan. Isinalpak ko na yung earphone sa tenga ko at nilakasan ang volume. Maya-maya may narining akong malakas na kalabog mula sa kabilang kwarto, room number 8. Sunod nito ay nagsisigawan na sila. Napatalon ako sa aking higaan at binuksan ng konti ang pinto upang silipin kung anong nangyayari sa kabilang room. Nakita ko rin na nakasilip yung dalawang matanda sa tapat ng room nila. Nanginginig sila sa takot at sinenyasan nila ako ng isarado ko daw yung pinto ko at i-lock.

Pagkatapos nun nagsara na sila ng pinto. Dahil sa curious ako hindi ko muna sinunod yung sabi ng matanda sa halip ay binuksan ko pa ito ng maigi para tignan ang nangyayari sa kabila. Ang ingay sa kabila, nagbabasagan ng pinggan at nag iiyakan ang mga bata. Nakita ko na lang na tumilapon sa hallway yung nanay ng mga bata. Nasindak ako sa nakita ko kaya't sinara ko yung pinto at nilock. Kinuha ko yung arnis ko sa ilalim ng kama at bumalik sa pinto para tignan ulit ang nangyayari. Dahan dahan kong pinihit yung doorknob at binuksan ng konti. Pagkasilip ko, nakita ko yung nanay ng mga bata na nakalutang sa ere at nakaback lift. Nakabend yung likod nya na parang mababali na. Sa sobrang takot ko isinara ko na ulet yung door ko at nilock. Binuhat ko yung mesa at hinarang sa pinto. Sa puntong ito sobrang lakas ko grabe marmol pa naman yung mesa. Nakarinig na naman ako ng dalawang malalakas na kalabog at natigil na sa pag iyak yung mga bata (Alam ko na ang nangyayari).

Tahimik na sa kabilang room. Isang minuto lang ay may kumatok sa tapat ng room number 8. Nanginginig na naiiyak na ako sa takot kasi iniisa-isa nila ang room. Naisip ko yung dalawang matanda, dito tuluyang bumuhos ang luha ko. Nagsisigawan na yung dalawang matanda dahil ginigiba ng mga di mawaring nilalang ang pinto nila. May mga materyales silang ginagamit para magiba nag pinto, at nagtagumpay sila. Sigawan at mga kalabog na naman ang naririnig ko. Sa puntong to di ko na kinaya, kailangan kong makaalis sa kwarto ko at maghanap ng tulong sa labas. Kinuha ko cp ko at sa sobrang malas wala pala akong load. So ang ginawa ko ay binuhat ko ulit yung mesa at naghintay ng tyempo na makatakbo palabas. Pinihit ko yung doorknob at nag bilang ng 1.. 2.. Takbo! Kumaripas ako ng takbo patungong hagdanan. Di ko na sila tinignan. Basta patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang makaabot ako sa lobby. Sumigaw na ako ng saklolo pero wala manlang tao ni isa. Lumabas ako sa main door at tumakbo ako palabas, wala akong pakialam kahit umuulan ng malakas.

Pagkalabas ko ay parang nanghina ang tuhod ko nang makita ko ang mga di mawaring nilalang na nakapalibot sa building. Mukha silang alien. O alien na nga talaga. Madami sila, sobrang dami. Sa oras na ito suko na ko. Lumuhod ako at nagdasal na lang. Habang nagdadasal may humawak sa balikat ko. Pagtingin ko isang  lalake na nakasuot ng white polo shirt, ngumiti sya sakin at binuhat nya ako. Sobrang nanghina ako lalo't alam ko ng may tutulong sakin. Binulungan nya ako ""Wag ka ng matakot, andito na ako"". He hugged me. Pagkatingin ko sa paligid nawala na yung mga di mawaring nilalang. Magsasalita pa lang sana ako nang biglang may kumatok at nagising ako. Pagtingin ko sa oras 8 am na. Napamura ako dahil akala ko totoo na, panaginip lang pala. May kumatok ulet sa pinto, lumapit ako sa pinto at pagbukas ko napanganga ako sa taong kaharap ko. Yung ngiti nya at ang suot nyang white polo shirt, sya yun. Sya nga yun.

""Hi, I'm John. Your new neighbor lol. Dito ako sa tapat ng room mo haha"" bati nya sakin.

LGMC





📜Spookify
▪︎2016▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon