Bantay Ko

38 1 0
                                    

Title: Bantay Ko

Share ko lang to since may time ako today. 😅

After masaniban ng Ate ko (nagustuhan siya ng engkanto at gusto kunin), hindi na bago samin yung mga paranormal. Naexpose kami sa iba't ibang supernatural like Latins, orasyon,  pang gagamot, ghost hunting, Astral projection. Etc..
After maging okay ni Ate, sumusulpot sulpot pa din na nakikita niya ung gustong kumuha sknya before, ako may mga nararamdaman at nangyayari na din sakin na minor lang naman so di na namin pinansin since nakay ate talaga ung focus ng lahat.. One time, dinala ulit siya sa albularyo so sumama lang ako kila mama para makichismis 🤣. Madami sinabi ung albularyo tungkol kay age pero nagulat kami ni mama nung tinuro niya din ako at sinabi na tignan tignan din daw ako kasi di daw magtatagal magagaya ako kay Ate dahil may nakabantay na din daw sakin.

Again, pinagsawalang bahala na lang namin un ni Mama.

Fast forward, grumaduate ako ng college.
Nag stay ako sa apartment nila Ate (ibang ate to dun sa nasapian) para mag job hunting.
.
Yung apartment is maliit lang pero 2 storey.
2 kwarto sa taas ( 1 malaki then isang kwarto na nilagyan ng partition na plywood so parang tatlo) then sa baba is sala lang na maliit na may maliit na kainan then cr at kusina.
One time naginom kami, ung ate ko, jowa niya tapos jowa ko. After namin maginom nag away kami nung jowa ko so umakyat na kami para matulog. Sila ate sa sala natulog. Di kami naguusap ni Jowa at dahil nga topakin tayo humiwalay pa ko ng kwarto sknya.hahaha. Partida patay ung ilaw and sobrang dilim talaga since sarado din mga bintana.
Then di kami naguusap natulog na kami.
Until nagising ako after mga 1hr lang siguro kasi may umiiyak na babae. Nung una sabi ko baka sa kapitbahay un since parang duplex style ung apartment kaya pumikit ako ulit. Pero palakas ng palakas ung iyak hanggang sa parang katabi ko na lang ung babae then taas na talaga mga balahibo ko hanggang batok at muka ko. So sabi ko, ay iba na to. So kahit mapride ako tumayo ako then tumabi sa jowa ko na tulog na tulog that time. Nawala naman na ung umiiyak and nakaramdam ako na naiihi. Takot na takot pa din ako pero mas umiral ung pride ko kaya di ko ginising si Jowa. Tumayo ako nun then bumaba papuntang CR. Pag baba ko nagsalita si Ate sabi - " kayo away kayo ng away, di na kayo matulog!"
Di ko siya pinansin dumiretyo lang ako sa Cr pero iniisip ko pano niya nalaman na nagaaway kami eh di naman kami nagusap ni jowa. Natulog lang kami agad.
Tapos umakyat na ko at natulog.

Pag gising ko ng umaga, nag breakfast kami ng sabay sabay apat bigla ko naalala ung umiiyak na babae kagabi. So kwinento ko kay ate. Ito ung naging convi namin.

Ako: "ate oo nga pala. Alam mo ba may umiiyak na babae kagabi, palakas ng palakas hanggang sa parang katabi ko na lang. May multo ba dito? Or may babae ba sa kapitbahay?"

Ate: Anong umiiyak na babae eh ikaw ung umiiyak. Kunwari ka pa!! Away kayo ng away ni Ron ang ingay ingay nio kagabi sa taas. Puro dabog ng dabog at batuhan ng gamit. Kala ko nga sinasaktan ka na ni Ron aakyatin ko na sana kayo!

Ako: Anong umiiyak? Anong nagdadabog at nagaaway eh pag akyat namin dun natulog na kami agad. Di nga kami nagusap kaya panong nagaaway. Dun nga ko natulog sa kabilang kwarto. Nagising lang ako sa iyak nung babae kaya din ako lumipat ulit kay Ron. Tulog na tulog nga yan kaya bumaba ako magisa kahit takot na takot ako.

Ate: Anong bumaba magisa? Eh kasama mo si Mark bumaba . tanga ka ba?

Ako: Anong kasama si Mark? Eh tulog na tulog nga yan kagabi naghihilik pa.

Jowa ko: Oo ate di ako bumaba kagabi. Wala akong alam.

Ate: imposible ! Kitang kita ka namin umupo ka pa jan ( tinuro niya ung upuan sa kainan na nakaharap sakanila nung natutulog sila) nung pumasok si Cath sa Cr tapos paglabas niya sumunod ka na ulit sknya paakyat..

Ako: Ako nga lang magisa bumaba, kaya nga nagtataka ako nun kasi sabi mo away kami ng away. Pano mo kako nalaman eh kahit nagusap di namin ginawa. Natulog kami agad.

Ate: oo kaya nga sabi ko away kayo ng away kasi dalawa kayo ni Ron kausap ko. Kasi dalawa kayong bumaba.

Jowa niya: oo nakita ko rin si Ron nun. Umupo nga siya jan. Parang sinamahan ka lang niya then umakyat na din siya nubg umakyat ka.

--
After neto andami pang sumunod na nangyari na napapaisip ako kung may bantay nga ako.
Like one time naman nasa Mall kami ni Ate, nagulat ako takot na takot siya bigla niya na lang ako hinila kasi kitang kita niya daw na may kamay ng lalake na naka hawak sa braso ko. Parang naka akbay.

Then sumunod naman nagaway ulit kami ni Jowa, andun kami sa bahay sa province neto.
Yung style ng kwarto namin is nasa second level siya madaming bintana. Ung higaan namin ung side niya is bintana..
So un na nga, nagaway kami, tapos natulog nanaman siya. Habang ako nakatulog ako ng umiiyak sa sama ng loob sknya.
Then madaling araw, off lahat ng ilaw, nagising ako kasi ang likot likot niya, that time feeling ko sinasadya niya maglikot para magising ako  kasi nahihiya siya gisingin ako dahil nga tinulugan niya lang ako. So likot likot pa din siya tatayo hihiga sa kama pero kunwari tulog pa din ako. Pero tinitignan ko lang siya. Then bigla siya tumayo at nanalamin while lights out. Kaya bigla ako nagsalita, sabi ko wag siya manalamin ng patay ung ilaw dahil baka may makita siya (turo samin ni mama).

Sabi ko buksan niya ilaw bakit ba kako gising siya. Sabi niya sobramg sakit daw ng ulo niya. Nung tinignan ko siya parang takot na takot siya na naluluha sa sakit ng ulo na nasusuka siya. Sabi ko napano ba siya. Then sabi niya natutulog daw siya bigla na lang daw siya nagising at parang may nagsabi daw sknya dumungaw sa bintana. Pag dungaw niya daw sa bintana nakita na daw aninong itimlalake na itim na itim at red ung mata na galit na galit nakatitig lang sknya.
So ginawa ko (natutunan namin to sa Albularyo na nakagamot kay ate nung sinapian siya at nagtrain dun sknya mang gamot) kinuha ko kamay niya pinagpantay ko and di siya pantay ( meaning may katabi siyang spirit or may nakabati sakanya) so ang ginawa ko dinasalan ko siya ng latin. After ko dasalan, nawala na. Nagpantay na din daliri niya, nawala na daw agad sakit ng ulo niya. Pero wala pang 5mins sobrang sakit nanaman daw. So chineck ko ulit daliri niya at sobrang laki nnman ng agwat. So ginawa ko kumuha na ko ng 3 buhok at sinunog ko tapos dasal ulit ng latin. By this time nawala nanaman. At naging okay siya. Usually talaga pag ganito nawawala na talaga. Pero After 5mins ulit meron nanaman si nagdecide na ko gisingin si ate(panganay namin at may ari nung bahay) ginawa niya din ung ginawa ko then winisikan ng holy water si jowa and kinausap niya bantay sa bahay nila na wag galawun si jowa at di ibang tao samin. Nawala ulit pero sabi niya kapag daw bumalik pa din ibig sabihin hindi un bantay sa bahay nila at baka daw bantay ko. Try ko daw kausapin bantay ko pag bumalik pa.
So ayun after mga 10mins naman bumalik nanaman sa dati at sobrang sakit nanaman ng ulo niya so ako pumikit lang ako at kinausao ung sinasabi nila na bantay ko..sabi ko lang na wag na niya galawin si jowa at okay naman na ko. Nagaway lang kami pero mabait naman si Jowa at di okay na kami. Kaya hayaan na niya." While doing this sobrang taas ng mga balahibo ko..
Pag dilat ko kinuha ko kamay niya at chineck ang pantay na talaga. Okay na. Tinanong ko siya kung masakit pa ulo niya di na daw. Parang may malamig daw sa ulo niya kanina then biglang nawala .

So un na muna kasi Sobrang haba na neto. 🤣🤣 Marami pang instances na naencounter namin ung sinasabi nila na bantay ko and nakita ko din ung siya. Pero sa susunod na lang siguro un pag may time na ulit.
Thank yoy kung tinapos nio and let me know what you think kung may same experience kayo.


📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon