Ospital

32 1 0
                                    

Ospital

Ako, kasama ng dalawa ko pang mga kaibigan ay nagpasa ng OJT application sa isang malaki at kilalang ospital.

Nagdadalawang isip pa nga ako noon na magpasa dahil sa alam ko naman na maraming kababalaghan ang nangyayari sa mga ospital.

Sinabi ko rin ito sa mga kaibigan ko pero syempre, ineencourage pa din nila ako na ituloy ko dahil ang sabi nila, doon naman kami sa management building maglalagi at hindi sa mismo kung nasaan ang mga pasyente at magandang experience ang makukuha namin dahil nga isa itong malaki at tanyag na ospital.

Dumating na nga ang araw na pinakaiintay namin. (Kailangan kasi talagang gawin ito dahil kasama ito sa requirements para makapagtapos sa kolehiyo.) Kaming tatlo ay natanggap para mag OJT.

Sa simula, hindi kami nakakalabas pa ng office. Makakalabas lang siguro kami kapag mag CR at mag lulunch. Umiikot lang ang araw namin sa pagcocollate ng mga documents, pag stapler, pag aayos ng mga files. Minsan nakikipagkwentuhan lang kami kapag wala na silang ipapagawa.

Ako, sa sobrang curious ko, nagtanong ako sa mga staff. Tinanong ko kung may mga ghosts ba sa office  since nasa ospital sila nagwowork. Tapos nagkatinginan lang ung dalawang babaeng staff, yung alam mong may itinatago.

Meron kaming isang staff na talagang naging ka close at kinwento nya yung mga napagkkwentuhan ng mga employado don.

Eto yung mga nakwento nya sa amin:

Isang beses daw, yung empleyado sumakay sa elevator, nung papasara na daw yung elevator, may lalaki daw na humabol para makasakay. Pinindot nya pa yung pang open, pero malakas na hangin lang ang pumasok.

Sa elevator pa din, may mga times daw na kahit tatlo lang ang sakay ng elevator eh nagwawarning ito ng full. Walang gustong maiwan kaya lahat sila ay magsisialisan sa elevator. Tapos pag balik ng elevator, ok naman na sya ulit.

Don naman sa mismong office na pinapasukan namin, yung mga papel daw don, gumagalaw daw mag isa (parang hinahangin) lalo na yung nasa loob ng office ng manager namin kapag wala sya.

Isang araw, yung mga staff ay may pinuntahang meeting kasama ng manager. Kaming mga OJT ay naiwan para mag take ng call at para gawin yung mga binilin nila. Habang busy kami sa pag aayos ng mga documents, yung doorknob don sa office ng manager namin tumutunog, parang may gustong lumabas pero d mabuksan yung pinto. Nagkatinginan kaming tatlo. Turuan pa kung sino yung magchecheck kung anong meron don. Na-volunturo ako 😅. Lumapit ako sa pintong salamin ng office ng manager, pero nawala naman yung tunog, nilapit ko pa yung mukha ko para icheck baka may tao sa loob. Nakita ko yon! Nakita ko yung papel sa table ng manager,,,gumagalaw!! Naglilipat ng pages mag isa!! Walang tao, walang hangin! Talagang nakakakilabot! Hinila ko yung kaibigan ko para makita din nya pero d na ito gumalaw ulit.

Pagbalik ng mga empleyado, sinabi namin ang nangyari, mahirap na baka nga may nakapasok at may nawala baka mapagbintangan pa kami. Natawa lang sila, ganon daw talaga don at buti daw ay winelcome na kami.

Isang beses naman, inutusan akong magpaphotocopy. (Nagulat ako kc, makakalabas na ko sa office.) Hindi ko maalala pero kailangan ko pang bumababa ng bldg para makapunta sa xeroxan. Kada dept may code sa xerox machine. Syempre ako, dahil sa nalaman ko tungkol sa elevator, takot akong mag isa sa elevator 😂. Ang ginawa ko, nag hagdan ako. Hindi ko akalain na mas nakakatakot pala mag hagdan (sa fire exit).
Habang papalapit na ko sa pwesto nung xeroxan, nadidinig ko na may nagpapaphotocopy, kaya mejo nawala yung takot ko kc may kasabay ako sa lugar na yon. And to my surprise,,,, walang tao 😭. Hindi din naka on ung machine (makikita mo naman yon kung kakagamit lang). Lakas lakasan ng loob,,, nakalimutan ko pa tuloy yung code!!! Nag text pa ko sa friend ko at ang tagal pa magreply.. oMG,, aakyat ba ko ulit,,, at sa wakas may nagtext!! Yung code dumating na 😮‍💨.

Pagkatapos kong mag paphotocopy. Umakyat nako ulit, dun pa din ako sa fire exit dumaan. Sa sobrang kaba ko, nadidinig ko na may parang sumusunod sakin. Yung may umaakyat din, pero nung huminto ako para tignan kung merong sumusunod sakin, nag stop din yung umaakyat at wala din naman akong nakita.
Nung isang hagdan nalang ang tatapusin ko, nangaripas ako ng takbo paakyat. Tapos may tumunog ulit na umaakyat nagmamadali din. Ang bigat pa naman buksan ng pinto ng fire exit. Alam mo yung kaba ko, sobra abot langit. Pag balik ko ng office pawis na pawis ako.

Araw araw habang naglulunch, napapag usapan namin ng mga kaibigan ko kung gano lagi kadami ang nag cCR tuwing pagkatapos kumain. Kaya kami naman, nagmamadaling kumain para hindi maabutan ng maraming tao (as Ojt, bawal kami ma late na bumalik sa office, dapat on time or mas maaga).
Itong friend ko, nagsuggest sya na bakit hindi namin itry na magcheck kada floor kung konti ang nag CCR para sa susunod ay don nalang kami pupunta.
So yun nga ang ginawa namin. Mula 2nd flr, nakaabot kami sa 9th floor. Tuwang tuwa pa kami kasi kami lang ang tao. Mula non, don na kami nag CR.

Mahaba habang chismisan ang nagaganap araw araw dahil hindi na kami nagmamadali. Kaso isang araw habang nakatingin kami sa mahabang salamin ng CR at reretouch. May pumasok na babaeng dumuduwal. Hanggang sa nakapasok sya sa cubicle, duwal sya nang duwal. (Nagtinginan kami sa salamin ng CR). Tinginan na sinasabing ano yon, check natin.. naging concern kami kay ate baka kung napano, if ever, makatawag ng tulong. Lumapit kami kung san sya pumasok, "ate,, ate,, (with konting katok)ate,, ok ka lang?" (Aabutan sana namin ng tubig si ate. Pag toktok pa ulit d pala nakasara yung pinto. Pag bukas namin ng pinto, malamig na hangin lang ung lumabas. Walang ate!! Grabe ang tulakan at takbuhan namin nakalabas lang ng cR na yon. Mula non, mas pinili nalang namin na makipagsabayan sa madaming empleyado na mag cr after lunch. (Baka Kaya din andon silang lahat kasi takot din sila sa ibng flr mag cr🤷‍♀️).
Nerile Geloso



📜Spookify
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon