Aalis din Sila

29 1 0
                                    

I live in an old house dito sa San Juan. 1950s pa napatayo yung main structure ng bahay. Dito ako sa house lumaki and tumanda (I'm in my 30s na), Lola and Lolo ko yung nagpalaki saken. Both of them have passed away, and since then ako nalang mag isa nakatira dito. Medyo malaki yung house, 2 storeys sya with 5 bedrooms, 3 car garage, and a garden.

Nagkaron din pala ng caretakers dito sa house, pero hindi sila makatagal kasi natatakot sila. Even yung cleaning ladies na pinapapunta ko, hindi maka tagal. Ako naman, I've always felt comfortable, safe, and at home here.

May half brother nga pala ako who's still in college, and may school project sila and they need to shoot a short film. Nagpaalam sya saken if pwede ba nila gawin yung film dito sa house, instead na mag rent pa sila ng ibang bahay. Pumayag naman ako.

The other day, andito yung half-brother ko and his teammates. Mga 10 college students sila in total. Nag ocular sila and they checked all the rooms and gumawa sila ng shot list nila for the movie they're making. Matagal nang hindi nabubuksan yung rooms dito kasi out of 5 rooms, I only occupy 1 room lang naman, so naturally maalikabok na yung rooms.

Medyo late na din nakauwi yung half-brother ko and classmates nya, siempre medyo maingay and magulo din sila but I didn't mind naman.

Nung gabing yon, patulog nako. Alam nyo yung moment na half awake half asleep? So patulog nako ng biglang may nag salita sa isip ko. Very clear, lalake yung boses and sabi nya sa isip ko: "ayoko sa kanila. Ang ingay nila at ang gulo."

Bigla akong napa upo sa bed ko, alam ko in my mind na nasa labas sya ng room ko, sa tapat ng pinto, pero sumagot ako in my mind and sabi ko sa kanya: "ilang araw lang naman sila dito. Aalis din sila." And then in my mind nakita ko na umalis na sya sa tapat ng pinto ng bedroom ko.

First time may nangyare saken na ganito. Hindi naman ako nakaramdam ng takot or anything evil, pero ramdam ko yung annoyance nya. I think I've always known na may ibang energy dito sa house, but I've learned to coexist, as long as walang takutan or gulatan. And like I said, I've always felt safe here. Maybe may bantay ang bahay. As I'm writing this now, grabe yung goosebumps ko but I still feel safe. Weird ba ako? Haha.

Anyway, next week na yung film production ng half-brother ko and his classmates, start sila ng shooting nila on October 12 to 15. So let's see kung anong mangyayare. Hopefully nothing bad.



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon