Sya Ang nagsabi sakin ... Oo sya nga

90 2 0
                                    

Part 1

Sya Ang nagsabi sakin ... Oo sya nga

Hindi na bago sakin ang makakita ng mga kaluluwa. Mula bata hanggang paglaki ko lagi ko sila nakikita. Ilang beses din sinubukan Ng mga taga samin ang pagpapasara ng aking ikatlong mata dahil Nung Bata ako ay hindi ko mapigilan na sabihin Ang mga nakikita. 

Lumipat kami Ng bahay, pero yung bahay na nilipatan namin ay malapit lang din sa dati naming Bahay ... Bali dawalang bahay lang ang pagitan. Up and down ang bahay na iyon kumpara sa dati naming bahay na bungalow house lang. Sinabi ko na sa magulang ko na may bantay ang bahay na iyon. Isang babae mahaba ang buhok at laging nasa  second floor Ng bahay na parang nag babantay mula sa taas pero sa tuwing nakikita ko sya Hindi ko maaninagan ang mukha nya.

Lumipas Ang mga taon at Kasama namin Ang babae sa bahay. Hanggang nakapag trabaho na ako... Ako ay naging Isang guro sa Isang pribadong skwelahan... At dahil sa pagiging guro nakakatanggap kami Ng kung ano anong bagay at pagkain sa mga studyante (flowers, letters, mugs, chocolate) Isang Araw pag pasok ko sa office Nakita ko Ang bouquet na flower sa lamesa ko. Hindi ko alam sino Ang nagbigay pero iniwan lang dun. Ugali ko iuwi Ang mga natatanggap ko Mula sa trabaho. At inuwi ko nga Ang bulaklak. Inilagay ko sa aking mini Groto ni Mama Mary.

Pag tulog ko Ng Gabi bumigat Ang aking pakiramdam ... Nagulat na lang ako na Ang bulaklak na inilagay ko Kay Mama Mary ay lasug lasug na at nakakalat sa aking Kama. Niligpit ko na Lang at pinagsawalang bahala.  Kinabukasan nagtaka ako na Meron ulit bulaklak sa mesa ko same na bulaklak na una Kong natanggap kahapon pero ngayon Isang maliit na piraso na lang. Inuwi ko ulit. Nung Gabi ulit na Yun naalimpungatan ako. Nakita ko Yung babae NASA tabi Ng kama ko nakatayo. Ramdam ko na parang galit sya kaya Hindi ako naglakas Ng loob iangat Ang aking ulo para tingnan Ang mukha nya. Bali sa dress nya lang ako nakatingin. Maya Maya pa ay nagsalita Ang Babae at Sabi nya "Bakit mo sya inuwi dito? Hindi sya pwede dito" habang sinasabi nya iyon Ng palakas Ng palakas.... Sumakit bigla Ang ulo ko at pumikit ako para mag dasal. At kasabay nun nawala na rin sya.

Ilanag linggo puro ganun Ang nangyayare ... Nakikita ko sya at galit sya sakin. Hanggang Isang Gabi habang tulog ako naramdaman ko na may humawak sa magkabila Kong paa at inaangat ako sa kama agad Kong idinilat Ang mga mata ko. Nakita ko Ang babae na nakalutang at hawak Ang magkabila Kong paa ... Ngayon ko lang Nakita Ang mukha nya. Isa syang matandang babae na kulubot Ang mukha. Maitim Ang kanyang bibig at mapula Ang mga mata... Nakikipag hilaan ako Ng paa sa kanya pero parang Wala akong kahit Isang tunog na lumalabas sa aking bibig kahit nagsisigaw na ako na bitawan nya ako. Pero bigla syang nagsalita ... Bakit ka nagdala Ng bata dito??? Hindi ka pwede magdala Ng bata dito. Ayoko Ng may Bata dito. Kailangan mo sya mawala. Hanggang Hindi na ako makahinga dahil sa pagod kakasigaw at kakapiglas sa kanya. Naalala ko Ang rosary sa bag ko na malapit lang sa aking Kama ... Pero bago ko pa man makuha Ang rosary bigla na nya ako binitawan na parang alam na nya Ang sunod Kong gagawin. Nagdasal ako Dali daling bumangon para lumabas Ng kwarto. Nagulat ako paglabas ko Ng kwarto nandun Ang aking mga Kapatid at magulang.. sinusubukan Pala nila buksan Ang pinto Ng aking kwarto ngunit Hindi mabuksan. Dun ko lang nalaman na Hindi Pala boses Ang nawala sakin kundi Ang aking pandinig. Narinig nila ako nagsisigaw pero Sila Hindi ko nadinig na NASA labas at sinusubukan ako tulungan. Kinakausap nila ako pero Hindi ko pa rin Sila marinig... Sinabi ko Ang nangyari. Nag motor Ang mga magulang ko papunta Kay Lolo uweng para kumuha Ng holy water. Ipinatak iyon sa aking Tenga at nakarinig ako ulit.

Pagkatapos nun napag tanto ko na Ang sinasabing Bata Ng babae ... Ako Pala ay 3 linggo ng buntis , at Sabi Ng mga Madre sa school Ang bulaklak na nakikita ko sa aking table ay galing sa Isang parent Sabi ilagay daw sa table ko Ang flower na Hoya. Ito ay protection flower.  Ayaw daw magpakilala Ng parent kung sino sya. Lumipat Muna ako sa Bahay Ng aking kalive in upang protektahan Ang sanggol na aking Dala dala.

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon