Tawag

30 1 0
                                    

Hi second time ko na mag share dito 😅 ptpa, nag sscroll kasi ako sa old phone ko then nakita ko tong picture na to. Hndi naman siya nakakatakot para sakin/samin. Isa to sa mga sad part na nangyari sa family namin. Long post sorry ☺️

Nov. 11, 2017 namatay yung pamangkin namin dahil sa dengue. Sobrang sweet nun and napaka matured mag isip kahit 8 yrs old lang siya that time. Na admit siya sa hospital sa marikina sa may amang and nag sisi kami na bakit dun namin siya dinala, sana sa private nalang 🥺 habang naka burol siya na admit din yung isa pa naming pamangkin this time sa private na dinala and yung isa naman buti naagapan bale 3 silang tinamaan ng dengue.

Kami ng sister in law ko nag asikaso lahat sa hospital, hanggang sa kinuha siya ng mag eembalsa. Sabi pa ng kuya ko naka convoy kasi sila dun sa ssakyan, nakita daw niya yung pamangkin namin na nagwwave sa kanya tapos nakangiti 🥹 parang nagpapaalam. Kami din bumili ng damit niya, which is masakit kasi nung pumipili kami hndi na yun para sa pang gala niya, kundi yung last na ssuotin niya kaya yung maggustuhan na niya yung pinili namin and yung shoes and headband. Kami din nagbayad dun sa funeral para masundo na namin siya at mauwi sa bahay. Nung ssunduin na namin siya ang sakit, nasabi nlang namin lika na uwi na tayo inaantay ka na nila. Nauna kami sa loob ng bahay and nung okay na tsaka kami lumapit sa kanya kasi sabi bawal namin salubungin habang ippasok siya.

Nov. 12, 2017 first night ng lamay niya biglang napapunta yung pinsan ko sa bahay namin kasi nga may tumatawag dun sa phone niya pero walang sumasagot sa kabilang linya kaya nagtaka siya tapos sira pa yun. Tahimik lang and wala kang maririnig na kahit anong ingay. Yung phone na yun favorite pala yun hiramin nung pamangkin namin and sira nga simcard slot ng phone kaya imposible talaga na matawagan since wala ngang simcard, pero nkakapag taka may signal yung phone kahit walang sim (makikita dun sa photo and old phone siya) Nung unang tumawag siya hndi nasagot pero nung na answer na namin nag iyakan talaga kami lahat kasi siya unang pumasok sa isip namin. Tapos nagsalita kami isa isa kahit walang sumasagot sa kabilang linya, nagpaalam kami, nag sorry tapos sinabi namin na mahal namin siya. Hndi kami nakapag paalam sa kanya ng maayos since sa hospital na siya nawala, naabutan ko nlang siya dun sa may pinaka ground floor tapos wala ng buhay at yung ate ko halos mawala sa sarili that time 🥺 Nung mallowbat na yung phone chinarge namin sa powerbank siguro tumagal din ng 4 or 5 hrs yung call hndi namin pinapatay kasi nung una ini end pa namin tapos ttawag siya ulit pero nung nakausap namin siya lahat tapos binigay namin sa ate ko para makausap niya then nagpaalam na yung ate ko na iiend na yung call, hndi na siya tumawag after nun. Ang hindi ko makakalimutang kwento ng ate ko nung time na alam niya na siguro na mawwala na siya sabi daw ng pamangkin ko "okay lang mama hndi ako galit" tapos nagbbilin pa daw. 8 yrs old lang siya that time 🥺 Nung nilibing siya nilagay din namin yung phone sa paahan niya pati favorite toy niya ☺️ At kahit wala na siya, hndi namin nakakalimutan kung gaano siya ka matured and ka sweet lalo na sa lola niya ❤️

 8 yrs old lang siya that time 🥺 Nung nilibing siya nilagay din namin yung phone sa paahan niya pati favorite toy niya ☺️ At kahit wala na siya, hndi namin nakakalimutan kung gaano siya ka matured and ka sweet lalo na sa lola niya ❤️

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon