So eto na po ang Holiday Inn Makati.
It was booked by a client for how many days. So sa 14th floor kami with family.
Ilang days na kami dun but this Thursday lang 'to nangyari.
Palabas ako ng hotel magisa para may puntahan saglit then may nasalubong akong bata na lumabas na as in pulubi yung dating from the elevator. Papasok ako, sya naman lumakad papunt sa direction ng unit namin. Pero ako naisip ko pulubi na nakapasok. Mukhang galing pa ata sa ibang floor.
Casual lang naman sya lumabas naka semi smile pero natakot ako na baka magnakaw sa unit so sinabihan ko via chat yung mga naiwan sa unit na maglock ng door.
Then after an hour nakwento ko sya sa kasama ko. Like "Nakakapagod yung vacation na 'to tapos ang pangit pa ng ambiance ng hotel. Tapos kanina may bata pa na pulubi sa hallway natin"
Tapos nagalit yung kinwentuhan ko, sabi nya nakakatakot daw ako magkwento.
Sabi ko, "hindi naman nakakatakot yung kwento ko, bakit ka natakot?"
Sinabi nya na "Nakalimutan mo na ba, hindi ka basta basta makakaakyat dito kung wala kang fob or badge. Kahit saang floor, kasi sa lobby palang may badge na kailangan."
Narealize ko, oo nga noh, tapos impossible na manggaling din syang ibang floor.
Tapos nag flicker yung mga lamps sa kwarto namin habang nagkukwento ako.
Nung nagtry ako mag panggap na nawalan ng isang key sa concierge, sinabi ko na nalaglag ko ata bago ako pumasok sa 14th floor na elevator. Dahil gusto ko maconfirm if may nakasalubong ako. Sinabi ko na baka pwede magheck CCTV nila and maconfirm if napulot ng bata sa hallways since nakita ko sya na lumabas ng elevator.
Chineck naman nila, pero pag balik sinabi na sa akin na policy daw na wag magpakita ng CCTV unless may police report. I understand naman, so inask ko, napulot ba ng bata? Ang sagot nya, bawal daw sila mag disclose.
Like kung may company policy, bakit nung nag ask ako di nyo agad sinabi? Bakit pinaghintay pa ako na mapanood muna nila bago nila sabihin if wala din silang kahit anong inform na pwedeng ishare.
MAY SAME BA AKO NA EXPERIENCE DITO?
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.