BABALIKAN KITA, PROMISE

11 1 0
                                    

“BABALIKAN KITA, PROMISE”

Ako si Anna, taga-probinsya. Noong bata pa ako, meron akong best friend, si Marie. Palagi kaming magkasama ni Marie, nagkukuwentuhan at naglalaro. Hanggang isang araw, nagpaalam si Marie na sa Manila na raw sila titira. Nalungkot ako syempre, pero nangako naman si Marie na babalik siya rito. Na babalikan niya ako.

A: Babalikan mo ako, ha?
M: Oo naman, babalikan kita, promise.

Fast forward. Gabi na nun, malakas ang ulan. Ako lang sa bahay kasi umalis sina mama at papa. Biglang may kumatok sa pinto kaya bumaba ako para buksan ito. Pagbukas ko, nakita ko si Marie. Masaya ako kaya niyakap ko siya agad.

Umakyat kami ng kwarto ko at nagkuwentuhan. Nag-usap kami tungkol sa mga bagay-bagay simula nung magkahiwalay kami. Masaya kaming nagkukuwentuhan nang biglang may kumatok ulit sa pinto. Bababa na sana ako pero pinigilan ako ni Marie.

M: Dito ka lang. Nagkukuwentuhan pa tayo, e.
A: Titingnan ko lang kung sino ang kumakatok, baka sina mama na yun, e.
M: Sige, pero balikan mo ako, ha?
A: Oo naman, babalikan kita, promise.

Pagkabukas ko ng pinto, nakita ko si Mang Jun, ang family driver nila Marie.

"O, Mang Jun, ano ho ginagawa n’yo dito? Gabi na ah, at malakas pa ang ulan."
"Ma'am Anna, ikaw po talaga ang sadya ko dito. Pinapunta po kasi ako nina Ma'am at Sir para iparating sa yo ang balita. Si Ma'am Marie ho kasi, naaksíd€nt€ kanina. Wala na ho siya."

Pagkasara ko ng pinto, bigla ako nanghina. Si Marie, wala na? E sino yung kasama ko sa taas? Sino yung kakuwentuhan ko? Napahagulhol ako ng iyak. At bigla kong naalala ang pangako ko kay Marie.

Alam kong tinupad ni Marie yung pangako niya sa akin na babalikan niya ako. Pero kung ikaw ako, babalikan n’yo rin ba siya?



📜FEU Secret Files Community
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon