Kababalaghan sa Japan
Hi Spookify! I don't think if ma post ba 'to. slightsmile emoticon
So here's my story:
So the kababalaghang events happened when I was in Japan. Sa bahay mismo namin. Siguro alam naman natin pagmulto multo talaga, Japan yung nananalo eh!
Yung tinitirhan naman is bahay talaga hindi siya apartment. Tapos stepfather ko lang nakatira dun ever since nung hindi pa sila mag asawa ng mama ko ha. Yung bahay modern-style na siya hindi yung naka japanese style, pero 24 years nang nakatayo.
Ff. So yun na nga, sa gilid ng bahay namin may pinaparentahang garahe. Sa dulo dun talaga sa tapat ng bahay namin na garahe, dun nagbigti yung uncle ni tatay. Matagal nadin yun
Hapon na, Tapos inutusan kami ng kapatid ko na magbili raw nung Ocha namin dun convenience store. So dun kami nag shortcut sa bahay nung namatay na uncle ni papa. Papalabas palang kami ng bahay. Ewan ko ba't anung nakain nung kapatid ko. Bigla nalang siyang nag story about dun sa nagbigti hanggang sa nakaabot kami dun sa convenience yun parin topic namin. Nung sa may diapers na kami banda, biglang nahulog yung isang malaking supot nang diapers, eh wala namang tao. Hindi nalang namin pinulot kasi natakot na kami nung kapatid ko.
Kasunod na gabi. Ako lang kasi yung natutulog sa kwarto. Tapos ang kwarto ko kapag tatanaw ka sa ibaba yung garahe mismo makikita mo. Yung kwarto ko sobrang laki para sa akin mag isa kasi naka connect na siya sa terrace namin. Ewan ko ba't hindi ako makatulog. Pinatay ko nalang yung ilaw. Sigurado akong 5minutes yun before 2am. Rinig na rinig ko talaga na may naglalakad pababa kasi yung creaking sounds nang kahoy. Yun pababa siya ng hagdanan.Tapos pagharap ko sa wall narinig ko sa labas ng bahay talaga namin na naglalaro ng bola. Akala ko kapatid kong lalaki nag sleep walk. Takot akong bumaba. So pinuntahan ko si mama sa kabilang kwarto. Sinabihan ko siya about dun. Sabi niya tignan ko daw sa kwarto nung kapatid kong lalaki kung wala ba dun. Pag open ko. Ayun tulog na tulog tatay ko at yung kapatid kong lalaki. Nagmamadali akong pumunta pabalik sa kwarto ko. Sigurado talaga ako na hindi tao yun. Kasi bawal yun at isa pa sino ba naman yung maglalaro ng basketball at exactly 2am. Naabutan nalang ako nang umaga di parin ako nakatulog.
Last na to.
Umalis sila mama kasama friend niya papuntang Gifu kasi mas mura yung bilihing karne dun. Ako lang mag isa naiwan. Habang wala sila mama nasa sala ako nanunuod ng kdrama. Pero feeling ko may nakatingin sakin dun sa may hagdanan so isinara ko yung pinto sa may hagdanan. Ilang minutes nakalipas biglang sumakit tiyan ko pinagpawisan ako sa sakit so yun pumunta ako nang cr. Pagka upo ko talaga may nagbukas ng pintuan namin sa may kusina at ang alam ko may pumasok kasi narinig ko may naglalakad. So ako akala ko sila mama. Sigaw ako ng sigaw na wag mong i off yung ipad kasi hindi pa ako tapos. Walang sumagot. Tsaka nawala na yung sakit ng tyan ko strangely walang lumabas (sorry). Pag labas ko nang CR. TADA!!!!! WALANG TAO.
Oo nga pala sa kwarto ko may basurahan sa tabi talaga nung altar. Believe it or not. Yung cover niya nag fi-flip mag isa mga around midnight. Hanggang sa nakasanayan narin.And Im Done! Mahaba ba? Hehehe thank you for reading. More powers sa page niyo
Take Note: Totoong may momo sa Japan📜Spookify
▪︎2017▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.