Haunted House

28 1 0
                                    

i don't know kung paano ko to sisimulan pero sobrang weird and creepy kasi sa house namin. parang ako lang ata yung wala masyado naffeel sa house namin (meron pa rin pero di gaano tulad sa iba)

yung house kasi na tinitirahan namin ng mom ko ngayon, super tagal niya na and malawak siya (parang lola pa ng lola ko ata yung may ari nun not sure pero sobrang tagal na talaga ; bale don na rin lumaki yung mom ko) and unang tingin lang din naman talaga sa bahay, halatang pinaayos nalang din para di na mag mukhang luma. 

marami rin kwento kwento sa bahay namin na di ako masyado naniniwala kasi yun nga, di ko pa naexperience yung time na yon. though naccreepyhan ako at natatakot kaso lagi ako pinapagalitan ng nanay ko na nasa loob lang daw naman ako ng sarili kong bahay bakit ako matatakot chuchu. not until, nangyari rin siya sakin nung pandemic 2020-2021 ganon. kwento ko muna yung naexperience ko kasi medyo mababaw naman siya pero dahil don sa nangyari sakin, di na ako masyado bumababa sa baba ng house namin.

bale yung bahay kasi namin 2 floors siya. yung top floor, dun mismo yung main door namin and then sa baba yung kitchen and ibang room pa. nung pandemic kasi, inaayos pa yung kitchen namin sa top floor (2nd floor) basta magulo talaga kaya niyo na yan!! anyway, since inaayos yung kitchen namin sa taas, lagi kami kumakain sa baba and tumatambay sa baba kapag wala kami masyado magawa sa taas. eh nung bandang 2021 na diba pwede na lumabas labas? yung mom ko, bumalik sa work tapos yung lola at lolo ko naman, active kasi sila sa church kaya every friday, saturday and sunday wala yan sila sa bahay. eh nagkataon naman na late ako nagllunch or nagigising kaya minsan nagigising ako na mag-isa lang ako sa bahay. tapos around 2-3 pm bumaba ako sa baba para kumain at tumambay kasi mainit sa taas. siguro after ilang minuto ng pagtatambay ko, bigla ako nakarinig ng nag aadjust ng upuan sa taas. tapos iniisip ko na baka naman na nakauwi na yung lola at lolo ko. tinawag ko naman sila pero walang sumasagot kaya hinayaan ko nalang at baka kung ano lang. sabay maya-maya, may naririnig ako na naglalakad sa taas. (yung floor kasi namin, kahoy siya and maingay talaga kapag naglakad lakad ka as in rinig) tapos dun na ako medyo kinutuban na parang may mali na nga kasi saulo ko yung mga yapak ng mom ko at ng grandparents ko. pero again, hinayaan ko nalang kasi nga sinabihan ako dati na kapag takot ka, mas lalo kang lalapitan huhu. tapos maya-maya biglang may nag aadjust na naman ng gamit tapos sobrang bilis mag lakad sabay sobrang bigat ng paa niya. and then after nun, umakyat ako sa taas dire diretso, di na ako nag check ng mga kwarto at baka iba pa makita ko sabay sa labas nalang ako ng bahay nag tambay kasi sobra akong natatakot.

at ito pa, nung 2021 din nangyari to. nasa kwarto ko ako kasi after nung nangyari na may naglalakad lakad sa taas, di na ako masyado nag tatambay sa baba kasi nga natatakot na ako. tapos as usual, mag isa na naman ako. narinig kong tinawag yung pangalan ko tapos kaboses ng lola ko, so malamang nag sagot din ako pabalik tapos walang sumasagot. tapos sa baba, may daanan din kasi kami don na kapag nakalock sa taas pwede ka makapasok sa baba. anyway, yung pintuan sa baba, kumalabog nang sobrang lakas and then tumakbo ako pababa kasi akala ko napaano na yung lola ko nga. tapos pag baba ko, walang tao as in zero no tao ganon. tapos pinull ko naman yung door sa baba and nakalock siya sa labas. eh syempre teh ganon na nangyari, malamang umakyat na ako sa taas at di na ako bumaba ulit. nag text ako sa lola ko kung tinawag niya ba ako at ang sabi niya di pa naman daw siya umuuwi at nasa simbahan siya. kaya ngayon, ugali ko na kapag tinatawag ako, di muna ako sasagot and pinapakiramdaman ko muna bago ako sumagot or pumunta sa tumatawag sa akin. so far, yun palang naffeel ko sa bahay namin at sana yun na ang last please po.

sobrang haba nito kaya i'm sorry guys 😔 iniisip ko kung isisingit ko pa dito yung iba or sa comment section nalang. pero ikukwento ko yung nakita ng yaya namin dati hehe.

so ito nga, yung unang yaya namin (si ate inday), dun siya natutulog sa baba kasi dun kami may bakanteng higaan pa at para kapag may need na siya gawin or mag luto, diretso nalang siya at para di na siya akyat baba. kinwento niya lang to sa akin and ayaw niya rin ikwento sa lola ko kasi baka mamaya atakihin lola ko kasi sobrang matatakutin talaga yun siya. nung kinaumagahan, kinwento nga sa akin ni ate inday na kagabi hindi raw siya nakatulog nang maayos kasi raw nakakarinig siya ng iyak ng batang babae (eh syempre ako naman ayoko na ipatuloy kasi natatakot na ako pero nagkwento pa rin siya) nung una nga raw, akala niya yung anak niya yung umiiyak pero nung tiningnan niya naman daw, tulog yung anak niya. tapos napansin niya raw sa dulo ng kama na hinihigaan niya, may babaeng nakaupo tapos nakayuko at nakatalikod sakanya tapos sobrang tagal lang talaga niya nakaupo. eh ito naman si ate inday, matatakutin din, humiga nalang ulit tapos nagtalukbong nalang ng kumot kasi nga ayaw niya na makita. mga ilang minuto na rin naman daw wala na rin siya naririnig or naffeel kaya ayon.

yan muna natatakot na kasi ako mag isa lang ako ngayon sa bahay HAHAHA sa comment section nalang yung iba huhu basta sobrang dami pa yan kwento kwento dito sa bahay 😭😭


📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon