Share ko lang tong nangyari sa subdivision kung saan nakatira family ng wife ko. This is the same subdivision kung san may na encounter ako sa eskenita and yung kaibigan kong nag share din dito na babaeng nakaitim.
Pregnant wife ko that time and doon kami nakatira sa house ng inlaws ko. One night during dinner, nagpaalam ako sa kanya na pupunta ako sa house ng kaibigan ko para tumambay at makipag kwentuhan. Pumayag naman sya and ang sabi nya pupunta din sya sa bahay ng best friend nya which is located sa kabilang street lang, and sunduin ko nalang sya pag pauwi nako.
So after dinner hinatid ko sya sa bahay ng friend nya and ako naman is nagpunta na sa bahay ng kaibigan ko. Normal na mabilis ang pagtakbo ng oras pag masaya ang kwentuhan, nakuha ko nalang mag check ng oras ng mapansin kong wala ng mga taong dumadaan sa street nila. Past 11 pm na pala, naisip ko agad yung buntis kong misis. Nag text ako sa kanya na susunduin ko na sya, at nagpaalam na din ako sa kaibigan ko. Pag dating ko sa bahay ng kaibigan nya, nakita ko na silang dalawa na nag aabang sa may gate. Nag sorry agad ako kasi di ko namalayan ang oras, hindi naman sya nagalit kasi nag enjoy din silang mag kwentuhan ng best friend nya. So nagpasalamat at nag good night na kami sa kaibigan nya bago umalis, tinanong ko sya kung san kami dadaan, kung sa dinaanan namin kanina or sa may basket ball court. Sabi nya, dun naman sa basketball court para maiba. So sinimulan na namin maglakad…
Explain ko lang tong court, dati daw during isang malakas na bagyo, nag landslide kung saang nakatayo ang court dahil katabi ito ng creek. Ang nangyari ginawa ulit yung court pero hindi na sya street level. Kumbaga sa building eh 1 floor down na ang court kaya pag nasa kalsada ka eh talagang dudungaw ka pababa para makita ang court, sa gilid naman ng court may multi purpose hall ng subdivision kung saan pwedeng maging events place ng mga birthday, binyagan or burol ng mga homeowners. So pag dating namin sa court, dinungaw namin pababa, wala naman ganap, wala din tao pati sa multipurpose hall at patay ang mga ilaw. So normal lang, kwentuhan habang naglalakad.
Pag liko na namin sa street nila, medyo mabagal ang lakad namin kasi pataas sya, dahil buntis sya eh dahan dahan lang ang lakad para di mapagod. Habang nag kukwento sya, napansin ko na may aso kaming makakasalubong, normal na aso naman kung titignan pero for some reason eh di ko inalis ang tingin ko sa kanya. Siguro dahil alerto lang ako na baka bigla kaming tahulan or habulin eh dahil buntis ang wife ko kaya alerto ako sa kanya. Nung makakasalubong na namin sya bigla syang parang umiwas papunta sa left side, di ko parin inaalis tingin ko sa kanya, nakita ko sya na parang nagtago sa isang malaking rubber trash bin na meron sa lahat ng harap ng mga bahay doon. Iniisip ko na baka magbubungkal ng basura para kainin. Hindi ko na halos naintindihan ang kwento ng misis ko dahil nandun sa aso talaga yung attention ko. Nawala sya sa paningin ko, hanggang na nasa tapat na kami nung basurahan, nagulat ako dahil biglang may tumakbong pusa galing sa likod ng basurahan kung saan nagtago yung aso. Tumakbo papunta kung saan kami nanggaling, so logical parin ang thinking ko, sabi ko natakot lang siguro sa aso, ang ginawa ko sinilip ko yung paligid ng basurahan na halos ikutin ko PERO WALA AKONG NAKITANG ASO!
Doon nako medyo kinabahan, hindi ako masyado nagsasalita hanggang sa malapit na kami sa bahay nila, nung malapit na kami sa bahay nila di ko na mapigilan sabihin sa misis ko.
Me: nakita mo yung aso na nakasalubong natin?
Misis: oo
Me: nakita mo na pumunta sa basurahan?
Misis: oo nakita ko
Me: nawala! Parang naging pusa!Pareho kaming kinilabutan siguro dahil pareho kami ng iniisip na dahil buntis sya, di na nakapag salita misis ko habang binubuksan ko ang gate. PERO YUNG KILABOT KO NAPALITAN NG TAKOT SA SINABI NYA!
Misis: sino kaya nakaburol sa multi-purpose?
Me: huh!? Anong nakaburol? Wala naman tao ah (again, walang ilaw at wala akong nakitang tao nung sinilip ko pag daan namin, bigla nakong kinabahan nito)
Misis: meron! Maliwanag sa multipurpose tapos may mag ina (nanay at batang lalake) pareho silang may hawak ng nakasinding kandila, NAKATINGIN AT NAKA NGITI sila satin nung sumilip tayo.📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.