PORTAL

699 14 1
                                    

PORTAL

Nagkaroon kami ng 7 days seminar sa Baguio noong March 2009 kasama ang ilan sa aking kaibigan. Ang tinuluyan namin doon ay harap ng gumuhong hotel, gumuho dahil sa naganap na malakas paglindol sa Baguio at marami pa raw ang nalibing ng buhay doon at hindi na natagpuan. Sa silid na napunta sa amin ay may 8 magkakahiwalay na kama at ang napunta sa akin ay kamang nakatapat sa isang lumang salamin. Nakiusap pa nga ako sa isang kasama ko na pagtabihin namin ang kama namin ngunit ayaw nya dahil nakadama ako ng takot.

Tapat nga ng salamin ang kama ko, napanood ko kasi yung Mirrors na movie at nakakarinig pa ako ng horror stories sa Baguio. Kinagabihan, natulog ako na nakatalukbong ng kumot at nakikinig ng music through earphones. Bakit ganoon? Umiiyak na babae ang naririnig ko na sumasabay sa pinapakinggan ko? Tinanggal ko na lang ang earphones at pilit kong pinapaniwala sarili ko na wala lang yun. Maya maya may humihila sa kumot ko kayat hinawakan ko nang mabuti pero dama ko na pilit nyang hinihila.

Maya maya nakarinig naman ako ng yabag, eh wala namang naglalakad sa room namin. Kinabukasan tinanong ako ng kasama ko kung nakatulog ako ng maayos nung gabi, sabi ko hindi gaano. Tinanong ko sya kung bakit nya tinanong yun. Sabi nya may nakita daw sya na nakaputing babae na tumabi sa kama ko at nakatapat sya sa salamin. Nalaman ko na may third eye pala sya at may ilang kaluluwa na umiikot sa silid namin. Baka yun daw ang mga yabag na narinig ko. 

Anna




📜Spookify
▪︎2016▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon