Basang Paa

22 1 0
                                    

"𝐁𝐀𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐀"

This is based on a true story.

We live in a province— in a town wherein 7 PM is already late na wala na ilaw sa mga daan; where you have to travel for an hour or two para makapunta sa sentro and other malls.

Naalala ko lang yung mga kwento ng mga naging kasambahay namin dahil tag-ulan na naman at wala na namang kuryente. August 2014, almost 3 days na walang kuryente kaya't madilim, at tahimik pero malamig ang paligid. Two floors po yung bahay pero nakasindi lang mga kandila namin tig-isa sa living room at sa kitchen since wala naman umaakyat sa taas pag walang kuryente dahil mas mahangin sa baba puro kahoy at bonding narin namin na lahat kami magkakasama sa sala (buong family at yung dalawa naming kasamabahay.) Nag lalaro lang kami ng pagalingan sa shadow shadow gamit yung ilaw ng candle, o kaya maglalaro nalang kami ng puso'y dos at kung anu-anong card games.

Lima kaming naglalaro at habang naglalaro kami ng puso'y dos, napatulala yung kasambahay namin eh time niya na para maghulog ng card.

"Ikaw naaa!" sabi ng ate #2 ko sakanya

So nagbaba na siya ng card na parang nawala sa sarili. Napansin rin namin na di rin nagsasalita yung pinakamatanda naming kapatid na tingin ng tingin sa hagdan. Kesyo ang iingay namin kasi talo na naman yung bunso naming kapatid.

Gabi na. Di mapakali yung ate ko at yung kasambahay namin. Kinausap rin nila sina papa at mama. Agad-agad umakyat si Papa sa taas para magcheck kung may nabuksan daw bang windows baka raw pasukin kami ng tubig. Bumaba rin agad si Papa at sabi "wala naman." Sabi ng ate ko "meron nakita ko umakyat mabilis"

"Pano makakaakyat e dalawa lang dadaan papasok ng bahay (sa may living area at sa likod ng kusina)" tugon ni Papa

"Sir rinig ko rin po basa yung paa niyang umakyat" sabi naman ng kasambahay namin

*inilawan ni papa yung hagdan* may parang tubig na maliliit nga sa hagdanan. Imposibleng tulo lang ng tubig yun kasi 18 steps ata yung hagdan at lahat nun may small droplets.

"Parang nagmamadali po" dagdag niya

Natakot narin kami. Syempre si papa ayaw dagdagan yung takot na namin kaya nirevert nalang niya agad sabi kumain nalang para matulog na shortly. Prepared na foods. Nasa harap na kami ngtable lahat. Magsstart na kaming kumain nang biglang tumayo yung kasambahay namin.

"Meron na naman po. Natawa pa"

"Kung ano-ano naman! Kain lang kayo" -Papa

Nung una pinagtawanan lang namin kasi sinasabi "kakapusoy dos naten yan" o kaya "linisan mo na raw kasi yung ihi ng multo sa hagdan" pajoke pa sinasabi. Almost after eating, biglang may kumalampag sa hagdan.

IBANG IBA YUNG TAKBO LANG SA TUMATAKBO NA BASA YUNG PAA. RINIG NA RINIG KO RIN YUNG BASA MGA PAA NA TUMATAKBO AKYAT PABABA SA HAGDAN PERO WALA AKO NAKITANG TAO.

Kinilabutan nalang kami. Inopen up ng kasambahay namin in the morning, hindi lang minsan niya narinig yun at may anino sa pintuan kita sa hallway ng 2nd floor pag umuulan. Wala naman na ako naririnig sa mga bagong kasambahay namin. Nagkaroon kami siguro ng 8 na kasambahay na umalis ng bahay and they all have the same complaints:

"𝐁𝐚𝐬𝐭𝐚 𝐦𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐮𝐥𝐚𝐧, 𝐥𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐛𝐚𝐛𝐚𝐞𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐦𝐚𝐭𝐚𝐰𝐚 𝐚𝐭 𝐭𝐮𝐦𝐚𝐭𝐚𝐤𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐬𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐲 𝐡𝐚𝐠𝐝𝐚𝐧𝐚𝐧"

"𝐁𝐚𝐬𝐭𝐚 𝐦𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐮𝐥𝐚𝐧, 𝐥𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐛𝐚𝐛𝐚𝐞𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐦𝐚𝐭𝐚𝐰𝐚 𝐚𝐭 𝐭𝐮𝐦𝐚𝐭𝐚𝐤𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐬𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐲 𝐡𝐚𝐠𝐝𝐚𝐧𝐚𝐧"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon