Same sh*t af

173 4 0
                                    

Same sh*t af

"Hi admin at avid readers ng spookify, perstaym ko lang mag share ng stories dito, nakarelate kasi ako sa sender nung ""Wi-Fi"".

Naiwan akong mag isa noon sa bahay dahil may pasok mga kapatid ko sa school at ang magulang ko nman ay nasa ibang bansa.

Day-off ko noon kaya washday muna ako. binuksan ko ang radyo sa sala para makinig ng mga tugtugin (Ang labahan at sala namin magkalapit lang). So habang nagkukusot ako ng mga damit ko ay bigla nalang lumakas ang volume, edi nataranta ako at dali-daling nagpunta ng sala para hinaan. bumalik kagad ako para kusutan  ang mga nilalabhan ko ng biglang namatay ang radyo, akala ko baka nag loko lang pero pagbalik ko ng sala ay nakatanggal na ang plug ng radyo. kaya laking pagtataka ko noon kung paano natanggal 'yon, pero binalewala ko na lang dahil ayaw ko namang takutin ang sarili ko noon. edi bumalik ulit ako sa ginagawa ko at biglang na namang lumakas ang volume ng radyo. kaya pumunta ulit ako ng sala para hinaan, nung malapit na ako biglang namatay ang radyo.

Pagkatapak na pagkatapak ko sa sala kitang kita ko yung nilalang na 'yon (Isang batang babae na may mahaba, kulot at gulo-gulong buhok, mahahabang kuko sa kamay at paa, kulay punong kahoy ang mga balat (Katulad mismo ng dinescribe nung sender ng ""Wi-fi"") ).  bigla syang napatingin sa akin at nanlilisik ang mga mata na animoy nagbabaga ang mata at nag tilt ng kanyang ulo habang nakikipagtitigan sa akin, nanigas ako sa aking kinatatayuan. hawak hawak niya ang plug ng radyo namin at akmang isasaksak ulit ang plug ng radyo, doon na ako nahimasmasan at bigla akong kumaripas palabas ng bahay.

Wala akong pake noon kahit na sobrang lakas nang volume ng radyo kahit na bulabog na sa mga kapitbahay, at wala rin akong pake noon kahit na naka boxer shorts lang ako habang tumatakbo. dali-dali akong nagpunta sa bahay ng tito ko, at nagpasamang bumalik ng bahay. kinwento ko ang nakita ko, pero pagbalik namin sa bahay. patay na ang radyo at bukas na ang t.v. at lahat ng ilaw sa bahay. "

Kuya



📜Spookify
▪︎2016▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon