BABALA NG MGA ELEMENTO
Hi guys. Silent reader here. Just want to share this story of mine. Di ko talaga sya makalimutan dahil first time kong naramdaman yung sobrang takot na parang mamamatay na ako. Sana mapost po ito. TIA!
Date: January 20, 2016
Time: Around 10:45pm to 2am
Location: Tanza, CaviteWala kaming magawa ng dalawang tropa ko at ng boyfriend ko. So para makapagsaya naman at masulit ang vacation leave ko eh niyaya ko sila mag night swimming somewhere in Naic. Around 10:40pm, umalis kami ng bahay. Ako at yung boyfriend ko naka single na motor, and yung dalawang tropa ko nakatricycle kasi sila yung may dala nung gamit namin. We decided na sa Palayan/Rough road dumaan, para mas madali kaming makarating ng Naic. Dahan dahan lang yung patakbo ni boyfriend dahil rough road nga at baka di agad makasunod yung tropa. Habang nagmamaneho, may nakita kaming sinisigaan na mga tuyong damo. Nagtanong sya kung sino daw kaya nagsiga eh wala namang malapit na bahayan dun at wala ng dumadaan dun ng ganung oras.
Paglagpas namin ng kaunti, biglang kumabig yung manibela pa-kanan kaya natumba kami. Ramdam namin parehas na parang may humila sa motor. Nagalit pa ako sa kanya kasi akala ko binitawan nya yung manibela kaya nawalan sya ng kontrol, pero di naman daw sya bumibitaw. Narinig namin yung boses ni Josh at Nard na sa mismong likod namin pero paglingon namin wala pa sila. 3 to 5 minutes pa bago sila dumating. Tinanong ako ni Josh kung bakit kami tumigil at bakit mukang badtrip ako, sabi ko natumba kami. Tumawa sila pero tumigil din nang biglang may umigik na baboy sa likod namin. Hinanap nila kung meron bang baboy sa paligid pero wala silang nakita.
Dahil matigas ang ulo namin, tumuloy pa rin kami. Nasa dulo na kami ng rough road pero bumigat yung pakiramdam ko. Na parang magkakasakit ako na ewan. So sabi ko sa kanila, na umuwi na muna tayo at next time na lang tumuloy.
Nauuna kami ni boyfriend so ako lingon ng lingon sa likod para makita kung nakakasunod ba yung dalawa. Pero paglingon ko sa kanan, may nakita akong isang malaking aso sa mismong palayan. Napaisip ako na parang ang weird kasi nasa mismong palayan sya, edi masisira yung tanim. Pero nagulat ako ng unti unti syang nagform ng tao, at tumayo. Kulay itim lang sya at nanlilisik ang mata.
That time sabi ko sa boyfriend ko na bilisan na nya dahil gustong gusto ko ng umuwi. Paglingon ko ulit, malapit na samin sila Josh at Nard, kaya sabi ko yan na pala sila eh bilisan na natin. Pero di nagsalita si boyfriend.
Nung pabibilisin na nya yung takbo, ramdam na ramdam ko na biglang parang may umangkas sa likod namin at ramdam ko na yung ulo nya nakapatong sa balikat ko. Hindi ako makagalaw that time. Gusto kong sumigaw pero di ko magawa. I cried. Sa sobrang takot, yumakap na lang ako kay boyfriend ng mahigpit at nagdasal. Pagdating namin sa bahay, di muna agad kami pumasok. Nag usap usap muna kami sa terrace. Pero mas lalo akong kinilabutan sa sinabi ng boyfriend ko.
Boyfriend: Di ko na sana ikukwento sayo to, baka kasi lalo kang matakot. Pero kailangan mo din naman maging aware dito. Yung pinagtumbahan natin kanina, malapit dun sa may siga, dun tinapon yung babaeng pinatay at sinunog. Nakita ko syang nakatayo malapit sa pinagtumbahan natin. At yung sinasabi mong malapit na si Josh at Nard satin, hindi sila yun. Hindi ka ba nagtaka, ang liwanag nung ilaw ng tricycle na malapit satin kanina. Halos sakop yung daan pero tingnan mo yung tricycle na gamit nila, hindi maliwanag ilaw nun. Tsaka tiningnan ko sa side mirror pero wala akong makitang nakasunod satin na tricycle. Naramdaman ko rin yung umangkas satin. At tama iniisip mo, nakapatong sa balikat mo yung ulo nya.
Tinanong ko sila Josh kung kasunod ba namin sila. Pero sabi nya malayo daw sila samin kasi umihi pa sila. Akala nga daw nila binilisan namin takbo kaya nawala agad kami. Nung papasok na kami, biglang may nagsalita "Nandyan na sila, halika na" pero tiningnan namin kung may tao pero wala.
The next morning nabalitaan na lang namin na may naaksidente sa place na pupuntahan sana namin, isang motor, isang tricycle at isang kotse ang nagsalpukan. Dun narealize namin na binalaan or hinadlangan lang nila siguro kami para di na kami tumuloy.
Sorry kung super haba. Salamat sa pagbabasa ang hope talaga na mapost to. Thank you guys and spookify!
rara
📜Spookify
▪︎2016▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.