Eye Contact
Gayuma ba kaya? I was wondering if ever may naka experience na nito. Lalo na sa mga babae.
Hello po. Skl po sana yung na experience ko noon when I was still in high school. Di ko alam ano tawag dito pero it all happened sa isang fiesta sa kabilang baranggay namin but super lapit lang sa amin. From davao po pala ako. Di ko na lang po imemention saan exactly kasi parang in general naman yung nangyari kasi it can happen to you anywhere or any places specially sa mga girls.
So ayun nga, fiesta sa kabilang brgy. During that time, uso pa ang mga disco disco at night market etc etc. Yung pinsan ko ininvite niya ako mag disco, fiesta din kasi sa kanila. So ayun, as a normal teenagers would do, bumili kami ticket para makapasok sa gym. We met with our friends but hindi kami uminom ng alak. So okay na okay ako that night. Hjndi lasing or intoxicated.
FF, hindi po ako magaling sumayaw kaya sumasabay lang ako sa tugtog. Finefeel ko lang yung vibes ganun ganun lang. 😁 We were in a circle of group, magkakilala lang na sumasayaw, purong good vibes lang tawanan habang sinasabayan ang tugtog saka ko napansin na yung pinsan ko lumipat ng spot kasama mga friends niya na familiar faces pero di ko ka close. So hinayaan ko lang sya. While me, kasama ko pa din yung mga friends ko sa isang circle. Then it all it happened too quickly.
I saw this man who's staring at me. Madiin yung pagkakatingin niya sa akin na kala mo kakilala mo. But nothing weird about his face. May itsura, maamo ang mukha at naka smile sa akin pero yung mata niya sobrang titig sa akin. Sa naalala ko pa, parang nagspasparkle yung mata niya i don't know kung sa disco lights ba yun or what.
Then ito na nga. I don't know and I can't really remember paano nangyari na magkatabi na kami sa loob ng gym. Hindi ko naman kilala yung lalaki. And ako po yung tipo ng tao na hindi sumasama bigla kahit kanino na di ko po kilala. While writing this po, I am still confused what happened that time kasi ito lang po yung naalala ko. Then FF, again sa na remember ko hawak na niya kamay ko. Weird thing is hindi sya nagsasalita. Tapos ako po ay sumusunod lang sa kanya. Di pa natatapos ang disco that night isinakay na niya ako sa motorsiklo niya. It was really creepy to think na sumama lang din ako without knowing why...
As I can remember, dinala niya ako sa malayong lugar. Ni hindi ako pamilyar sa lugar na yun. Huminto kami sa sobrang dilim na kalsada saka lumiko papasok sa may maraming puno ng saging. Sa dulo may isang kubo, then pumasok kami saglit dun tapos may isang lalaki syang kasama na nagising. Nag usap sila saglit ng pabulong habang ako ay nakaupo lang sa isang maliit na bench na gawang kawayan.
Tapos nun hiniwakan nya ako sa wrist tsaka hinila papunta dun sa sa isa pang kubo mas maliit kumpara dun sa isang bahay. Sa di ko malaman na dahilan ng papasok na kami dun sa maliit na kubo nakita ko na may maliit na higaan. Napahinto ako bigla. Pinapapasok niya ako pero dun na ako parang nabuhusan ng malamig na tubig. Bigla biglang nag sink in sa isip ko kung bakit ako nandito? Saang lugar to? Kung sino siya at bakit kasama ko siya... Para akong naalimpungatan at nagpapanic na ako deep inside. Magkahalong takot at pangamba na ang nararamdaman ko that time kase may pakiramdam na ako kung ano ang mangyayari sa susunod. 🥲
Then next, pinipilit niya pa din ako na pumasok sa loob ng kubo habang tinuturo yung higaan pero nagmakaawa na ako sa kanya na gusto ko ng umuwi. Mind you, out of fear tumakbo na ako papalayo at humanap ng daan palabas basta may mahanap lang ako na way out or kalsada at makaalis dun sa lugar na yun sobrang pasalamat ko na. Indeed, I was saved. Thru prayers, kahit sobrang dilim ng daan nakalabas ako sa may kalsada. It was around 2 or 3 am na that time sa tantya ko. Wala na masyadong sasakyan or motor. So nilakad ko yung kalsada without knowing where to go kasi hindi ko tlaga alam yung place kung saan ako dinala. I was lucky, may isang lalake na naka motorsiklo at Pinara ko siya tapos mabilisang inexplain ang nangyari. He was shocked kasi dis oras na ng gabi eh nasa labas pa daw ako. Saka niya ako pinasakay at ako sinabi ko kung saan ako uuwi. Nabigla pa sya kasi ang layo daw ng bgry na yun.
So nakauwi ako almost 5am na. Dun muna ako dumeretso sa house ng pinsan ko. Sobrang nagtaka siya bat daw ako biglang nawala eh malapit lang naman kami ng spot sa loob ng gym. Kwinento ko agad ang nangyari at sobrang thankful ako kasi buhay at safe akong nakabalik.
About sa nangyari di pa din ako sure paano yun or anong tawag dun basta thru eye contact nangyari ang lahat and I can still remember his creepy face after it happened. It was the last time na din na lumabas ako para mag gala tuwing may fiesta. Never ko po itong binanggit sa parents ko dati at ibinaon ko na lang sa limot kahit takang taka ako. Isang miracle rin talaga na maituturing na walang masamang nangyari sa akin like na r@ped or worst is de@th. 🙏
Kaya to all girls out there, be safe always. We don't know what will happen next, so always PRAY. Thank you for your patience reading this and God bless this group. Thanks admin.
📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.