Prophetic Dreams

34 1 0
                                    

Hello, posting my entry for this question. Sharing anonymously nalang po muna kasi kasama dito sa group ang mga kaklase ko noong college at high school. 😅

Lagi akong nagkakaroon ng prophetic dreams, pero hindi katulad ng kay Jay Costura. Pero ang ishe-share ko lang po ngayon ay ang experience ko tungkol sa aking mga exams.

Masipag akong mag-aral noon, at laging nasa first section, pero may mga times na nawawalan ako ng oras magreview. Kaya ang nangyayari, napapanaginipan ko ang mga exams. Hindi ang mga sagot kundi ang mga tanong o ang exam paper at ang mga topic na dapat basahin. Isang instance ay noong kumuha ako ng units post-grad, nag-aaral ako habang nagtatrabaho ng night shift. Sa sobrang antok ko noong exam day, hindi ako nakapagreview. Nakatulog ako 4 hours before exam.

*cue panaginip*
Nasa class room ako, kasama mga kaklase ko at ang professor namin for that subject. Nasa kamay ko ang notebook ko at nakita ko na walang laman. Kinabahan ako dahil exam na pala namin yun at wala akong nasagot. Habang nagsisilabasan ang mga kaklase ko, napansin ko na nakatitig si prof sa akin. Lumapit ako at humingin ng pasensya dahil wala akong nasagot sa exam.
sabi niya,"'wag kang mag-alala, may oras ka pa." sinabi niya 'to sa akin habang inaabot ang highlighter na kulay pink. Kinuha ko ang highlighter pero nagtataka ako kung para saan yun, pagbalik ko ng tingin sa professor ko, wala na siya, itim na rin ang paligid at bigla akong nagising.

1:45pm, nagising ako at nakita na kung aalis ako ngayon makakarating ako sa school ng 2pm at may 30 mins ako para pumunta sa library at makapagreview. nakatulog akong suot pa anda damit noong nagtrabaho ako kaya tshirt nalang ang pinalitan ko at umalis na ako.

2:11pm, nakarating ako sa library, "Ma'am, may libro po ba kayo ng *subject* ?"
Librarian 1: Nako, wala na. Hiniram na lahat ng kaklase mo. Makireview ka nalang sa kanila.
Librarian 2, na nag-aayos ng mga libro sa shelves: Swerte mo ah, meron dito o, isa nalang.
Inabot niya sa akin ang isang lumang libro.

2:15, ay sh*ta, 15 minutes to review. Pagbukas ko ng libro, may mga naka-highlights. PINK HIGHLIGHTS. Naalala ko 'yung panaginip ko at inaral ko lang yung mga naka-highlights.

2:30, tumatakbo ako sa hallway, at naabutan ko si prof na naglalakad. Sinabayan ko nalang siyang maglakad. "Prepared ka na ba sa exam?" Tanong niya. "Sana po," medyo kinakabahan, pero si prof ngumiti lang.

2:40, nagstart ang exam, humingi ako ng malalim at tinignan ang exam papers. Lahat ng naka-highlights ang nasa sa exam.

Minsan napapaisip ako kung cheating 'yung ganun pero hindi ko kasi ma-control.


📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon