Hotel sa BGC

16 1 0
                                    

*Long Post

Hi! Newbie here.

Would like to share po yung experience ko sa isa sa pinakamahal at magandang hotel sa BGC.

Im a probinsyana from the City of Love. And since nagtransfer po ako ng work, we were sent to Taguig for a training. 2 weeks po yung training. Dalawa lang po kmi ng friend ko from Visayas area -- tawagin nlg po natin syang 'Ninong' (nickname po nya).

Nong dumating po kami sa hotel, si Ninong mag isa lang sa room nya. Ako naman po may ka roommate from Luzon area. First night palang po nanotice na ng roommate ko na yung painting is weird. Para syang nakatingin sayo but the painting po is para syang kwago. So yung ginawa ko is inadjust yung curtains na kita talaga yung view sa labas para pampalubag ng loob. Fast forward po tayo. Nong 3rd day, yung isang kasama (Officer) namin sa training na nagst-stay rin sa same hotel nagshare po na tuwing madaling araw may mga naririnig syang tunog ng martilyo, na para bang pinupokpok daw yung wall nya. Then next day madaling araw ulit, ingay na naman daw po ng family. So she assumed na may katabi lang syang family na nka checkin dn sa hotel that time.

Night non around 9pm iyak ng iyak yung roommate ko. Kaya kinausap ko sya asking why she kept on crying. She said na bumalik na nman yung sakit ng mama nya and now confined sa isang hospital. I encourage her na umuwi nalang muna and icontinue nalang yung training once okay na ang lahat. I messaged our trainer night na yon informing sa situation ng roommate ko. So to make it short, umuwi sya sa knila para samahan mama nya sa hospital (RIP -- pumanaw na po yung Mama nya).

Next day non, nagshare si trainer namin na mag pause muna sa training si roommate ko due to her mother's condition. Yung officer na nakakaramdam ng ingay tuwing madaling araw nag offer po sakin na baka gusto ko pong magstay muna sa room nya since hindi pa dumarating yung roommate nya na officer din. But I declined it po dahil nahihiya ako. Not knowing that time na natatakot na pala sya sa room nya matulog alone.

No'ng night na yon, ako nalang mag isa sa room namin dahil umuwi na si roommate ko. Ginawa ko is, trinansfer ko yung mga gamit ko at linagay sa kama nya. (Mejo mabigat kase pakiramdam ko sa room). *Malaki po yung room. Deluxe suite room po.

First night na mag isa po ako sa room, hindi ako nakatulog. I waited na mag sunrise talaga then mag idlip. Hanggang sa same routine every night. Nagp-play lang po ako ng Christian songs to calm myself. Until, around 1am nagising ako sa tunog ng martilyo na para bang may pinupokpok sa kabilang room kaya tumawag ako sa front desk.

Non Verbatim:
Me: Hi Sir! Good eve. May I know please if I have neighbors po ba dito sa area?
Receptionist: Hello Maam, good eve! Bakit po maam? May nangyari po ba?
Me: Ahh wala naman po Sir. Just asking lng po kasi may naririnig akong ingay.
R: Wait lang po maam ha. Check ko po.
*After around 3mins
R: uhmmm maam, bakit nga po ulit? *parang curious na nahihiya/natatakot voice
M: nothing po. Just asking lang naman.
R: Meron po maam. Residence unit na po yung iba jan.

Bumaba ako ng GF at nagtambay nlg sa harap ng Front Desk hanggang sa nawala na yung takot ko. But before non, i checked the door ng katabing room ko kung san nanggagaling yung ingay, SIRA PO YUNG DOOR KNOB. Walang doorknob na pwedeng itwist to open. Naka tape pa yung doorknob portion.
_______
Pagka next night ulit, while playing Christian songs nakatulog po ako. Then nagising ako around 3am (checked my phone) dahil narinig ko yung buhos ng shower na sobrang lakas. Akala ko po una nananaginip lang ako kasi paano ko ba naman maririnig yung ingay ng shower ng kabilang room eh sobrang kapal ng wall. Kaya bumaba ako ng kama and check the CR to make sure na hindi sa room ko galing yung buhos ng shower. After I opened the door, nawala yung tunog ng shower. Doon na po ako lalong kinabahan. Volume up agad ako ng bluetooth speaker at bumalik sa kama. *May alarmclock/bluetooth speaker po yung hotel.

Everynight, hindi talaga ako natutulog. Until isang gabi ulit around 9pm nag plan kming magka-samehotel trainees na kakain sa labas. Around 8, tinatamad pa akong magprepare kaya humiga muna ako sa kama while chitchatting ky boyfriend na gsto ko na talagang umuwi kase nga natatakot nakong mag-isa sa room until may nag-knock ng door. Dali dali naman akong bumaba ng kama at lumapit sa door. Tiningnan ko yung peephole (yung hole sa door para makita yung nasa labas), WALA PO AKONG MAY NAKITANG TAO. Syempre kinabahan na ako. Nong patalikod na ako sa door, biglang continuous na gumagalaw yung doorknob ko na parang pinipilit na buksan. Kusa talaga syang gumagalaw. Kaya nilapatan ko lalo yung pintoan then nag knock ng sobrang lakas while shouting na 'WHO'S THIS PLEASE?' Biglang natigil yung pag galaw ng doorknob. Dali dali kong binuksan yung door and check kung may tao ba but i saw nothing. *makikita mo talaga ang hallway if may tao ba o wala since hindi gaanong malapad yung area. Dali-dali kong nilock yung door, double locked talaga & tumawag ako ng front desk.

Non verbatim:
M: Sir, good eve. Room **** ulit. May I know please if may neighbor po ako? (This time ibang receptionist yung sumagot)
R: Good eve maam. Bakit daw po maam? Let me check po ha.
M: Sir, please check nalang po please if may kasama po ako sa area nato.
*Heard na nag-uusap sila ng kasama nya sa Front Desk. Na para bang naghahanap ng ireason para kumalma ako. Natataranta na talaga ako time na yon.
R: Maam, may nangyari po ba? Checking pa po
M: ganito nlng sir, please check po if may pumunta sa floor nato ha. Kanina may kumatok po ng door ko nong lalapitan ko na, nawala. Nong aalis na sana ako bigla ng kumakalas yung door knob. Tiningnan ko walang tao. Last night ang ingay dn ng area. *mejo irritable na natataranta na po yung boses ko dito
R: maam, sorry for the incovenience po but check nalang po namin sa cctv po maam.
*heard na kinausap ulit yung kasama nya. nakalimutan takpan yung mic area ng telephone.

Tinawagan ko nalng yung co-trainees ko na kumain sa labas para makaiwas sa room. Nong morning na, shinare ko nato sa mga kasama ko kase diko na kaya talaga. Don ko lng nalaman na yung mga officer kong kasama may nararamdaman din pala sa room nila.

Nong last night na namin sa hotel kase 4am pa yung flight pabalik ng province, we decided na lalabas para maghanap ng unique resto. Call time was 9pm. So around 7:30pm nagprepare na ako. Lahat kong gamit at pasalubong linagay ko na sa maleta. Only the OOTD for dinner and next day yung nakaseparate. So while nagpaplantsa ako ng damit, I have this creepy feeling na para bang may nakatitig sakin. I disregard it. Until natapos kong plantsahin yung pang dinner clothes ko. Believe it or not, may nakita akong naka white na babae nakatayo near sa door ng room ko but mejo naka sideview sya. Yung position ng body nya is nakaharap sa CR na way. Nanlamig ako time na yon. Kilabot lng talaga yung nararamdaman ko until nawala sya sa paningin ko. I immediately call my colleague from Visayas area about sa nakita ko. Nanginginig yung buong katawan ko while explaining sa nangyari. He decided nalang na kumain kmi ng dinner sa labas then babalikan nmin yung gamit ko sa room para magdirect na sa airport. Dali2 akong lumabas with my wallet alone. Around 9:30 we went back sa hotel, and check out na. Nagwonder yung sa front desk bakit daw nagmamadali kmi and parang kabado. I disclosed the reason but nag-nod lang yung receptionist at walang comment. So I assumed na there's something talaga sa room/area na yon.

Don na kmi natulog and hintay sa airport hanggang 4am ng kasama ko. And I promise to myself na hinding-hindi na talaga ko babalik sa hotel na yon--ever!

PS, ako lng yung my room sa 18th flr. Yung mga kasama ko sa 10th and 12th floor lng.




📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon