Creepy Office

13 1 0
                                    

Hello Everyone! Gusto ko lang sana ishare yung isa sa pinaka nakakatakot ko na experience sa office namin way back 2016.

Bata palang po ako marami na akong experiences sa mga ganito, most of the time nakikita ko lang po sila pero hindi ko po sila naririnig.

Isa akong retired seaman, nung nagsisimula palang ako sa journey ko bilang isang seaman, part nang journey ko is maging "utility" or "apprentice" sa office. Na assign ako sa Multimedia Department kasi meron akong konting skills sa photoshop.

Fast forward, Friday Night nung umalis na yung mga staff sa loob nang Multimedia Office, around 10PM na ata yun Patay na lahat nang Ilaw sa hallway, ibang floors at ibang rooms ang tanging ilaw nalang na naka bukas is yung nasa elevator na nasa harap nang pintuan nang office namin pero medyo malayo. Take note nasa second floor kami at wala nang ibang tao maliban saakin at yung mga security guard sa lobby na nasa ground floor.

Yung office namin nasa Quirino Ave yung ppuntang Manila Zoo.

Part nang duty ko is to Wax the Floor at Ipolish eto every friday night. Natapos na akong mag floorwax at kinuha ko na yung Polisher sa Maintenance Room, binuksan ko na yung pintuan para hindi ako ma suffocate sa amoy nang floorwax. Nasa kalagitnaan na ako nang pag popolish, medyo may ibang feeling nako nararamdaman pero hnd ko na pinapansin kasi nagmamadali nako since mag 11 na nang gabi.

Naka talikod ako sa pintuan, Nung tumalikod ako to check kung ganu pa kalawak yung ipopolish ko, (TUMATAYO BALAHIBO KO HABANG TINATYPE KOTO KASI I CAN STILL SEE HIS FACE) May lalaking naka tayo sa tapat nang pintuan nang office namin, hindi ko sya mamukhaan kasi patay yung ilaw, yung tanging nakikita ko lang is yung damit nya na parang parehas sa mga Detective sa Movie tapos yung mata nyang kulay pula. Yes po, Kulay pula po.

Natulala ako, nagtinginan kami for almost 5 seconds. Hindi ako makagalaw, di ko alam gagawin ko pero bigla akong nakaramdam nang takot at binaling ko yung tingin ko sa polisher at tumingin ulit ako, nung pagtingin ko ulit naglalakad na sya papunta sa CR sa hallway. Naglakas loob ako kasi nniniwala ko na if mas mas matapang ka sa kanya hindi na sy magpapakita. Lumabas ako nang office at sinundan ko yung pwede nyang daanan pero pinapaandar ko yung ilaw. Sumisigaw ako, "Sino andyan? Sino ka? May kailangan ka?" Walang sumagot at wala akong nakita. Dali-dali akong bumalik sa office, huminga ako nang malalim at nagdecide na umuwi nalang. Pinatay ko nalang yung main breaker sa office at tumakbo pababa nang lobby. Nakita ako nang guard namumutla, tinanong ako nung guard kung anong nangyari pero tumakbo nako papuntang Taft Ave.

Monday morning, pumasok na ulit ako sa office. Dumating na yung mga staff, tinanong ko yung dalawang staff na babae na ka close ko if meron silang nararamdaman dati if nag OOT sila, tumayo yung balahibo nung sinabi nila na meron usually daw nasa conference room naglalakad. Next ko na tinanong yung overall na Janitor sa office si Kuya Jorge, tinanong ko sya if meron syang nakikita sa building if naglilinis sya. Mas lalong tumayo ang balahibo ko nung diniscribe nya yung nakikita nya, take note hnd ko pa sya sinabihan kung anong nakita ko pero nung binanggit nya yung nakita nya. Same na same sa nakita ko at sabi nya hnd naman nang aano bigla nalang daw aalis at maglalakad.

Bumalik ako sa office na medyo may takot, dinagdag pa nang staff, Sementeryo daw dati yung kinatatayuan nang office namin.

Meron pa akong isang experience pero sa susunod ko ishashare pag meron time ulit mag type! Happy Monday po, sana natakot o nag enjoy kayo sa experience ko.


📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon