Ghostly Desire

15 1 0
                                    

"Ghostly Desire"

Just want to share our (me, my husband & my son) experience.. May kahabaan po ito kaya sana may magtyaga magbasa. 🫢

Way back 2011 around July, I travelled all by myself papuntang Legazpi, Albay to visit my boyfriend (now my husband) kasi LDR kami. He's originally from Masbate and I'm from Nueva Ecija. Napakawrong timing nang punta ko doon kasi naabutan ako ng malakas na bagyo sa byahe. I travelled via bus lang kasi di afford ang plane. Nastranded ako for hours. Basta yung experience ko na yon ay isa din sa mga nakakatakot because I'm all by myself stuck sa lugar na hindi ko alam, no electricity, no signal, palowbatt na rin ako. May matandang lalake na nagmamagandang loob na patuluyin ako sa kanila, dun daw ako kumain at magpalipas muna ng gabi. Basang basa na ako non sa ulan tapos buti nakahanap ako ng maliit na karenderya. Ewan ko, bakit parang natakot ako sa matanda. Mainam na rin mag-ingat. Nasa lugar ako na hindi ko alam pati ang dialect kaya nagdoble ingat talaga ako. Di bale nang dun ako abutan ng umaga sa karenderya kesa sumama sa hindi ko kilala. Pano kung mamaya ako na pala ang ihahapunan nila? Chariz. Fast forward na natin kasi medyo hahaba pang lalo.

I stayed there for 5 days. All is well. Masaya syempre until it's time to say goodbye to each other again.

Nang makauwi ako dito sa Nueva Ecija, doon na nagsimula yung mga weird na pangyayare. The day after kong umuwi, tumawag sakin yung isa kong kaibigan which is one of my friends na nakilala yung boyfriend ko (pumunta na rin kasi siya dito and nameet na niya yung ilan sa friends ko personally). Tumawag siya at sinabing ang weird daw ng panaginip niya kasi nakita daw niya ako sa kalsada, dressed all white, and nagteteleport daw ako palapit sa kanya. Hindi ko pinansin yung kwento niya and inisip na lang na bad dream niya lang yun until nagkita kita kami ng friends ko and lahat sila, napanaginipan yon. The same scenario. Ako, naka all white, nagteteleport palapit sa kanila. Apat silang nagkwento noon kaya dun na ko kinilabutan.

After a month, nagpasya na kaming magsama nung boyfriend ko at dito napiling manirahan sa Nueva Ecija. Nung araw na pagdating niya dito, nanaginip ako na may hawak na mga pictures ng boyfriend ko na may kasamang babaeng nakaputi na kamukha ko. Like what my friends described. Ako daw pero parang may mali. Hindi ko na lang ulit inisip pa dahil medyo natatakot na ako nun.

One day, binangungot yung asawa ko. Sabi niya, may babaeng pumapatong sa kanya at hinahalikan at dinidilaan yung buong katawan niya. Babaeng nakaputi na kamukha ko daw pero mahaba ang dila. Mabuti nalang daw at ginising ko siya dahil parang nawawalan na daw siya ng lakas. Parang hinihigop daw siya. Natakot na ako non pero wala naman akong mapapagtanungan nang nangyayare sa amin. Kung ikkwento ko din sa iba ay sasabihin lang din na wala lang yon. Na coincidence lang lahat. Baka walang maniwala sa akin, sa amin.

After a year, nanganak na ako sa kaisa-isa naming anak na lalake. Tandang tanda ko pa, 1 month after ko manganak, yun yung isa sa pinaka nakakakilabot na nangyare sa amin. Nakahiga kami sa foam sa lapag. Yung pwesto nang cabinet ay nakaharap sa higaan namin. Patulog na kami nang biglang narinig kong lumangitngit ung pinto ng cabinet pabukas, pedo maliit lang ang pagkakabukas kaya nasa isip ko baka hinangin lang. Maya-maya ay nanginig ang asawa ko. Nakatalukbong siyang nanginginig mula ulo hanggang talampakan. Takot na takot at hindi makapagsalita. Inakap ko siya para itanong kung bakit pero sinasabi niya lang ay "ayoko! Ayoko!". Tatayo sana ako at bubuksan ang ilaw pero nakaramdam ako na may lumalakad sa kutchon namin sa gawing paanan. Ramdam na ramdam kong may naglalakad. Pumikit ako at nagdasal hanggang sa mawala. Tinapangan ko ang sarili ko at binuksan ko ang ilaw. Pagkita ko sa cabinet ay nakasarado na ito. Inakap ko ang asawa kong namumutla sa takot. Ang sabi niya, nakasilip daw ang babae sa cabinet, tinatawag siya. "Kadi na...." Yun daw ang sabi. Masbateño siya at yun ang salita sa kanila na ang ibig sabihin daw ay Halika or Halika na. Sinasama daw siya nito. Nung nagtalukbong daw siya sa takot ay bigla na lamang daw bumulong sa tenga niya at para siya hinihila. Hindi ko makakalimutan ang mga salita ng asawa ko na "siya pala yon, naalala ko na. sinundan niya ko".

Nakwento niya sa akin na bata pa lang daw ay nakikita na niya sa panaginip yung babae na yon. Noon lang niya naalala ulit dahil matagal daw hindi nagpakita ito sa kanya hanggang sa magpunta daw ako doon sa Legazpi. Parang may gusto sa kanya yung entity na yun. After that incident ay nagpapakita pa rin sa kanya yung babae kapag nag-aaway kami. Nakikita daw niyang nakasilip sa kung saan. Natatakot siya pero hinahayaan na lang niya. Basta hindi kami sinasaktan.

--------------

Fast forward...

2015, medyo nakamove on na kami sa babae na yun. Akala ko di na siya manggugulo until yung anak naman namin ang nakakakita sa kanya. 3 years old na ang anak ko. One time, nakatapat siya sa cabinet namin. Tinuturo niya ung cabinet. Sabi niya, "si nanay, raruan". Kinuha daw ni "NANAY" yung laruan niya. Nagtataka ako, sinong nanay? Eh mama ang tawag niya sakin at ang lola naman niya ay Mame. Sino si Nanay? Binuksan ko ung cabinet at nakita kong nandun ung laruan niya. Nagtaka ko bakit napunta doon eh hindi naman abot un ng anak ko. May lalagyan siya ng mga laruan nya kaya alam kong hindi ako ang naglagay don. So okay, hindi ko nalang din muna pinansin.

After that incident, one time nawalan ng kuryente dito samin. Kaming dalawa lang ng anak ko ang nandito sa bahay. Nasa loob kami ng kwarto. Around 5pm na ito kaya medyo padilim na. Hindi ako nakakaramdam ng takot kaya nagstay kami sa kwarto kasi sayang at may lamig pang natira galing sa aircon. Nagulat ako nang biglang tumayo ung anak ko sa paanan ko, tinuturo yung window (nasa ulunan ko ung window) at sabi niya "si Nanay! Hello nanay!". Yung dampot ko sa anak ko sabay takbo palabas. Wala pa akong bra at nakayapak lang sa takot. Paano naman magkakaroon ng tao sa may bintana namin eh pader na ng kapitbahay yun? Walang papasukan ng tao. May maliit lang na space na pinagsasampayan namin.

Nakwento ko ito lahat sa mother ko pero sabi niya eversince naman wala namang mga paranormal na nangyayare dito sa bahay. Wala nga din ako naexperience dito growing up. Kaya sigurado ako, yung nanay na yun, yun ung babaeng nakaputi.

One time, tinanong ko anak ko kung sino ba si nanay? Ano itsura nya? Sabi niya "puti mama".

And then last na nangyare is one time nagsi-CR ako. Alam naman natin na ang toddler, di mawalay sa nanay kahit pati sa CR nakasunod yan. Kaya nakaopen ang pinto ng CR in case hanapin ako ng anak ko. Nagulat ako bigla siya sumilip sa pintuan, sabi niya "Andyan na si nanay....". Yung tayo ko non sa takot. Buti nalang umiihi lang ako that time. 😭

--------------

Kaya simula non, naniwala na talaga ako sa multo. At lalong naniwala na ako na may mga multo na naaattach talaga sa tao or siguro, nagkakagusto. Hanggang ngayon, may times na napapanaginipan pa rin namin siya pero hindi naman na siya nagpapakita. Siguro kasi natanggap na niya? Ilang taon na rin naman kami ng asawa ko. 😅 Imagine, pati anak ko gusto niyang kunin sakin. Dun talaga ako sobrang natakot. Mabuti nalang at ngayon, hindi na siya nakikita ng anak ko.

Yun lang po, sana may makashare ng knowledge about this sa comment section. Marami pong salamat! May mga experience pa po ako pero hindi na related dito. I am willing to share din pag may time.

-˚ ◌༘♡ ⋆。˚ ꕥ

📜Travel Horror Stories
▪︎2022▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon