“LOVE, PASOK LANG, KAMI LANG NI CAI NANDITO”
Nangyari ito summer ng taong 2019, madalas ako nagbakasyon sa bahay ng pinsan ko, yung pinsan kong yun ay biyuda na, nam*tay ang kanyang asawa ilang taon na ang nakalilipas dahil sa severe pn€um0nia.
Balik sa kuwento, isang taon na nakalilipas nung nam*tay ang kanyang asawa noong nagbakasyon ako sa bahay nila, dahil don ay lagi na lang siya mag-isa kaya sinamahan ko muna sa loob ng dalawang buwan. At sa loob din ng ilang buwan na yon ay may mga hindi pangkaraniwang karanasan ako.
Isang hapon noong kauuwi lang namin mula sa grocery store, pagpasok ng bahay ay agad siyang tumungo sa kanyang silid samantalang ako naman ay sa kusina upang ilagay ang mga pinamili namin sa kanya-kanya nitong lalagyan. Pero, bago siya umakyat ay natatandaan kong chinarge niya muna ang kanyang cellphone, hindi ko na lang pinansin at tinuloy ko na ang pag-aayos.
Maya maya ay narinig ko ang aking pinsan na nagsasalita at tila ba na parang may kinakausap. Tumagal iyon ng ilang minuto, naisip ko baka may kausap lang sa call pero naalala kong chinarge niya yun bago umakyat at yun lang ang tanda kong tanging gamit niya pantawag. Tinigil ko muna ang pag-aayos at pinakinggan ko nang mabuti, ang malumanay ng boses ng pinsan ko, para talagang nakikipag-usap sa mahal niyang tao.
Isinawalang bahala ko na lang yung nangyari dahil baka pagod lang yun at may nami-miss, but not until noong sumunod na gabi. Iisa lang kami ng kuwarto ng pinsan ko pero nasa kama siya, ako naman nasa sahig at sobrang lapit ko lang sa pintuan, yung tipong kapag hindi naka-lock yung pinto at biglang may magbubukas ay tat*ma talaga sa ulo ko yung pint0, ganun ako kalapit.
Malalim na ang gabi nun at madalim na ang buong paligid dahil madalas kami magpatay ng ilaw bago matulog, at wala pa akong cellphone kaya wala ako mapagkaabalahan so nagmuni-muni na lang ako hanggang antukin. Yung pinsan ko naman ay abala sa laptop niya, nang biglang may kumatok, tatlong katok sa mismong pintuan ng kuwarto. Dalawa lang kaming tao sa buong bahay, natigilan at kinabahan na ako nung mga oras na yun kaya di ako nakagalaw.
Ilang minuto ang lumipas at akala ko panatag na ang loob ko nang biglang kumatok ulit, this time ay limang katok na. Dito na talaga naramdaman kong parang b*m*ba lahat ng d/û/g/0 ko sa katawan, kahit nangangalay na ko sa posisyon ko ay tiniis ko na lang. Pinakiramdaman ko ang pinsan ko at tuloy lang ang tunog ng keyboard niya, mas lalo ako kinilabutan nung biglang nagsalita yung pinsan ko, ang sabi,
“Love, pasok lang, kami lang ni Cai nandito,” sa pinakakalmado niyang tono.
Akala siguro ng pinsan ko ay tulog na ko noon, di niya alam nan*nigas na ko sa sahig sa takot. Natataranta ako nun deep inside kasi baka buksan ang pinsan ko at may tumambad sa min na kung ano, sa awa ng Diyos, hindi niya binuksan hanggang lamunin na ko ng antok. Nakakapagod din pala matakot.
Kinaumagahan, 9 am na ko nagising kasi napuyat ako, di ko na tinanong pinsan ko kasi siguro miss niya lang yung asawa niya. Masaya na rin naman siya sa buhay niya ngayon. At simula noon, kahit kaninong bahay kapag nag-i-sleep over ako ay di na pumupuwesto sa tabi ng pintuan. Haha. Salamat sa pagbabasa!
📜FEU Secret Files Community
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.