Bakasyon sa Thailand

24 1 0
                                    

A little backstory. Growing up i knew i had a gift seeing things na hindi nakikita ng pangkaraniwang tao. I work as a Nurse sa isa sa mga Oldest hospital sa Manila and normal occurance lang sa akin makaramdam at makakita ng mga kaluluwang ligaw.

Madalas na dillema din para sa mga nagttrabaho sa ospital yung pakiramdam na desensitized ka na sa mga nag cocode at namamatay. Kaya isa sa mga libangan ko nun para mag tangal ng stress is mag travel.

Kadalasan mas gusto ko na sa mga hostels lang nag sstay, Para kahit paano makakasalimuha ka ng ibang mga lahi. Matutunan at ma emerse sa kultura nila.

2015 - Hatyai, Thailand.

2hrs din naming hinanap tong hostel na to, kasi mali maling direksyon napupuntahan namin. At wala kaming makausap na marunong mang english para maturo kami sa tamang direksyon. Kahit may google maps o waze, lahat Fail. kahit nasa isang busy street siya. Parang lahat ng nakausap namin hindi alam ang lugar. Nung nakita namin finally lumang gusali pala siya at walang maayos na signage. Pag pasok mo sa lobby, mukang bagong renovate at maaliwalas naman. Walang elevator, hagdan lang paakyat. Parang mga lumang apartment style building na napapanood mo sa mga asian horror movies.

Kaka-check in pa lang namin ng mga kaibigan ko, Nagdecice ang lahat na magpahinga muna sa loob ng kwarto namin. Lahat sila humiga muna sa pagod sa byahe. Lahat naka cellphone lang at Nagkukulitan kung san ba kami dapat pumunta muna at saan kakain. Siyempre Bakasyon mode kaming lahat!

Ako naman, nag decide na ayusin mga gamit ko sa locker na nasa may baba lang ng kama ko. Habang naka upo ako sa lapag ng bunk bed ko. Sabi ko, parang may mali. Tumaas balahibo ko bigla at parang nahilo. Sa loob loob ko, Parang may nakatingin sa akin, di talaga ako mapakali. Napatingin ako sa may taas ng aircon namin, dun pala may mallit na pahabang bintana. Nagtatawanan pa mga kasama ko sa kwnentuhan nila. Nung nakita nila akong tumahimik at nakatitig lang sa bintana. Tawag daw sila ng tawag sa akin pero di ako sumasagot, mga halos 1min din daw akong di makausap. Hangang sa tinapik na nila ako. At ang nasabi ko lang may babaeng mahaba ang buhok.

Karipas na lahat kami ng takbo pababa sa lobby ng tanghaling tapat. Dun ko lang narealize na may babaeng mahaba ang buhok na nakalutang sa may bintana. Walang mukha.

Nagulat yung front desk kasi sabi niya, wala naman daw naka check in sa kabilang kwarto. Kaya imposibleng may ng ttrip lang sa amin. Dinouble check pa nila mismo yung kwarto para tignan. At based sa description ng staff sa hostel na yun. Impossible daw na may maka abot sa bintana kasi wala naman kama o matutungan dun.

As an under paid and overworked na nilalang. Wala kaming choice kung di mag stay sa hostel na yun sa buong duration ng bakasayon namin. Madalas yung pakiramdam ko, may nagmamasid sa amin. Nakatingin. Walang naliligo na sarado ang pintuan ng banyo sa takot namin bigla nalang siyang magpakita uli. Sabi ko sa mga kasama ko kausapin niyo nalang sa utak niyo. Na andito lang kami para magpahinga at magbakasyon. Every night Nag offer na lang kami ng prayer para sa babaeng nasa bintana. Kasi kahit gusto namin siya tulungan. Hindi din kami magkakaintindihan. Hehe

Upto now naiisip ko pa din kung bakit hindi ko sila naririnig nung mga panahong nakatitig ako sa babae sa may bintana. Pilit ko inaalala kung may pinapahiwatig ba siya o gustong sabihin sa akin. Kasi hangang ngayon Naalala ko pa din yung itsura niya.
Nakalutang sa taas ng bintana, Mahaba ang buhok, walang muka.

One for the books! Gusto ko lang naman magbakasyon eh. Kayo anong kwentong bakasyon niyo?





📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon