Glitch or napaglaruan?

9 1 0
                                    

Glitch or napaglaruan?

It's me, hi, I'm the problem it's me. 👉👈 eme! Hahaha ako ulit ito, yung ate nyo girl na nang aaway ng multo kasi naistorbo sa pag bbreakfast.Hahaha

Di ako makatulog nanaman.GY pala kase ko kaya mag sh-share na lang ako. Hahaha!

This happened when I was still working sa BPO somewhere in Makati. I was still a trainee that time and my shift was 10p-7a. Midshift, yes. And as we all know, sa BPO pag ganyan ang oras, patay yan sa labas. Nagmumumog pa kasi ng calls sa prod ang first shift nyan.

Going back, since 10pm ang pasok at ako'y isang dakilang Caviteña, umaalis ako sa bahay ng 8pm para by, let's say 9:30 nasa site na ako.

Pagdating ko sa site usual lang na check ng bag, DHS, and punta na agad sa elevator. Pagsakay ko ng elevator pinindot ko na agad kung anong floor ako  and since ako lang mag isa, not long after, tumunog at nag open na ang pintuan ng encantadia dahil nasa floor na ako. Just for context, sa locker ako unang nag pupunta which is sa 11th floor.

Paglabas ko ng elevator pumunta na ako agad sa locker ko, para ilagay mga gamit ko. Nakita ko pa mga kasama ko and design ng floor namin. Pag punta ko sa locker narealize ko parang may mali. Iba yung pwesto ng water dispenser, iba yung pwesto ng mga locker. Atsaka iba yung mga mukha na nakikita ko. As someone who hates homeostasis like Shelly, manonotice ko talaga even pinakamaliit na change. What convinced me na nasa ibang floor ako ay nung napansin ko na iba yung account na nandun sa ID nung mga merly na pumasok.

Nung narealize ko na may mali nga, umalis ako sa locker and charaaan! Wala na yung designs or display sa floor namin. It's a plain hallway nalang. Madilim na ulit, iba yung ayos nung sa prod. And what's more confusing is that nasa 6th floor palang pala ako. 🥲

Dali dali akong sumakay sa elevator and, pinress ko yung floor kung saan ako dapat. I was still confused on what happened. Lutang ako habang nasa elevator. Nakatingin lang ako ron sa indicator kung saang floor ka na.

Until now, it's a mystery pa rin for me. Nagkamali lang ba ako ng baba or what? Pero nakita ko pa kasi floor design namin eh. 🥲

Ayun lang.Hahaha nagresign na ako ron. So BPO pips, double check lagi ah? Kahit pagsasakay ng elevator. Baka akala mo employees pa rin yung kasabay mo.

Thank you admins!

G.



📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon