Based eto sa totoong nangyari samin ng family ko last week lang, bago ang bagyong Egay.
Tinakpan ko na lang yung name ng hotel, pero malamang po kung taga dito kayo sa lugar na ito kung saan din nakatayo itong hotel e makikilala nyo to. Respect na lang po sa may ari ng hotel at management, huwag na natin banggitin kung nahulaan nyo. Salamat po!
——————————————————————————Nagkayayaan mag vacay sa ELYU, — (ako, si hubby, sis-in-law, her husband, kasama ang toddler nila at bunsong kapatid na lalaki) kasi naiinip na ang mom namin sa bahay so bumyahe kami. Pagdating ng San Juan e halos lahat ng Beach Resorts na maayos ay fully booked, yung iba naman ayaw magallow ng may pets (may dogs kaming kasama).
From 5am hanggang 6pm naghahanap kami ng Resort kaya nakarating na kami ng Ilocos Sur. Past 6pm na ng madaanan namin itong hotel na ito na merong Pool sa loob. Pero bago namin ito hintuan meron talaga kaming balak puntahan sa may bandang Narvacan na. Naattract kami nung madaan namin itong hotel na ito kasi kung titignan mo sya from afar e ang ayos at tahimik nya. Para bang may bumulong samin pareparehas na hintuan itong hotel na ito. Kaya hindi na kami tumuloy doon sa kausap naming resort sa may Narvacan.Fast forward — nakapagbayad na kami ng stay for 2 days dito sa hotel kasi pagod na mga drivers namin (2 cars kami) kaya nagdecide na dito na lang kami.
Yung itsura nung loob ng hotel e hindi naman masyadong luma pero parang napabayaan. Nangangalawang yung mga paa ng mesa pati mga metal na upuan. Yung pool parang hindi nalilinisan at malabo. Pagakyat mo ng 2nd flr yung hallway e ang creepy. Kikilabutan ka kung ikaw lang yung aakyat magisa. Nasabayan pa na iilan lang yung guests nila. Tapos yung mga ilaw ang dilim na at hindi napapalitan ng bago. Pati sa rooms na kinuha namin ay madilim yung ilaw at maingay yung aircon kapag nakabukas.
Nagdecide kami tumambay sa pool area kasi gusto magswimming ng toddler namin. Naiwan sa room si hubby at matutulog raw muna sya. Yung bilas ko naman na lalake ay kausap yung staff para magpalinis nung room na pinili nila. So kami nila mom, sis, and bunso nilang kapatid ay naiwan para magbantay sa toddler namin. Not knowing na may nangyayare na pala sa hubby ko sa taas (sa room namin).
Nakaupo kaming tatlo sa pool side at hindi na napigilan ni SIL at MIL napakwento sila sa naganap sa kanila nung pagdating pa lang namin sa hotel na to. Nagvivideo si MIL sa room nung may parang tela na palutang lutang ang dumaan don sa likod nya (selfie video po sya). Mabilis lang na dumaan, so di nya pinansin kasi ayaw nya isipin kung ano man yon. Si SIL naman kasama nya yung bunso nilang kapatid, nagchecheck sila ng mga kwarto para pagpilian kung anong kukunin, pagopen nila ng pinto ng isang room e may sumigaw ng “waaahhh!!!” Kaya sinara nya ng mabilis yung pinto sabay patakbong lumayo kasi akala nila nakaistorbo sila ng ibang guest. Ilang minuto palang nakakalipas noong marealized nila na wala namang nakacheck-in doon. Kami lang ang tao sa floor na yun that time.
8pm na at umahon na sa pool si toddler. Umakyat na sila ng daddy nya kasama si bunsong kapatid para maligo. Naiwan kaming tatlo sa pool area, maya maya e bumaba si hubby sa amin. Pagsindi nya ng yosi e nagkwento na sya..
“Mommy (tawag nya sa akin), may guests ba sa tabi naten na kwarto? Kasi may mga naririnig akong naguusap doon sa hallway. Tulog ako pero parang ang babaw ng tulog ko at may mga tao akong naririnig naguusap, mga babae.”
Sabi ko “wala namang mga babae. Isang matandang babae lang nakita kong guest nila pero kasama nya yung asawa nya at kamag-anak ata nila yun puro mga lalaki rin. Imposibleng puro mga babae naririnig mong naguusap.”Nagkwento na si MIL at SIL kay hubby ng mga experiences nila, nagulat ako sa reaction ni hubby na parang nanlaki yung mga mata at namula ang mukha nung nalaman nya yung kwento. Sabay sabi “kanina may humipo sakin sa kwarto, mabigat yung kamay tapos tahol ng tahol si mimi (dog namin), di ko lang sinasaway si mimi kasi antok na antok ako. Nung nagkaulirat ako, hinanap ko kagad yung wallet ko baka kasi tao yung pumasok na yun pero imposibleng tao yun kasi kakagatin sya ni mimi kung magkataon. kinilabutan ako. Napatingin ako sa bintana, kita ko sa peripheral ko yung terrace ng kabilang kwarto parang may aninong nakatayo. Natanaw ko din kayo dito sa pool kaya bumaba na ako. Parang sumama pakiramdam ko.”
Bagong pasok, night shift yung binatilyong nasa front desk na kausap namin. Nagtanong ang mom namin sa kanya kung may mga creepy experiences daw ba silang mga staff at mga guests nila sa hotel na ito. Nagkwento sya na sa may bandang taas (2nd flr pataas) daw ay may mga nagpaparamdam. Noong nagpandemic raw ay ginawang isolation rooms ang mga kwarto ng hotel na ito. (God knows kung merong mga nasawi due to covid dito sa hotel)
Noong magcheck ang SIL ko sa agoda, maraming mga bad reviews etong hotel at may iba pa nga nagsabi na mistulang Diplomat Hotel ito sa sobrang creepy.Pagkakain namin nung dinner na inorder namin, nagdecide na lang kami na irefund yung binayad at umalis kami that night din sa hotel na yun kasi kahit sino samin hindi makakatulog.
Natuloy lagnatin ang hubby ko, ayaw na lang talaga namin isipin na nabati/nausog sya noong may humipo sa kanya doon sa kwarto ng hotel. Pero paano mo maipapaliwanag na pagkatapos ng experience nya e sumama kaagad pakiramdam nya? Malaking tao sya at bihirang magkasakit.
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.