HOTEL SERYE
7yrs akong nagtrabaho ako sa condotel somewhere in Mandaluyong. As a housekeeping coordinator, ako ang ngcaters lahat ng concerns sa hotel specially guests concerns. On my training period pa lang, ang dami ko ng nararamdaman. I’m sensetive, usually i see them on my peripherals pero d ko ineentertain lahat yun.
One Day, during peak season ngkataon maraming check-out rooms n kailangan linisin. Isa sa mga staff namin ay baguhan, since tpos na ang shift ko tumulong ako sa floors. 1room na lang sa 8th floor ang di nya nalilinis pero sobrang laki ng unit, nasa 50sq m, combined unit sya tpos sobrang dumi kasi long staying guest for more than a month and bihira magpalinis. Upon entering, 1st time ko mapasok ang unit. Usapan namin ng staff na ako magaayos ng bed sya sa CR. Tapat ng bed is a vanity table w/ Mirror na nakaharap din s bedroom door. Btw, ang pwesto ko ay nasa right side ng bed nakaharap sa window. Nsa left side ko ang mirror and nasa right ko naman ang bedroom door. Adjacent to the door is the bathroom, andun ang staff ko.
Habang tinatanggal ko ang bedsheet, umiikot ang mata ko s room ksi ang laki at ang dumi nya, nagkatinginan kami ng staff at ngkatawanan. Dalawa lang kme s room, pero pagtawa namen, may pangatlong boses na sumabay ng tawa. Unang tumakbo sa isip ko, “gaano kalakas ang boses ng tao galing sa labas na maririnig mo ng malinaw sa 8th floor?” Alam mo ung tawang, sa harapan tlga ng mukha mo. Malamig na hangin pa ang naramdaman ko s mukha ko at nanlamig ako. Ang ayaw ko p naman sa lahat ay makakarinig ng boses kasi pumapasok sa isip ko ung image nia. At that moment, Akala ko ako lang ang nkarinig, pero mali ako. Pagtingin ko sa staff ko nanlaki din ang mata nia at natahimik, nrinig din pla nia ang lahat. Iniwan namen ang lahat at tumakbo palabas ppunta s elevator.
Nagradio ako sa floor supervisor ng nanginginig at namumutla, habang nakaupo sa labas ng elevator. Pgdating ng dalawang supervisor tinanong nila ako ng mga sumusunod:
• Anong nangyare?
- Which is sinagot ko na may tumawa sa amin.
• Babae? Matanda?
- sinagot ko sila ng oo pero sa isip ko bkit parang my alam sila.
• Sabay banat ng isang Supervisor, si nanay talaga.. gusto ka lang makilala.
- inshort, may alam sila pero wala ni isa ang ngbanggit sa kanila.Binalik nila ko sa room pero nasa maindoor nalang ako, ayoko na pumasok. Sabi ng isa, nanay naman wag mo takutin ang staff bago lang yan. Di na nila pinalinis yung room. Dinala nalang nila ko sa baba, sa housekeeping office at pinakiusapan nila ang ibang staff na pgtulungan i-strip ang unit.
Mahigit Isang ligo akong di natutulog ng patay ang ilaw. Pati pagligo ko, ayoko nagsasara ng mata.
Weeks past, mejo dko na naiisip ang nangyari. Galing ako sa off, inapproach ako ng isa naming supervisor at my inabot n bible sa akin, pgbuklat ko my picture akong nakita, at bigla akong umiyak. Narecall ko ang mukha ng boses na tumawa sa amin. Ung picture seems old, yellowish corners and mejo torned. Kwento ng supervisor, may isa kaming staff na galing sa leave at walang alam sa nangyari sa akin. Pagbalik nia for duty sa kanya pala pinalinis ang room. Kinailangan irelease yung room kaya pinalinis at pinasok sya for clearance. At bare sight, sa tabi lng ng TV, andun nya nkita ang picture.
Dinala ng supervisor ko ang bible sa EDSA shrine na chapel at iniwan nia dun ang bible. From then, di na mabigat ang feeling ko sa room na yun at napapasok ko n sya freely. I’m not sure if that old lady only needed a prayer but i’m glad na natahimik na sya.
Pero di pa tapos ang kwento s ibang rooms…
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.